Nakatulala ako sa harap ng tv. Hindi ko pa rin madigest ang sinabi ni Zandriel kanina. I really don't want to assume pero hindi ko maiwasan e. Anong gagawin ko? Kahit anong limot ko doon ay hindi ko magawa, bakit? Kasi ang lakas ng epekto sa akin noong sinabi niya!
"Ayos ka lang ba, apo?" napalingon ako kay Lola at dahan dahang tumango.
"Opo," ngumiti ako.
"Oh siya, sa labas muna ako at baka parating na iyong order ko," sabi niya at lumabas.
Kumunot naman ang noo ko. Order? Si Lola may order? Kanino at ano naman kaya iyon?
Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at ginawa na lang ang mga projects na nasa harap ko. 'Mga' kasi marami, sunod sunod ba naman magbigay. Sa Contemporary at Philosophy iyon, ewan ko ba sa dalawang subject na ito. May research pa akong gagawin, wala na talaga akong masabi.
Nagsimula na ako nang bumukas ang pinto at narinig ko ang boses ni Lola.
"Hay naku, salamat ng marami, hijo. Pagpasensyahan mo na itong bahay namin ha? 'Lika rito sa loob," sabi ni Lola sa kung sino, hindi ko sana ito papansinin kung hindi ko lang narinig ang pamilyar na boses na gumugulo sa isipan ko.
"Walang anuman po, ang ganda nga po ng bahay niyo e tapos ang linis pa," sabi nito. Automatic akong napalingon at napaawang ang labi nang magtama ang mata namin, agad itong ngumisi sa akin.
Napamura tuloy ako sa isip.
"Kailangan talaga malinis. Ay! Pasensya na sa kalat, gumagawa kasi itong si Riri ng project niya," napalobo ko na lang aking pisngi. "Ayusin mo nga muna iyan, dalhin mo roon sa kwarto mo."
Napabusangot naman ako bago ligpitin ang mga gamit.
"No, it's okay! Pwede mo namang gawin 'yan diyan. I'm fine saka hindi naman po makalat," nakangiting sabi niya.
"Hay, oh sige, maiwan ko muna kayo. Kukuha lang akong meryenda," sabi ni Lola.
"Ako na po!" agad akong tumayo kaya napatingin sa akin ang dalawa. "Baka mapagod po kayo, hihi."
"Ayos lang ako, apo. Ikaw na ang bahala kay Zandriel," at iniwan na nga kami.
Peke akong ngumiti at bumalik sa pagkakaupo sa sahig. Ang awkward kaya hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko ba ang ginagawa o hindi na?
Nakita ko sa gilid ng aking mata na gumalaw ito, pigil ko naman ang hininga at pinakiramdaman ang dibdib ko. Ang puso ko!
"Riri," napapikit ako ng mariin nang marinig ang salitang lumabas sa bibig niya, ramdam ko rin ang pag-init ng mukha ko. "What a cute nickname."
"Huwag mo nga akong asarin," mahinang sabi ko habang nakanguso.
Tumawa ito kaya napatingin na ako sa kaniya. "I'm not. Totoo namang cute."
Napairap ako doon, hindi dahil sa hindi ako naniniwala. Gusto ko lang tumigil na sa kakakabog 'tong puso ko.
"Sungit," bulong niya pero rinig ko naman.
Hindi ko siya pinansin at binasa na lang ang direction ng gagawin ko. Sumakit 'yong ulo ko kakaisip ng ideya na pwede gawin, gigive up na sana ako nang may umupo sa tabi ko.
"Need help?"
Nilingon ko ito, napabuntong hininga ako.
"Pwede?" Alanganing tanong ko.
Tumango naman ito at ngumiti. "Of course."
Kinuha niya ang isang papel kung saan doon nakalagay ang nga gagawin ko. Ayoko pa sanang ipakita iyon dahil sulat kamay ko 'yon pero nakuha niya na e, no choice na.
BINABASA MO ANG
As Time Goes By (Series Of Scenery #1)
RomanceSabi nila, kapag daw nasa fifteen below ang edad mo ay crush lang ang lahat, paghanga lang kumbaga. Pero kay Reia bakit parang hindi? She fell in love at the young age but she did not really know kung ilang taon niya talaga naramdaman iyon. Nalaman...