Paalis na sana ako sa venue para hanapin ang lalaki kaya lang pinigilan ako para sa sayaw ng prom queen at king. Kung bakit kasi ako pa ang napili, 'di ba? Nakaalis na sana ako ngayon dito ng walang kahirap hirap. Anong oras na ba? Hay naku naman na buhay 'to.
After ng sayaw ay walang pasabi akong umalis, nakita ko pang napatayo si Chesa at nagtatakang sinundan ako ng tingin pero hindi ko na iyon pinansin dahil wala na akong oras para magpaliwanag. Kailangan kong mahanap si Zandriel dahil iba kasi talaga ang tingin niya sa akin kanina e.
Pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang tahimik na front yard ng resort. Napakagat ako sa aking labi nang matantong hindi ko siya agad mahahanap sa ganitong lugar. Piste, naiwan ko pa naman ang phone ko sa loob, tinatamad na rin akong bumalik. Ano ba 'yan?!
Inis akong napakamot sa ulo at napagdesisyunan nalang na maglakad lakad. Lumapit ako sa fountain na nasa harap at umupo doon. Tumingala ako para tingnan ang magandang kalangitan na nababalutan ng makikinang na bituin.
"Why are you here?" Napalingon ako sa nagsalita at agad na napatayo nang makilala ito. Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa pagkabog ng dibdib ko. "Dapat tinext mo ako na lalabas ka after."
"Z-Zandriel. U-Uhmm," ni hindi ko man lang alam ang sasabihin!
Nakatingin lang kami sa isa't isa at wala ni isang nagsalita. Maya maya pa ay nagulat nalang ako nang bigla siyang lumapit at hinapit ako sa baywang para yakapin. Nanlaki ang mata ko sa gulat at napigil ko ang aking hininga, para rin akong tuod na nakatayo doon habang yakap niya. E kasi naman, hindi ko alam ang gagawin!
"Z-Zan?" Tawag ko sa pangalan niya.
"Just let me hug you," bulong niya at mas hinigpitan ang yakap sa akin. Wala naman akong nagawa.
Dahan dahan kong inangat ang kamay ko at nilagay sa likod niya para yakapin siya pabalik, relax na rin ang katawan ko hindi gaya kanina na para akong stick na steady lang na nakatayo. Hindi ko alam kung anong meron sakin para tapik tapikin ang likod niya. We stayed like that for almost fifteen minutes bago niya ako binitawan. Nang harapin niya ako ay nakangiti na siya, nilagay pa niya sa kaliwang tenga ko ang ilang hibla ng aking buhok na nakaharang sa mukha ko.
"Pretty," nakangiting sabi niya. Napaiwas naman ako ng tingin at bahagyang ngumuso.
Nagpapakilig ka ba?! Kasi effective! Shuta ka.
"Uuwi ka na?" Tanong niya.
"Oo kaso 'yong gamit ko nasa loob pa. Kukunin ko na muna? Sasama ka ba sa loob o maghihintay ka nalang dito?" Sabi ko.
He patted my head. "I'll just wait here."
"Okay! Wait mo ako dito," I smiled.
"Uh-hmm," nakangiti siyang tumango kaya ngumiti rin ako.
Bumalik ako sa loob at pumunta sa table namin. Gladly, nandoon si Chesa. Nang makita ako ay agad siyang tumayo, nilapitan ako at hinawakan sa braso.
"Nandito si Zan! Siya ba 'yong pinunta mo sa labas?" Mahinang sabi niya para hindi marinig ng iba. Tumango naman ako. "Gaga, nagselos ata? Iba 'yong tingin niya kanina sa inyo ni Casztier e."
"Nakita mo?" Sunod sunod naman ang pagtango nito.
"Oo, malamang! Gulat nga ako nang paglingon ko nando'n siya e. Sinusundo ka na ba?" Sabi niya pero mukhang hindi niya napansin ang huling sinabi kaya nanlaki ang mata niya. "Siya ang sundo mo?!"
Natawa ako. "Oo, tumahimik ka nga! Uuwi na ako. Nasan na ba si Ma'am? Magpapaalam muna ako."
Kinuha ko muna ang purse ko. Sinamahan naman ako ni Chesa na magpaalam. Papunta na rin daw ang sundo niya.
BINABASA MO ANG
As Time Goes By (Series Of Scenery #1)
RomanceSabi nila, kapag daw nasa fifteen below ang edad mo ay crush lang ang lahat, paghanga lang kumbaga. Pero kay Reia bakit parang hindi? She fell in love at the young age but she did not really know kung ilang taon niya talaga naramdaman iyon. Nalaman...