Now that Devin opened that topic, I can't stop but thinking about my future. I just realize that I've been enjoying my present lately that I forgot that I still have a future to settle and arrange. Studying in Cebu? Sure it was a good opportunity. But thinking that I might leave this place, my home? I don't know if I could do it.
Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ko. Pinaglaruan ko ang ballpen sa kamay ko habang nakatingin sa notebook na sinulatan ko ng mga gagawin ko in the next future: My college life.
"Iniisip mo pa rin iyon?"
Napalingon ako sa pinto kung saan nakatayo si Ate. Pumasok siya sa kwarto ko at umupo sa kama.
"Ilang months nalang kasi, Ate," sabi ko.
"You still have time to think," aniya. "You know, Cebu isn't that bad. Magandang opportunity ang naghihintay sayo and if you're thinking about... that certain person. Well, pwede naman kayong mag-usap regarding about that. Zandriel is a nice guy. Maiintindihan ka niya."
Napanguso ako. "Maghihintay nalang ako ng sign kung ano ang pwede kong gawin."
"Anong klaseng sign?"
"Like, something bad will happen while I'm on my last month in senior high? Kung meron nga, siguro iyon na ang time na aalis ako for Cebu."
"Stop thinking about it. Hindi maganda 'yan. Just take a rest and think of it tomorrow," tumayo siya at pinatayo rin ako. "Sige na, Reia, matulog ka na muna."
THE NEXT DAY, tumawag si Tita Gia. Si Devin ang kausap niya noong una pero maya maya lang ay hinanap niya ako at doon na nabuksan ang topic ng pag-aaral ko sa kolehiyo. Dahil sa bagay na binanggit ni Devin kagabi ay para akong hinila pabalik sa reyalidad na kailangan kong harapin. Reyalidad ng buhay ko na kung saan kailangan ko munang unahin ang pag-aaral. Parang pinaalala sa akin ang lahat ng dahilan kung bakit ako nandito sa lugar na 'to.
"Hija, studying here is not that bad. You and even your sister can study here. Tapos ko nang paaralin ang Kuya Dustin mo kaya wala na akong problema. All I want is to help you dahil iyon ang pinangako ko sa Mama niyo," sabi ni Tita Gia.
Tita Gia is the youngest of the Felomino's. Isa lang ang anak niya at iyon ay si Kuya Dustin. Sa Cebu sila nakatira dahil taga Cebu ang napangasawa ni Tita.
"Alam ko po pero marami lang po kasi akong naiisip kaya hindi ko pa po alam," pag-amin ko.
"It's okay. You still have time to think about it. Always remember that we're here to help you. Kahit nga si Kuya mo ay gustong tumulong e," sabi pa niya. Ngumiti na lang ako sa kaniya.
"Don't worry po, Tita. Pag-iisipan ko po ng mabuti 'yan."
That was our last talk. Napatulala nalang ako dahil hindi ko alam kung dito ba o sa Cebu? Mas maganda sa Cebu kaso... Aish, ewan ko!
"Huwag mo na munang isipin iyon, Rei. May pasok ka pa, baka gusto mong mag-ayos, 'no?" Sabi ni Devin na ikinalaki ng mata ko. Shems, lunes na pala!
Hindi na ako nagsalita pa at agad na bumalik sa kwarto para mag-ayos. Masyado ba akong preoccupied na nakalimutan kong lunes ngayon at maraming activities na kailangang i-check? Wait, marami? Parang wala naman e. Wala na, nasisira na ang utak ko.
Pagkatapos kong mag-ayos ay umalis na ako. Natigilan lang ako nang makita ang pamilyar na kotse sa harap ng bahay at Ang lalaking nakasandal dito habang nakatutok sa cellphone. Hindi agad ako nakakilos dahil sa gulat.
Bakit gano'n? Uniform lang naman ang suot niya pero bakit ang gwapo niya pa rin tingnan? Nagmukha siyang model doon kasi naka ekis pa yung paa niya at ang isang kamay ay nasa bulsa ng pantalon. Nakakainis! Ang gwapo niya tapos ako... Ako, heto lang, tao lang na humihinga.
BINABASA MO ANG
As Time Goes By (Series Of Scenery #1)
RomanceSabi nila, kapag daw nasa fifteen below ang edad mo ay crush lang ang lahat, paghanga lang kumbaga. Pero kay Reia bakit parang hindi? She fell in love at the young age but she did not really know kung ilang taon niya talaga naramdaman iyon. Nalaman...