A/N: This chapter contains a spoiler for EFS (Eight Finity Series). Bahala na kayong manghula ng future ng mga characters sa series na iyon, hahaha. Enjoy reading!
Ps. I really did my best para matapos ito today! As in, today! Kasi nagulat ako nang may nagsabi sakin na hanggang 11:59 PM dapat naka update na ako. Like, ghurl! May deadline pala? (Hala siya. OA?) HAHAHA. Love you sa makulit na isa diyan! Heto na for you.
_________________
Chapter 33Inayos ko muna ang sarili sa rearview mirror bago bumaba sa sasakyan. Bumalik kami sa Negros ilang araw matapos ang birthday ko. Sumama sa amin si Zandriel dahil bibisita rin daw siya bahay at hacienda nila.
“Text me when you're home,” sabi ko sa kanya dahil hindi na siya magpapahatid sa kanila. Sasakay nalang daw siya ng tricycle tutal may dumadaan naman dito sa amin.
“Alright,” humalik ito sa aking noo bago sumakay na sa tricycle.
Pumasok na din ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto para ayusin ang mga gamit. Binuksan ko ang bintana at bumungad sa akin ang likod ng bahay kung saan naroon pa ang mga bulaklak ni Lola. May nag-aalaga pala ng mga iyon noong wala kami.
“Let’s go visit some place. Hindi ka naman siguro ganoon ka pagod, ‘di ba?”
Biglang pumasok si Chesa sa kwarto ko at umupo sa kama. Pinakialaman pa ang ibang gamit ko doon. Kasama rin pala siya namin papunta dito. Bibisita rin daw siya sa bahay nila.
“Sige. Na miss ko rin mag-ikot dito,” sabi ko at nauna nang lumabas.
Naglakad lang kami para naman mas ma appreciate namin ang pinagbago ng lugar. Kunti lang naman ang nagbago. May mga bagong bahay sa mga bakanteng lote dati. Sa paglalakad namin ay nakarating na kami sa public plaza. Medyo nagbago ang hitsura niya.
“Grabe, ilang taon rin,” sabi nitong kasama ko na ikinangiwi ko.
“Wala pa ngang isang taon simula nang umalis ka rito,” ani ko.
Tinawanan niya ako. “Para sa iyo yun. Sinasabi ko lang kung anong nasa utak mo.”
“Nababasa mo pala laman ng utak ko. Angas ah!”
“Jusko naman, Reianezha! Aminin mo man o hindi, alam kong na miss mo ang lugar na ito. Syempre dito ka nagkaroon ng love story,” pag-iingay niya.
“Parang may microphone doon, Cherlyn Sunrie. Kulang pa ang lakas ng boses mo. Hayun at gamitin mo para dinig ng buong syudad! Pambihira.”
Natawa nalang kami sa ingay namin. Ganito rin kami noong high school palang. Maingay sa kahit saang lugar ilagay. Dalawa lang naman pero kung makapag ingay akala mo nasa sampu katao.
Tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Zandriel. Sumilip naman si Chesa kaya sinamaan ko siya ng tingin. Inirapan niya lang naman ako.
“Hello? Nakauwi ka na?” bungad na tanong ko.
“Hmm. What are you doing?”
“Nasa plaza kami ni Chesa. Mag-iikot lang kami since almost five years din akong wala dito sa Kab,” sabi ko habang sinusundan si Chesa na hindi ko alam kung saan pupunta.
“I see. Magpapagabi ba kayo?”
Napaisip ako. Hindi ko alam kaya tinanong ko nalang si Chesa.
“Hi, Zan!” bati niya kasi sabi niya i-loud speaker ko daw at siya ang kakausap. “Pwede naman kaming magpagabi kasi maganda tumambay dito kapag gabi na. Bakit? Sama ka?”
“Hey, Ches. If you guys want, then I will.”
“Tsh, ano ka ba? Of course pwedeng pwede. Libre mo ha?” binatukan ko na si Chesa at agad nilayo ang cellphone sa kaniya. “Sakit nun!”
BINABASA MO ANG
As Time Goes By (Series Of Scenery #1)
RomanceSabi nila, kapag daw nasa fifteen below ang edad mo ay crush lang ang lahat, paghanga lang kumbaga. Pero kay Reia bakit parang hindi? She fell in love at the young age but she did not really know kung ilang taon niya talaga naramdaman iyon. Nalaman...