Chapter 1
"Reia! Male-late ka na sa school!"
Halos takbuhin ko ang hagdan pababa nang marinig ang sigaw ng Ate ko. Natisod pa ako at muntik nang makipag lips to floor buti na lang ay napahawak ako sa sofa at doon lang bumagsak.
"Sheshh!" Nakangiwing sabi ko at umayos ng tayo.
"Dahan dahan lang kasi. Batang 'to!"
Napanguso ako. Hanggang ngayon bata pa rin! Bwesit na bata iyan. Seventeen na ako tapos bata pa rin? Bigyan ko sila ng bata e!
Char lang. Baka mapektusan ako ni Ate tapos ayokong makurot ni Lola sa singit! Ang sakit kaya.
"Alis na po ako," minadali kong suotin ang sapatos dahil malelate na nga ako.
"Hindi ka pa nag-agahan!" Sigaw ni Lola nang malapit na ako sa pinto.
"Sa school na, 'La! Bye."
"'Yan kasi! K-drama pa!"
Natawa na lang ako kay Ate nang sumigaw ito. Hindi ko itatangging napuyat ako kakapanood ng k-drama kagabi. Bakit ba? Natuwa lang ako at isa pa, I can't stop watching!
Wow, english!
Pagkababa ng tricycle ay tumakbo na ako papuntang school. Pagkarating doon ay natatawa akong sumigaw at umupo sa unang upuan dahil sa pagod. Buti na lang wala pa si Ma'am. Hindi naman strict ang adviser namin pero ayoko pa ring maunahan ng teacher 'no! Okay na kung teacher ang late, 'wag lang ako.
"Ang aga pa pero sabog ka na," asar ng kaibigan ko pagkalapag ko ng aking bag.
Pabagsak naman akong naupo at napa 'hay' na para bang pagod na pagod ako at para bang biyernes na.
"Ang gwapo ni Hwang Inyeop," wala sa sariling sambit ko habang nakatingala sa kisame. Nakatanggap naman ako ng hampas dahil doon, tinawanan ko lang ang kaibigan.
"May lakas ka pa ng loob na magtelebabad! Anong oras ka natulog? Ha?" Namewang ito sa harap ko.
Natawa ako sa hitsura niya. Inilingan ko ito at pinaalis sa harapan ko.
"Hindi ko maalala. Alis diyan! Naaalibadbaran ako sa'yo," nakangising sabi ko. Inirapan lang ako nito at bumalik na sa upuan na nasa tabi ko lang.
Hindi na uso sa amin ang seating arrangement na iyan. Ano naman gagawin namin diyan? Wala nang paki ang mga guro sa arrangement, ang mahalaga nakaupo ang lahat. Sa junior high lang uso iyon! Sino ba kasi nagpauso?
Ang bilis ng panahon. Parang dati lang ay grade seven pa lang ako, ngayon ay grade twelve na! Jusko po. Nabibilang na lang araw ko. Kung ngayong senior high ay stress ako, paano pa kaya kapag nasa college na? Baka hindi lang stress ang abutin ko. Baka yata doon pa ako mamamatay.
"Parte na talaga ng buhay natin ang over think, 'no?" Biglang tanong ko habang naglalakad sa gitna ng hallway.
"Over think na naman? Pagod na akong mag over think," sabi ni Chesa at gigil na kinain ang bread roll.
Napairap ako sa kaniya. "Ibang over think kasi ang sa'yo."
Hindi ako nito pinansin at madramang humarap sa malawak na field.
"Pagod na akong umintindi sa kaniya! Kahit anong gawin ko ay ako lagi ang mali. Kasalanan iyon ng mga lalaki!" Sabi nito at nagpunas pa ng invisible tears.
Napaatras naman ako dahil sa kabaliwan na ginawa niya.
"Kami na naman? Bakit kami lagi ang may kasalanan?!"
Gulat kaming napatingin sa dalawang lalaking HUMSS student na nakarinig sa pinagsasabi ng baliw kong kaibigan. Nagpeke naman ako ng ngiti at tawa.
"Ay! Hindi ko kilala 'to, ha? Sino ba 'tong baliw na 'to?" Tiningnan ko mula ulo hanggang paa si Chesa bago natatawang tinalikuran at umalis.
BINABASA MO ANG
As Time Goes By (Series Of Scenery #1)
RomanceSabi nila, kapag daw nasa fifteen below ang edad mo ay crush lang ang lahat, paghanga lang kumbaga. Pero kay Reia bakit parang hindi? She fell in love at the young age but she did not really know kung ilang taon niya talaga naramdaman iyon. Nalaman...