Chapter 38

4 0 0
                                    

“Hello, Reia? Pauwi ka na ba?”

I was waiting for Chesa when my sister called. Si Chesa kasi ang susundo sa akin ngayon. Mabuti nga at sinipag ang isang iyon e. I didn't bother to ask Zandriel to fetch me dahil alam ko naman na busy iyon sa trabaho. Ang dami niyang inaasikaso ngayon.

“Yes, ate. Waiting nalang kay Chesa. Bakit?”

“Uhm, pwede ba kayong dumaan dito sa hospital? I need you here.”

Natigilan ako. “Huh? Why? Anong nangyari?”

“Nothing happened, Rei. Basta, punta nalang kayo dito. Hintayin ko kayo. Ingat!”

“Teka—”

At ayun binabaan ako ng telepono. Sakto at dumating na rin agad si Chesa kaya sinabi ko sa kaniya na dadaan sa hospital dahil nandoon ang kapatid ko. Tinanong pa ako kung ano daw ang nangyari e sa hindi ko rin alam!

Wala naman sana nangyaring masama.

“Dito daw, sabi niya,” papasok na sana ako nang pigilan ako ni Chesa. Nagtataka ko naman siyang nilingon.

“OB Gyne?”

Nagkatinginan kami at parehong nanlaki ang mata. Mabilis akong pumasok sa loob at doon nakita ang ate ko na nakaupo sa harap ng babaeng doctor.

“What happened? Bakit ka nandito?” nag-aalala na tanong ko.

Tumikhim naman si Chesa. “Tama ba ang naiisip namin, ate?”

Ngumiti lang naman ang abnormal kong kapatid. Magsasalita pa sana ako nang maunahan ako ng doctor. Pinapasok niya si Ate sa isang room, sumunod naman kami ni Chesa kaya tiningnan kami ng doctor mula ulo hanggang paa.

“Fine. Sige, pumasok kayong dalawa.”

Nang makapasok ay hindi na matigil sa pagkabog ang dibdib ko. Napahawak ako ng mahigpit sa kaibigan ko habang may inaayos ang doctor na kung ano.

Nagtama ang tingin namin ni Ate kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

“I called you here dahil ikaw ang unang tao na gusto kong makaalam bago ko sasabihin sa kaniya,” sabi ng ate ko.

Napahawak nalang ako sa ulo ko nang para akong nahilo.

Tahimik ang loob ng kwarto at lahat kami ay nakatingin sa monitor. Hindi naman related sa medicine ang kurso ko kaya hindi ko alam kung ano ang nasa monitor na yan. Basta parang ano. . . di ko alam. Di ko ma explain.

“Wow, congratulations! You are seven weeks pregnant,” announce ng doctor na kahit expected ko naman pero nagulat pa rin ako at parang nawalan ng balanse.

Tangina ng reaction! Parang ako yung tatay, kung makapag react ako ah? Pero bakit ba?! Pamangkin ko yan oh! Halaaa, may pamangkin na ako! Shocks, oa alert.

“This is the baby,” itinuro ng doctor ang monitor kung nasaan ang embryo.

Napakamot nalang ako sa aking kilay dahil hindi ko talaga gets ang ultrasound.

Wala kaming kibo ni Chesa habang nagsasalita ang doctor at binibigyan ng reseta si Ate na mga vitamins at kung ano ano. Parang lutang pa yung isip ko. Feel ko naiwan ko sa himpapawid e!

“Akin na ang bag mo, ate,” inagaw ni Chesa ang bag ng ate ko kaya tinaasan ko siya ng kilay. “Ano?”

“May pamangkin ka na, Reia,” nakangiting ani ng ate ko.

Napatitig nalang ako sa mukha niya. Ang saya niya ngayon, nakikita ko iyon sa mata niya. Kumikislap habang hinihimas ang puson niya.

“Masaya akong masaya ka, ate,” biglang sabi ko kaya natigilan siya at napatingin sa akin. “Kaya dahil diyan, this is a celebration! Let's celebrate this new chapter of your life. Ah, omg!”

As Time Goes By (Series Of Scenery #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon