Chapter 16

10 2 0
                                    

"Ano, ate?! Bakit?" Iyan ang unang tanong ko pagkapasok ko sa kwarto ni Lola sa hospital.

Malungkot ang mukha niya at problemado. Inis naman akong napahilamos sa aking mukha at pinipigilan ang luha. Kahapon ko lang nalaman ang offer na natanggap ni Zandriel sa Japan na tinanggihan niya. Ilang beses niya akong tinawagan pero lagi kong dinadahilan na busy ako sa mga requirements na kailangan kong ayusin. It was half truth, half lie. Totoong busy ako pero hindi dahil sa requirements kundi dahil kay Lola at iniiwasan ko siya. Feel ko hindi ko pa siya kayang harapin sa sitwasyon ko at sa nalaman ko. Baka ano pa ang masabi ko sa kaniya kaya 'wag na muna.

"Nirefer ng hospital na dalhin sa Bacolod si Lola at doon ipagamot. Malala na pala ang sakit niya, Reia, hindi man lang natin nalaman," malungkot na sabi niya.

Napakagat labi ako napapikit ng mariin. "Kailan?"

"Mamaya na ata, inaayos pa ang paglipat niya," sabi niya at doon talaga ako natahimik. "At nga pala, Reia..."

Napatingin ako sa kay Ate at hinintay ang sasabihin niya. Nakatingin lang siya sa akin at nalilito kung sasabihin ba niya o hindi.

"Ano, ate?"

Humugot muna siya ng malalim na hininga. "Nakausap ko si Papa."

Doon na tumigil ang mundo ko at parang nabingi. Nag uumapaw ang kakaibang emosyon sa dibdib ko at napaahon ako sa pagkakaupo. Nanlalaki ang matang tumingin ako kay Ate.

"A-Ano, ate? K-Kailan? P-Paano?"

Napapikit siya na parang nasasaktan. "Kaibigan niya ang isang doctor dito at nagkita kami. A-Akala ko noong una namalik mata lang ako pero hindi."

Napasinghap ako at nagtiim bagang. "Anong kailangan niya?"

"T-Tutulong daw siya, Reia."

Tumawa ako ng mapakla. "Tutulong? Saan? At bakit naman?"

"Nalaman niya ang nangyari at gusto niya tayong tulungan."

"Pumayag ka?"

Humikbi siya. "Tatay pa rin natin siya, Reia."

"Alam ko. Pero bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa, Ate? Pumayag ka pa talaga?"

"R-Reia..."

"Oo, Ate! Tatay pa rin natin siya pero iniwan niya tayo! Matagal na panahon na tapos magpapakita siya sayo na parang walang nangyari? Magpapakita siya sayo na parang okay lang lahat?"

"Nag sorry naman siya a-at nag explain."

"Wala akong paki! Kung tanggap mo siya, ako hindi. Hindi ko alam kung makakaya ko ba, ate," sabi ko at agad na umalis sa kwartong iyon.

May nakasalubong pa akong lalaki na agad kong sinamaan ng tingin sa pag-aakalang siya iyon kahit hindi naman ako sigurado. Never ko naman nakita pagmumukha niya kaya pano ko malalaman? At gusto ko bang malaman? Ewan ko! Ang gulo na ng isip ko tapos dumagdag pa 'tong lecheng eksena na 'to!

Dati gusto ko siyang makausap at matanong kung bakit niya kami iniwan pero ngayong nalaman ko kay Ate na nagkita sila, parang ayoko na. Masakit at hindi ko matanggap na basta nalang siyang magpapakita sa amin. Ni hindi ko maintindihan kung bakit niya kinailangang gawin iyon. Ni hindi ko alam kung matatanggap ko ba ang rason niya. Akala ko madali lang para sa akin kasi hindi ko naman siya na meet. Si Ate lang ang nakameet sa kaniya pero masyado pang bata si Ate that time kaya hindi ko alam kung paano siya na recognize ni Ate.

Maraming tanong sa isip ko. Gusto kong malaman ang dahilan niya pero hindi ko alam kung handa ba akong marinig iyon. Gusto kong malaman kung may pamilya na ba siya? Kung oo, bakit siya ngayon nandito? At kung wala, bakit ngayon lang siya nandito? Anong nangyari at ngayon lang siya nagpakita kay Ate? After seventeen years? Ngayon niya lang naisip na may anak pa siya?

As Time Goes By (Series Of Scenery #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon