Chapter 22

14 1 0
                                    

Tahimik akong umupo pagkarating sa restaurant na kakainan namin. I'm with my seniors. Tanaw mula rito ang runway kung saan may iilang eroplano ang nag take off. Mag-tatatlong linggo na ako sa trabahong ito. Noong una ay nahirapan pa ako dahil nag-a-adjust pa ang katawan ko sa schedule pero kalaunan ay nasanay na rin ako.

"Order na kayo. It's on me," sabi ni Ms. Mizelle na isa sa senior namin. She's just four years older than me.

"Sure, Miss?"

"Of course. Sige, go na. Bago pa magbago ang isip ko."

Agad agad naming kinuha ang menu at mabilis na nag order. Blessing iyon, hindi dapat hinahayaang makawala. Aba!

Pagkatapos kong mag order ay tumingin ako sa labas. Napangiti nalang ako dahil ilang araw din akong hindi nakauwi. Bukas ng hapon pa ang flight ko kaya magpapahinga ako buong araw. Itutulog ko itong pagod ko. Naloka ako sa byahe.

"Familiar talaga ang name mo, Reia. I wonder kung saan ko iyon narinig," biglang sabi ni Ms. Mizzy kaya napatingin ako sa kaniya.

"Hindi naman po rare ang pangalan ko."

"No, I mean ang buo mong pangalan. Reianezha ba."

Napa 'ah' nalang ako. Hindi ko rin kasi alam kung bakit pamilyar sa kaniya. Ngayon lang naman kami nagkakilala. Never ko pa siyang na meet.

Tumingin nalang ulit ako sa labas habang sila ay nagkukwentuhan doon. Hindi ko pa sila ganoong ka close pero nakakausap ko naman na sila. Masaya rin silang kasama pero hindi talaga nakaligtas sa akin ang pekeng ngiti at pakikitungo ng iba dahilan kung bakit mas gugustuhin ko nalang na mapag isa at tumahimik sa tabi kapag kasama sila. Ewan ko ba sa mga tao, wala ka namang ginawa sa kanila pero kung makaasta akala mo inapakan mo ang kanilang pagkatao. Seriously? Nasan utak ng mga 'to?

Umuwi na ako pagkatapos kumain. Pagkarating ko pa sa condo ay kaunti nalang ang laman ng ref kaya napilitan akong mang grocery. Umuwi pala si Chesa sa kanila noong nakaraang araw pa, bakit ko nakalimutan? Siguro nakalimutan niya na ring mang grocery.

Nakatingin ako sa cellphone ko dahil nandon ang listahan ng bibilhin. Hindi pa ako nakalahati kaya lumipat ako sa kabilang aisle para hanapin ang iba. Akmang kukunin ko na ang isang pack ng pancit canton nang manigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang pamilyar na pangalan.

"May tinanggihan na namang project si Zandriel. Gagong iyon, daming arte."

"Binaback stab mo si Zandriel, ha. Trevian, masama iyan."

Hindi ko alam pero biglang bumigat ang dibdib ko at napayuko ako. Ipinikit ko ng mariin ang aking mata para pakalmahin ang sarili. Nang magdilat ay saka ko lang na realize na hindi pa pala ako nakapagbihis. Suot ko pa rin ang uniform ko pero wala na ang coat.

"Okay lang 'yan. Mahal ako no'n - shit!"

Gulat akong napalingon sa gawi nila nang may mahulog. Nakatingin ako sa cup noodles na nasa sahig bago unti unting inangat ang tingin at doon nagtama ang tingin namin ng lalaki, gulat na gulat ito habang nakatingin sa akin. I saw recognition in his face and I know, I'm doomed.

"Y-You...?"

"Kilala mo?" Tanong ng kasama niya.

Umiwas ako ng tingin at agad na kinuha ang kailangan saka dumiretso sa counter. Napapikit nalang ako ng mariin nang marealize na maraming kulang sa pinamili ko. Shit nga naman!

Tulala akong nakatingin sa kawalan nang bumukas ang pinto ng condo. Pumasok si Chesa na may dalang box ng cake at nang makita ako agad niyang tinakbo ang distansiya namin at niyakap ako ng mahigpit.

"Kyah! You're here na, my friend! My cake ako kasi may trabaho na ako. Finally, after many decades of finding a job! Kainin natin. May binili rin akong beer. Anyway, sorry pala kung hindi ako naka pang grocery ha? Ngayon lang ako nabigyan ng pera. Babawi ako. Ako na magbabayad sa bills natin," sunod sunod na sabi nito kaya hindi ako makasingit. Hinayaan ko nalang siyang magsalita nang magsalita.

As Time Goes By (Series Of Scenery #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon