Pagkaland namin sa destinasyon ay nakasunod lang ako kay Miss Mizzy. Katabi ko sa paglalakad ay si Patricia na malawak ang ngiti sa akin at nginunguso si Captain. Umirap ako sa kaniya at inunahan siya sa paglalakad."Uyyy! Hinahabol ang bebe niya," pang aasar nito na ikinatigil ko para samaan siya ng tingin. Malakas pa ang pagkakasabi niya kaya napalingon sa amin sina Miss Mizzy at maging si Captain Sean!
"Hmm? Ano yon?" Tanong ni Captain na nagpalaki sa mata ko.
"Ah, wala po, Cap! After you... po," sabi ko at ngumiti ng pilit.
Hagikgik ni Patricia ang narinig ko pero hindi ko na pinansin. To be honest, gwapo naman talaga si Captain Sean at hindi ko idedeny iyon dahil magiging sinungaling ako kapag tinanggi ko. Gwapo siya, matangkad, medyo maputi. Inaamin ko rin na nagka crush ako sa kaniya pero crush lang naman iyon! Normal iyon sa tao.
He is so good looking. In fact, pwede na siyang maging fictional character. Well, maybe he is. Fictional character na naligaw sa totoong mundo. Just kidding!
"We have 2 hours before our next flight. You can roam around but make sure to be here thirty minutes before the flight. Okay?" Anunsyo nito sa amin.
Tumango lang naman kami. Ang iba ay nag usap kung saan sila pupunta sa dalawang oras na iyon. Samantalang ako ay umupo nalang para magpahinga. Dito nalang siguro ako magpalipas ng oras. Iikutin ko nalang itong airport.
Hinubad ko muna ang aking sapatos para masahiin ang aking paa. Nakayuko ako kaya kita ko ang dalawang sapatos na lumapit sa pwesto ko at umupo sa tabi ko.
"Here. Apply this to your ankle," sabay abot sa akin ng isang ointment na hindi pamilyar sa akin. "Don't worry, para lang iyang efficascent oil. The differences is, yan ay ointment but it will surely help."
Ngumiti ako bago tinanggap. "Thank you, Cap."
Pagkatapos kong malagyan ng ointment ang aking paa ay sumandal ako.
"Hindi ka sasama kina Miss Mizzy? They will find a place where they can buy souvenirs."
"Okay lang po ako. Makakahanap naman po ako dito sa loob ng airport."
Natawa siya saka napailing.
"Masyado ka namang magalang. Just remove the 'po' please? I'm not that old," biro nito.
Tumikhim ako at bahagyang natawa. "Sige, Captain Sean."
"Masyado namang formal. Tsk."
"Seriously? Ano bang gusto mo?" Tawa ko. "You don't want me to call you 'Sean' or 'Andriel', don't you?"
"I'd like that."
Natigil ako sa pagtawa at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Napailing ako saka napa buntong hininga.
We talked about some stuff and for a moment I found him fun to be with. Maya maya pa ay nag decide na akong mag ikot sa airport. Iniwan lang namin ang aming maleta para hindi hassle. And yes, sinamahan niya ako since kaming dalawa nalang ang naiwan dahil iyong mga kasamahan namin ay umalis.
"Hey, look here," he called me.
Sumunod ako sa kaniya and we saw a store. Pumasok kami doon at naghanap ng souvenir. Fortunately, I found something. A snow globe at sa loob niyon ay ang famous building sa Sydney. Nalimutan ko lang ang tawag don.
"This one is nice. I'll take it," sabi ko at hinarap ang sales lady.
"This way, Ma'am."
Isang snow globe at sampung keychain ang binili ko. Masyadong marami ang keychain pero marami naman akong pagbibigyan kaya okay lang. Pagkalabas sa store ay bumili kami ng makakain bago bumalik para hintayin ang mga kasamahan namin.
BINABASA MO ANG
As Time Goes By (Series Of Scenery #1)
RomanceSabi nila, kapag daw nasa fifteen below ang edad mo ay crush lang ang lahat, paghanga lang kumbaga. Pero kay Reia bakit parang hindi? She fell in love at the young age but she did not really know kung ilang taon niya talaga naramdaman iyon. Nalaman...