Chapter 35

11 1 0
                                    

Chapter 35

Connecting flight na naman. Kakabalik ko lang pero ito agad ang bungad. Pero okay lang naman dahil mas gusto ko ngang busy ako kaysa sa may free time ako.

“Make sure to have a good rest, hmm? I know your work is important but prioritize your health,” sabi ni Zandriel nang tumawag siya ilang oras bago ang flight ko.

“Okay po. I will. Ikaw din, wag masyadong magpuyat,” paalala ko rin sa kanya.

“Yes, love, I will. Ingat sa byahe. I love you.”

Napangiti ako. “Love you too.”

Pagkababa ko ng tawag ay mukha agad ni Pat ang bumungad sa akin. Bahagya pa akong napatalon nang makita siya sa harapan ko.

“Girl! Ano ba?! Nakakagulat ka naman,” reklamo ko.

Tinaasan niya lang ako ng kilay. “Nag two weeks leave ka lang, may pa 'love you' ka nang nalalaman? Sino iyon? Alam kong hindi si Captain Sean kasi magkausap naman sila ng Co Pilot niya.”

Napabuga ako ng hangin at inikutan siya ng mata.

“Reia! Hala, sumbong kita kay Captain!”

Nanlaki ang mata ko at agad siyang sinamaan ng tingin.

“Hoy! Bunganga mo,” pabulong na singhal ko sa kaniya.

Napapikit nalang ako nang lumapit sa amin si Captain Sean. Maaliwalas pa ang mukha niya at talagang masasabi mo na masaya siya today. Sige, siya na happy.

“Ano yon?” chismosong tanong niya.

“Ah, wala po—”

“E kasi Captain, itong si Reia, may ka 'I love you-han' na. Pano nalang kayo? Hindi ba? Bagay pa naman kayo, Captain!”

Napangiwi ako sa kay Pat. Kailangan talaga magsumbong? And the hell? Feeling close sa kay Captain?

Napatingin sa akin si Captain Sean maging ang ibang crew. Napabuntong hininga nalang ako at napailing. Tumalikod ako sa kanila nang walang pasabi.

Nawala ako sa mood nang mga oras na iyon. Aaminin kong nainis ako kay Pat kanina. She shouldn't do that. Alam kong medyo close na kami dahil madalas kaming magkasama sa isang flight pero hindi naman tama iyon. It was my personal life she's talking about.

“Are you good?”

Napalingon ako kay Miss Mizzy. Nagtitimpla ako ng kape at medyo tulala kaya hindi ko napansin ang pagpasok niya.

“Yes po,” ngumiti ako. “Ihahatid ko lang po ito sa pasahero.”

Pagkatapos kong ibigay ang kape ay nagpahinga na ako. Tulog na halos lahat ng pasahero kaya magpapahinga na lang din kami.

NAGING maayos naman ang flights ko. Hindi ko gaanong pinapansin o kinakausap ang mga kasama ko, kahit na ang mga Pilotong kasama namin sa flight. Napansin nila iyon kaya hindi rin nila ako kinausap at hinayaan nalang.

Pat also noticed it and she tried to talk to me but I am avoiding her.

Payapa naman akong nakarating sa Pilipinas. Zandriel was already waiting for me. Ngumiti ako sa kaniya nang makalapit.

“How’s it? Did something happen?” he caress my hair.

Ngumuso ako at umiling. He only sighed and then pulled me for a hug. I felt him sniff my hair and kiss my forehead. It feels so comforting that it made me smile.

“We should go home. You need a rest,” hinawakan niya ang kamay ko at sa kabila naman ang maleta ko.

Sa buong byahe ay nakatingin lang ako sa kanila. Admiring his side profile. From his hair, his forehead, his eyebrows, his pointed nose, his lips, and his angled jaw. Why is he so perfect? Bakit sobrang gwapo?

As Time Goes By (Series Of Scenery #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon