Chapter 34

23 2 2
                                    

A/N: I really really tried to follow my weekly schedule pero hindi ko talaga kinaya. Sorry for the late update again. From now on, mag-a-update nalang ako whenever I want. Hihi.

Short message: To all graduating students out there, good luck on your next journey. May your dreams turn into reality. May you achieve your goals. I am rooting for every one's success. God bless us all. 🙏✨






________________
Chapter 34

“I’ll be fine, right?”

Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko sa kaba. Nilingon ko si Ate na kumakain ng chichirya. Tumingin siya sa akin at pabiro akong inikutan ng mata bago natawa.

“Zandriel is with you. Huwag kang kabahan diyan.”

“E kasi naman...” pabuntong hininga ko.

“If you are worried about what you did last time, trust me, they'll understand. Mabait ang parents ni Zandriel. You know it yourself since you've met them before.”

Ngumuso nalang ako. Mabait nga sila pero paano kung nagbago ang tingin nila sa akin? Wait... Ano ba naging epekto ng pag alis ko kay Zandriel? Hindi naman siguro ganun ka lala na talagang magbabago ang tingin nila sakin? Dati, wala akong pakialam sa tingin nila sakin kasi wala naman talaga sa isip ko noon ang makipagrelasyon kaya hindi ko na naiisip ang impresyon ng pamilya niya. Ngayon lang. Ngayon lang talaga kung kailan official na kami.

“Stop worrying. My mom is actually happy to see you again,” sabi ni Zandriel nang mapansin ang pananahimik ko mula pa kanina nang sunduin niya ako sa amin.

Ngumiti lang ako sa kanya at hindi na nagsalita. Hinawakan niya nalang ang kamay ko kaya medyo nabawasan ang kaba ko at kumalma ako ng kaunti.

Pamilyar ang daang tinatahak namin. Ilang taon din noong huling punta ko rito. Marami rin ang nagbago sa paligid. Gaya nang mga bahay sa mga bakanteng lote noon at mayroon na ring park kung saan naglalaro ang ibang mga bata.

“Ang ganda na dito.”

Mabilis kaming nakarating sa bahay nila. Hinawakan ni Zandriel ang kamay ko papasok sa pinto. Hindi ko naman makalma ang puso ko.

“Ma? Nandito na po kami,” humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Nilingon niya naman ako para ngitian. “I’m here.”

It was enough to calm me down.

Lumabas ang Mama niya galing sa kusina. I was stunned for a moment because of her appearance. She looks simple yet beautiful. Her beauty never left her.

Our eyes met and I saw her reaction, clearly. Ngumiti siya sa akin ng matamis at mabilis na lumapit sa akin para yakapin ako. Nagulat ako doon. Mahigpit ang yakap niya kaya hindi ko maiwasan ang samu't saring emosyon.

“Reia, anak. I heard what happened and I know it's too late but our deepest condolences, ‘nak,” malambing na sabi nito sa akin at nakita ko pa ang pamumuo ng luha sa mata niya nang humiwalay siya ng yakap sa akin.

Hindi ko inaasahan iyon. Malayong malayo sa expectations ko ang reaction niya.

And...

She called me 'anak'. Simpleng salita pero hindi ko na mapigilan ang tuwa at pagkamangha dahil doon.

“Thank you po.”

“Nice to see you here again, hija,” napalingon kaming tatlo sa lalaking nasa hagdan. Zandriel’s father.

“Nice to see you again too po.”

“Too polite, hmm?” tinapunan niya ng makabuluhang tingin ang anak.

As Time Goes By (Series Of Scenery #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon