I remember what my lola said, "Kailangan mong matutunan na hindi lahat ng tao ay mananatili sa tabi mo." She's right. Hindi lahat ng tao nandiyan palagi sa tabi mo. Mayroong aalis at mayroong darating. Everything is temporary. No one will stay forever.
Pagkatapos kong tapusin ang lahat kay Zandriel ay pumunta kami sa Bacolod kung nasaan si Lola. Pagkatapos ayusin ang papeles ni Lola ay sumama kami ni Ate kay Tita Gia sa Dumaguete kung saan ilalamay si Lola, sa lugar na pinanggalingan niya. Kasama rin namin si Papa na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakausap. I give him a cold treatment because I don't know how to act around him. Nangangapa pa ako.
"Riesha, kanina pa iyang kapatid mo, anak. Baka pagod na siya," dinig kong sabi nito kay Ate. Hindi ko naman iyon pinansin at inasikaso nalang ang ibang bisita.
"Magpahinga ka muna, Reia. Kami na muna rito," sabi ni Ate pagkalapit sa pwesto ko.
"Ayos lang, Ate. Ikaw na ang magpahinga," sabi ko at pumunta sa kusina.
I never cried again. Noong graduation ko ang una't huling iyak ko. Pakiramdam ko namanhid na ako dahil wala nang luha na tumulo sa pisngi ko.
Araw ng burol ni Lola ay tahimik lang ako. Kasama namin ang buong pamilya at maging ang iba naming kamag anak. Nakatingin lang ako sa litrato ni Lola habang nagsasalita ang panganay niya. Sa pagtingin ko sa litrato niya ay ang pagpasok rin ng mga alaala sa isip ko. Ang panahon kung saan masaya kaming tatlo. Simula pagkabata hanggang sa paglaki namin ng Ate ko.
Bumalik ako sa kasalukuyan nang may sumiko sa akin. Nilingon ko ang katabi na ngayon ay naluluha na sa sinasabi ng mga kamag anak namin.
"Hindi ako family pero love na love ko si Lola. Grabe pala, girl, ang sakit," suminghot pa ito.
Napabuntong hininga nalang ako. "Kung makaiyak ka naman diyan, parang ikaw ang apo."
Tumigil rin ito at tumingin sa akin. "Oo nga 'no? Pero bakit ikaw hindi umiiyak?"
"Inubos ko na noong nakaraan."
Ngumuso lang siya sa akin. Nang matapos na ang dramahan ng mga kamag anak ay tumayo na ako, isinuot ang shades at lumapit sa kabaong ni Lola. Tumanggi ako sa pagbigay ng mensahe dahil para saan pa? Wala na si Lola. Kung may sasabihin ako, nasabi ko na sa kaniya noong buhay pa siya. Nasa kanang kamay ko ang puting rosas at pinanood ang mukha ng lola ko.
"Rest in peace, Lola," bulong ko bago hinagis ang bulaklak at tumalikod. Umiiyak si Ate, Tita Gia, at ang iba pero ako tahimik lang.
Sumilong ako sa isang puno at pinanood ang pag ngawa ng pamilya. Habang pinapanood ko sila ay hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha sa aking pisngi na agad kong pinunasan.
YEARS had been passed. Sa Cebu kami tumira pagkatapos ng lahat. Kina Tita Gia kami ni Ate tumira. Hindi namin kasama si Papa dahil may sariling bahay ito sa Negros pero nandito siya sa Cebu para sa amin. Isa siyang propesor at sinabi niyang doon siya nagtuturo sa eskwelahan na papasukan ko. Prof ko siya sa isang subject kaya ang awkward para sa akin sa tuwing nagtuturo siya. Pinagpatuloy rin ni Ate ang pag-aaral niya gaya ng hiling ni Lola at pakiusap ni Papa.
I took Tourism for some reason. Sinuportahan naman ni Tita Gia ang desisyon ko at masaya naman siya sa daang tatahakin ko. Since I came from ABM strand, I decided to make my own business kapag nakaipon na ako ng sapat na pera.
"Reia!" Nilingon ko ang isang kaklase na humahangos. "May portfolio ka na sa foreign language? Pwede patingin? Hindi ko kasi alam kung saan ko sisimulan."
Napakamot ako sa aking ulo. "Naiwan ko sa bahay e."
"Ayy," dismayado naman itong tumingin sa akin. "Sige, sa iba baka meron sila."
BINABASA MO ANG
As Time Goes By (Series Of Scenery #1)
RomanceSabi nila, kapag daw nasa fifteen below ang edad mo ay crush lang ang lahat, paghanga lang kumbaga. Pero kay Reia bakit parang hindi? She fell in love at the young age but she did not really know kung ilang taon niya talaga naramdaman iyon. Nalaman...