DISCLAIMER
This is a work of fiction. Names, characters, places, events, businesses and locales are product of author's imagination or are used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.
No parts of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means without the author's consent.
NO TO PLAGIARISM.
This is raw copy. Expect grammatical errors, typos, spellings, and etc. Please bear with me.
Enjoy reading! :)
Started: February 05, 2023
End:©dreamyllei
All Rights Reserved
_____
Prologue
Love. Love? Ano nga ba ang love? Some people say, once you fell in love, you'll feel safe, contented and you feel like home. The feeling of being loved or being in love is impossible for a young child, like me. Well, sabi nila iyon pero bakit parang mali yata sila?
Love. It is a big word and easy to understand but I can't explain nor determine what's its meaning.
I was eleven when I first saw him. Sa palengke iyon at iyon din ang unang beses na sumama ako kay lola para mamalengke. He was there helping the middle aged woman at her mini store. Hindi ko alam kung kaano ano niya iyon.
"Naku, salamat ng marami, hijo!" Sabi ng ginang rito na may malaking ngiti.
"Walang anuman po," magalang na sabi nito sa ginang at ngumiti rin.
Napakurap ako nang masaksihan ang kaniyang pagngiti. Pakiramdam ko ay lumiwanag ang paligid sa simpleng ngiti lamang na iyon. Napailing ako sa nakakatawang naisip.
"Reia! Batang 'to, tara na," napalingon ako sa pinanggalingan ng boses ni lola.
"Opo, nandiyan na," sagot ko. Binalik ko ang tingin sa kinatatayuan ng lalaki at napasinghap na lamang ako nang makitang nakatingin ito sa akin.
"Sino ba ang sinisilip mo riyan?" Akma pang titingnan ni lola iyon kaya hinawakan ko na ang kamay niya.
"Ay, wala po! Tara na po," ako na ang mismong humila kay lola paalis sa lugar na iyon.
Bago tuluyang makalayo ay napalingon ulit ako. Naabutan kong nakatingin sa akin ang lalaki at maya maya pa ay ngumiti. Napasinghap ako sa ikalawang pagkakataon.
"Ano ba ang nangyayari sa iyo?" Kunot noong tanong ni Lola na nagpabalik sa akin sa wisyo.
Sunod sunod na iling ang ginawa ko. "Wala po!"
Simula sa araw na iyon ay lagi na akong nagbubuluntaryo na samahan si Lola sa palengke kahit si Ate naman talaga ang palagi niyang isinasama. Nagkataon lang na may importanteng lakad si Ate kaya ako na ang isinama niya.
Nagsimula na ring magtaka sina Ate at Lola sa akin ngunit hindi naman na nila ako pinansin. Natuwa pa nga sila na lumalabas na ako ng bahay dahil matagal na rin na hindi ako lumalabas maliban na lamang kung pupuntang eskuwela.
Lumipas ang taon na ganoon lang ang ginagawa ko. Sasama kay Lola sa palengke at hahanapin ang binata. Natutuwa na ako sa simpleng ganoon lang at hindi ko rin maintindihan kung bakit ko ba nararamdaman iyon.
"Reia! Uuwi ka na?"
Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ang kaklase na tumawag sa pangalan ko. Ngumiti ako at umiling sa kaniya.
BINABASA MO ANG
As Time Goes By (Series Of Scenery #1)
RomanceSabi nila, kapag daw nasa fifteen below ang edad mo ay crush lang ang lahat, paghanga lang kumbaga. Pero kay Reia bakit parang hindi? She fell in love at the young age but she did not really know kung ilang taon niya talaga naramdaman iyon. Nalaman...