Chapter 29
"May project kami sa Cebu and they need my presence as the head engineer. I will be gone for weeks."
Pinalobo ko ang aking pisngi at bahagyang nilingon ang lalaki. Nandito kami ngayon sa condo dahil bumisita na naman siya. Pinaglalaruan nito ang dulo ng buhok ko, maya maya pa ay inamoy na niya.
"Hmm? Cebu? As in, Cebu City? Or somewhere in Cebu lang?" I asked in curiosity. Baka pupunta rin kasi akong Cebu to visit my friends there. Kung nandon pa sila.
"Yeah," buntong hininga nito.
Napatango nalang ako.
Days after he left, nag impake na rin ako pauwi sa Negros. Hindi ko pala nasabi sa kaniya ang tungkol doon. Saka nalang siguro kapag nandoon na ako sa lugar. My sister, together with her boyfriend and syempre si Papa, nandoon na sila sa Negros. Tatlong araw na silang nandoon and according to them, inaayos lang nila ang bahay. Nililinis, ganon.
"Hindi man lang ako isasama. Hmp!"
Sinara ko na ang zipper ng maleta ko saka nilingon ang kaibigan na ngayon ay nakabusangot na. Pabiro akong umirap sa kaniya.
"Alam mo, para kang tanga. Huwag kang mag tampo diyan dahil wala kang karapatan. Sa ating dalawa dapat ako ang nagtatampo dahil mas pinili mo si Devin kaysa sa akin," sabi ko saka siya inirapan. "Sige lang. Okay lang naman ako. Kaya ko naman na sarili ko. Syempre malaki na ako e."
Tumawa siya sa mga pinagsasabi ko. Tumayo siya at niyakap ako.
"Sorry na. Ang kulit ng pinsan mo e."
Tinanggal ko ang pagkakayakap niya. "Heh! Bahala kayo."
Mamayang alas singko ang flight ko. Since mabilis lang naman ang paglipad ng eroplano mula dito sa Maynila hanggang sa negros, sure akong gabi ang uwi ko. Mga alas syete siguro nasa Silay City na ako. Kailangan ko pang bumyahe ng dalawang oras pauwi sa mismong siyudad na uuwian ko. Hayyy, nakakapagod!
Mag isa akong pumunta sa airport. Kung may trabaho ako, I'm sure na nandito ako wearing my uniform pero hindi ako kabilang sa crew ngayon. Passenger ako kaya I will feel this moment.
"Ahermm. May naligaw."
Ngumisi lang ako sa katrabaho ko nang siya ang naghihintay ng mga pasahero sa pinto ng eroplano. Dumiretso na ako sa assigned seat ko at ako na mismo ang naglagay ng bagahe ko sa compartment sa itaas.
Tutulungan pa sana ako ng isang flight attendant pero tinanggihan ko na.
"Kaya ko na po. Salamat," nakangisi ako sa kaniya dahil kilala ko naman siya. Umiling lang ito sa akin.
"Sige po, Miss Reia," biro niya.
Peaceful ang flight ko pero ni pag idlip hindi ko nagawa. In-enjoy ko nalang ang view dahil saktong sunset ang flight ko. Ang ganda lang!
Wait. Kung makapagreact ako dito para namang first time kong masaksihan ang ganitong scenery. Shems, Reia. Naging passenger ka lang nalimutan mo nang FA ka? On leave ka lang, girl.
PAGKADATING sa Silay Airport ay wala akong inaksayang oras at nagpahatid na agad sa terminal ng bus. Naghintay pa ako doon ng ilang minuto hanggang sa umalis na.
Hindi ko namalayang nakatulog ako sa byahe. Noong nagising ako ay nasa Kabankalan na ako. Hila ang malaking maleta ay sumakay ako sa tricycle. Napahinga ako ng malalim nang maramdaman ang pamilyar na pakiramdam. I am here again. The city in province where the happy and painful memory was created.
Nagpahatid ako sa bahay. We still have our house. Ni-renovate lang ni Papa at paminsan-minsan ay pinupuntahan para linisin. Ilang taon na kaming hindi umuuwi rito pero si Papa ang pumupunta para linisin at panatiling maayos ang kalagayan ng bahay.
BINABASA MO ANG
As Time Goes By (Series Of Scenery #1)
RomanceSabi nila, kapag daw nasa fifteen below ang edad mo ay crush lang ang lahat, paghanga lang kumbaga. Pero kay Reia bakit parang hindi? She fell in love at the young age but she did not really know kung ilang taon niya talaga naramdaman iyon. Nalaman...