Ang bilis lumipas ng mga araw. It's already our midterm in first sem, hindi ko na alam ang gagawin ko. Marami kaming ginagawa at halos wala na kaming pahinga. Hindi na ata uso ang salitang pahinga sa mga senior high students e. Pero... nahiya naman 'yong college sa reklamo ng senior high.
"Kailan exam niyo?" tanong ng lalaki, nandito kami ngayon sa city library, kasama namin si Chesa na walang ibang ginawa kundi ang mag reklamo dahil kanina pa raw siya kinakagat ng langgam e wala naman.
Literal mag-isip ang lola niyo, char lang.
"Next week," sabi ko habang nasa libro ang atensyon, hindi na ako nag-abala pang lingonin siya kasi ramdam na ramdam ko ang tingin niya.
"Next week na tapos magsisimula na naman kami sa defense defense na iyan. Hay naku, pagod na akong mag defend," reklamo na naman ni Chesa.
"Maka reklamo ka diyan 'kala mo naman hindi naka ninety seven sa defense," umirap ako sa kaniya.
"Same lang tayo 'no, shunga," ganti rin niya.
"Maka shunga 'to," inirapan ko siya ulit. "Crush mo oh."
Sa sinabi ko ay agad itong lumingon. Natawa naman ako at agad siyang inasar.
"Hanep ka sis, halatang 'di maka move on," pang-aasar ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin at binato ng crumpled paper.
"Foul 'yon ah! Zandriel oh, ang sama ng ugali niyang bebe mo," sumbong nito sa katabi ko na ikinalaki naman ng mata ko.
Nilingon ko ang lalaki na nakatingin lang sa akin at binigyan ako ng "Bakit?" look. Ngumiti ako at umiling, binalingan ko ang kaibigan at sinamaan ng tingin bago binalik ang atensyon sa librong binabasa.
Araw ng sabado nang inutusan na naman ako ni Lola na mang-grocery. No choice ako syempre, matanda na si Lola kaya hindi na namin siya pinapayagang mag-grocery mag-isa. Mahirap na at baka mapaano pa siya, e 'di kasalanan ko pa kasi pinabayaan ko si Lola. Ako pa sisihin ni Ate.
"Mag-isa lang ako, syempre. Kung sinamahan mo sana ako," sabi ko sa kaibigan na nasa kabilang linya.
"Anong gagawin, e nasa Bantayan ako?" sagot nito.
"Bakit ka kasi nandiyan? Uwi ka na, ang layo mo na sa akin," kinuha ko ang sabon na nasa listahan ni Ate, siya kanina nagsulat e, sabi niya kay Lola ako na lang daw bahala.
"Parang sira 'to. Kaya mo na 'yan o kung hindi man ay tawagan mo ang jowa mo at magpasama ka sa kaniya," sabi nito at natawa, narinig ko pa ang kahol ng aso nila doon.
"Hindi ko 'yon jowa, girl. Sige na, kaya ko na 'to tutal malaki naman na ako. I don't need someone's help. Naks, english," natawa ako nang bahagya ring natawa ang babae sa tabi ko.
"Don't need someone's help daw tapos pinapauwi ako, ano 'yan?"
"Eme lang. Bye na nga! Mamaya makalimutan ko pa ang mga bibilhin ko," ani ko.
"E 'di deserve!"
"Tse!"
Ako na ang nagbaba ng tawag. Binulsa ko ang cellphone at inayos ang paghahanap ng needs sa bahay. Nakumpleto na ang lahat pero nidouble check ko pa baka kasi may nakaligtaan ako.
So far wala naman kaya go to the counter and pay na. Sana lang talaga hindi kulang ang pera kundi lagot ako sa kahera. Sasabihin ko na lang siguro na bigyan ako ng fifty percent discount tutal dito naman ako lagi nag-g-grocery.
Ay, grabeng utak, halatang galing ABM.
"1,375 lahat, Miss," sabi ng cashier. Ipapaulit ko pa sana kaso baka ibato niya sa akin ang corned beef at sasabihing "Nasa harapan na kita, hindi mo pa rin narinig?" Syempre joke lang.
BINABASA MO ANG
As Time Goes By (Series Of Scenery #1)
RomanceSabi nila, kapag daw nasa fifteen below ang edad mo ay crush lang ang lahat, paghanga lang kumbaga. Pero kay Reia bakit parang hindi? She fell in love at the young age but she did not really know kung ilang taon niya talaga naramdaman iyon. Nalaman...