Chapter 2

45 4 0
                                    

Chapter 2

Nakabusangot akong naglalakad kasabay si Chesa. Nasa unahan namin ang tatlong lalaki, ang babae kanina ay nauna nang umalis kaya kaming lima na lang ngayon ang natira. Shit lang kasi!

"Ayusin mo naman mukha mo. Nasa harap si crush oh," bulong niya sa akin.

Umirap ako. "Kasalanan mo 'to!"

"Come on! At least nagkita kayo ulit 'di ba?" Inakbayan pa niya ako. "Kumusta naman? Nag tugudug ba ang pakening heart mo?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Shit ka!"

"Sige, ganito na lang. Mukha namang wala silang paki sa atin kaya paano kung pumara na lang tayo ng tricycle? Pero dapat makalayo muna sila. Ano, G?"

Napaisip naman ako. Tumango ako, "Sige. Try lang ha?"

"Oo," bulong nito.

Tumigil kami sa paglalakad at pinanood ang tatlo na magpatuloy. Nang ilang metro na ang layo nila ay tumabi na kami sa kalsada at naghintay ng masasakyan.

Binuksan muna nito ang cellphone at nag tingin ng kung ano sa fb niya.

"Tingnan mo 'to," pinakita nito sa akin ang screen. "Gwapo 'no? Ito pa isa."

"Tingin?" Tiningnan ko iyon at napatango ako. "Oo nga. Sino ba 'yan?"

Sasagot na sana ito kung wala lang may tumikhim sa likod namin. Nilingon namin iyon at bahagya pang nagulat nang makita ang tatlo sa likuran.

"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pinaggagawa niyo o ano?" Panimula ni Zandriel.

Nagkatinginan kami ni Chesa. Napaayos ako ng tayo at inayos ang pagkakasukbit ng bag sa aking likuran.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ng lalaki. "Papara na tayo ng tricycle dito at ihahatid na namin kayo sa inyo. Pasaway kayo."

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Pasaway?!

Ngumuso ako at nanatiling tahimik, ganon din ang babae sa tabi ko. May huminto na tricycle sa harap namin, napilitan naman kaming sumakay. Sa loob kami ni Chesa samantalang sa likod naman ang tatlong lalaki. Iba ang tricycle namin dito sa probinsya kaysa sa mga tricycle sa maynila na nakikita ko sa tv. Yung sa manila kasi ay dalawa lang ang kasya at pwede rin naman sa likod ng driver, dito sa amin ay walang takip ang sa likod at pwedeng tumayo roon ang tatlo hanggang limang tao.

Naunang bumaba si Chesa sa akin, tapos sumunod ang dalawang kaibigan ni Zandriel. Huli kami dahil ihahatid niya pa ako sa amin, siya na rin ang nagbayad ng pamasahe gaya ng ginawa niya dati.

Bumaba na ako at nagpasalamat bago pumasok sa bahay. Nilingon ko pa ito nang nasa pinto na ako. Nakatingin ito sa akin dahilan para kumabog ang dibdib ko. Tumikhim ako bago tuluyang pumasok.

Nasa sala ako nang marinig ang pag-uusap nina Ate at Lola sa kusina.

"Kailangan mo ba talagang magtrabaho, Riesha?" Rinig kong tanong ni Lola kay Ate.

Isang malaking hininga naman ang pinakawalan nito. "Opo, 'la. Marami tayong bayarin e."

"Malaki naman ang perang nakukuha ko bilang senior citizen, ayos na iyon, apo."

Ngumiti si Ate. "Alam ko po pero hindi po tayo dapat na umaasa lang sa gobyerno. Kailangan ko rin pong magtrabaho at kumayod para sa pamilyang 'to at isa pa po, nag-aaral po si Reia."

"Hindi ka na ba mag-aaral? Paano ang mga pangarap mo?"

"Ang pangarap ko lang po ay makitang malakas kayo at ang makapag tapos si Reia at maabot ang mga pangarap niya. Masaya na po ako roon."

As Time Goes By (Series Of Scenery #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon