Chapter 15

12 2 0
                                    


Gabi na nang magising ako at wala na sa bahay si Zandriel. Umuwi na raw sabi ni Lola pagkatapos niyang tapusin ang assignments ko. Tiningnan ko iyon at namangha ako sa sulat kamay niya dahil napakaayos at hindi mo aakalaing lalaki ang nagsulat. Tinalo pa ako pagdating sa penmanship. Maayos na rin ang pakiramdam ko though medyo masakit pa rin ang ulo ko pero magaan na siya hindi gaya kanina na gusto ko nalang bumagsak.

"Kumusta pakiramdam mo?" Bungad na tanong ni Ate pagkababa ko sa kusina. "Naabutan ko si Zandriel dito, paalis na siya. Tinulungan ka sa assignments mo?"

Napalabi ako at tumango. "Opo, Ate. Makulit e, hindi ko mapigilan."

"Nagkausap na kayo?"

Napatigil ako at hindi nagawang sagutin ang tanong na iyon. Umiwas ako ng tingin at umiling, tumango naman siya.

"Malapit na, Reia."

"Alam ko," tanging nasabi ko bago bumalik sa kwarto.

Kung kanina ulo ko ang mabigat, ngayon naman ay ang dibdib ko. Pumikit ako ng mariin at sinandal ang katawan sa upuan. Nasa ganoong posisyon ako nang tumunog ang aking cellphone. Nang makita ang caller ay lalong bumigat ang dibdib ko.

"Hello?"

"Hey," paos ang boses nito sa kabilang linya. "I fall asleep, just woke up. How's your feeling? Did I wake you up?"

Ngumiti ako bago umiling kahit hindi niya naman nakikita. "No, you didn't. I'm feeling better now. Kumain ka na?"

"Yeah. Pagkauwi ko."

"Hmm. You should take a rest now then."

"Yeah, you should too."

Natapos ang tawag doon. Nagpahinga na rin ako gaya ng sabi niya. May pasok pa ako bukas kaya dapat na talaga akong magpahinga lalo pa at hindi pa tuluyang bumuti ang pakiramdam ko.

Nang magising kinabukasan ay hindi ko ikinatuwa ang nakita ko sa kusina. Nakahawak si Lola sa ulo niya at nakakapit sa lababo. Nang makita ang kaniyang sitwasyon ay agad ko siyang dinaluhan.

"Lola, anong nangyari? Ayos ka lang ba?" Inalalayan ko siya paupo. Kumuha rin ako ng tubig at pinainom sa kaniya.

"Ayos lang ako, apo. Nahilo lang pero okay lang ako," sabi pa niya.

"Hay, lola! Ano na naman ba kasi ang ginawa niyo rito sa bahay at nagkahilo hilo ka na?" Sabi ko pagkatapos itabi ang baso na ginamit niya.

"Ayos nga lang ako. Pagod lang siguro."

"Pagod? Ano ba kasi ginawa niyo? Lola naman, 'di po ba sabi sa inyo na 'wag masyadong magpagod? Pinag-aalala niyo po ako," sabi ko sa kaniya. Sakto namang pumasok si Ate sa kusina at nakita ang panenermon ko sa Lola.

"Oh, anong nangyari?"

"Nahilo daw siya," sumbong ko.

Tiningnan niya naman si Lola. "Ano naman 'yan, 'la? Anong trabaho ang ginagawa mo sa bahay?"

"Hay, nako! Maayos lang ako mga apo kaya 'wag masyadong mag-alala. May pasok pa kayong dalawa," sabi ni Lola.

Nagkatinginan kami ni Ate. Nagkibit balikat ako at ninguso ang Lola namin.

"Pupunta dito mamaya si Ate Josefa. Sasamahan ka niya rito mula ngayon, 'la," sabi ni Ate na maski ako ay nagulat. "Nakiusap ako sa kaniya at pumayag naman siya," sabi niya sa akin na ikinatango ko naman.

"Oh, Lola, may kasama ka na. 'Wag magpasaway ha?" Bilin ko bago tumayo at inayos ang baon.

"Oo na, oo na."

Napailing nalang ako bago humalik sa kaniya at nauna nang umalis. Hihintayin pa daw kasi ni Ate si Ate Josefa kaya nauna na ako. Pagkarating pa sa room ay mga gawain agad ang mga tinanong. Busy na nga kaming lahat dahil last semester na namin. Gosh! Sige lang, malapit nang magtapos ang paghihirap sa high school. College na ang susunod at alam kong doble pa rito ang hirap.

As Time Goes By (Series Of Scenery #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon