Dreams? Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sinabi niya e. Hindi ko alam kung pareho na sa iniisip ko ang ibig niyang sabihin. Maybe I'm just assuming things... Again.
"Look how ironic our situation. We attend a party of a lovers while we are here, spending our time with ourselves because of love."
Salubong ang kilay na nilingon ko ang pinsan. Umayos ako ng tayo at sumandal sa railings.
"What are you saying?"
"You know what I'm saying."
Napabuga ako ng hangin at umirap.
"Do you know what happened to Chesa?"
Natigilan siya sa tanong ko na iyon. He took a sip from the glass he is holding and smiled weakly.
"Y-Yeah. We had a little misunderstanding."
Napaayos naman ako ng tayo sa sinabi niya at hinarap siya.
"What? Bro, ang dami na niyang problema. From their house, to her work, tapos you added? The hell? Ano naman iyon?"
"I know, right? I will make it up to her, don't worry."
Sininghalan ko siya at inirapan. Natahimik na naman kami pareho at natatawa nalang talaga ako sa isip ko sa sitwasyon namin ngayon. Dati rati ay nag aaway pa kami dahil lang sa simpleng bagay pero ngayon ay malaki talaga ang pagbabago. Mas nag matured ang isang 'to. Well, alam ko kung bakit. Dahil may problema siyang kinakaharap ngayon. Tingnan mo kapag nasa mood na yan, mang aasar na naman yan at ako ang trip niya.
"Mas mabuti pang bumalik na tayo. May live band ata na ni request sina Kuya."
Nilingon ko ang daan pabalik sa loob. "Talaga? Sige, tara na nang ma critique."
"Nga naman, Reia."
Tumawa lang ako sa kaniya. Bumalik kami sa loob at doon ako natigilan. Nanlaki ang mata ko at napaawang ang labi nang makita ang bandang nagseset up sa mini stage. Nakita ako ni Arden kaya kumaway ito sa akin at ngumiti, lumingon ang iba dahil doon.
"Oh, friends mo pala e. Blaze."
Hindi ko na pinansin ang pinsan ko dahil tinakbo ko na ang distansiya namin. Sinalubong nila ako ng mahigpit na yakap.
"Oy! Nandito kayo. Hala!" Hindi ko alam kung ano ang irereact ko.
"Nandito ka nga rin e."
"Langya," tumawa ako. "Sige na. May performance pala kayo. Mamaya nalang."
"Sige. Dami mong utang na kwento, Reia!"
Tawa lang ang naging sagot ko sa kanila bago bumalik sa table namin. Nakangiti ako dahil nga nakita ko ulit sila after months. Months lang pero namiss ko sila ng sobra. Nakakapagod kasi sa work tapos na miss ko yung biglaang pagsulpot ni Lye galing sa kung saan para lang sumabay sa akin.
"Didn't know that you know them."
Nawala ang ngiti sa labi ko at gulat na nilingon ang lalaking nakaupo sa tabi ko. Sa pagkabigla ko ay napaayos ako ng upo at nilingon ang mga kasama sa table. Wala si Ate at yung boyfriend niya pero nandito si Papa.
Shocks! Ano ito?
"Uy, h-hi. Haha," para akong tanga na kumaway sa harap niya. Ang plastik pa kasi ng ngiti ko, halatang hindi natutuwa. "Pa, si ate?"
Nilingon ako ni Papa pero lumagpas ang tingin niya sa likod ko kaya nilingon ko ito. Nahuli ko namang nakatingin sa akin ang lalaki kaya umiwas ako at kinuha ang purse ko saka tumayo.
"Dun lang muna ako kay Devin, 'pa."
Umalis ako nang hindi narinig ang sinabi ni Papa. Umupo ako sa tabi ni Devin na nakakunot ang noo sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin nalang sa stage nang mag start na ang banda.
BINABASA MO ANG
As Time Goes By (Series Of Scenery #1)
RomanceSabi nila, kapag daw nasa fifteen below ang edad mo ay crush lang ang lahat, paghanga lang kumbaga. Pero kay Reia bakit parang hindi? She fell in love at the young age but she did not really know kung ilang taon niya talaga naramdaman iyon. Nalaman...