Chapter 28

14 1 0
                                    

Chapter 28

Napabuntong hininga ako nang maramdaman ang malakas na hampas ng hangin. Kagagaling ko lang sa grocery tapos paglabas ko, ang lakas na ng ulan. Wala pa naman akong dalang payong. Ano ba yan?

"Hello?"

Dinama ko ang patak ng ulan gamit ang aking kamay. "Busy ka? Pasundo sana ako."

"Hindi naman. Nasaan ka ba? Ang lakas ng ulan, Reia."

Ngumuso ako. "Nasa mall. Dami kong dala. Send ko nalang location, Dev."

"Geh. Hintayin mo nalang ako."

Hinintay ko si Devin. Malakas ang ulan kaya nasisiguro kong mataas na ang tubig sa ilang parte ng lugar. Delayed na rin ang flight ko kaya stay nalang muna ako sa condo.

"Signal number one daw dito pero ang lakas ng ulan," sabi ng pinsan ko saka inabot sa akin ang towel.

"May bagyo pala? Summer na ah?"

"Tsh. Kung aware ka sa climate change, dapat hindi ka na nagtatanong."

Napairap naman ako sa pamimilosopo niya. Ilang minuto pa kaming na stuck sa traffic kaya medyo matagal bago nakarating sa condo. Hindi na rin makaalis si Devin kaya mukhang sa condo na namin magpapalipas ng gabi ang isang 'to tutal mukhang matagal pa bago humina ang ulan. Mataas na rin ang tubig sa ilang lugar na malapit dito. Delikado nang bumyahe.

"Uuwi kaming lahat sa death anniversary ni Lola except sayo na mukhang hindi makakauwi," sabi niya pagkatapos niyang maligo.

Ngumiwi naman ako sa kaniya. "Uuwi ako."

Natigilan ito sa pagpunas ng buhok at napatitig sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay dahil para siyang tanga kung makatingin sa akin.

"Seryoso? Akala ko ba ayaw mong bumalik doon? Mukhang sa Kabankalan pa naman mag-s-stay sina Tito. Aayusin daw nila ang bahay niyo doon."

Namaywang ako sa harapan niya. "Ang sabi ko lang dati ay hindi na 'muna' ako babalik doon hangga't hindi pa ako ready. Wala akong sinabing ayaw ko."

"Still. But anyway, bahala ka," kumuha ito ng tubig sa ref. "Kailan ka pala uuwi? Para makasabay ako sayo and then alam mo na, discount kasi magkamag-anak tayo."

"Mukha mo, discount. Bahala ka diyan."

Iniwan ko siya sa kusina at pumunta nalang sa sala para manood ng balita. According sa news, ilang araw lang naman ang bagyo at aalis naman daw ito agad. Grabe. Bumisita lang siya sa Pilipinas.

LUMIPAS ang mga araw at ngayon na ako mag-f-file ng leave. In-extend ko ang leave ko hanggang sa birthday ko. Death anniversary ni Lola sa unang linggo tapos two days after ay birthday ni mama. Tapos five days after ay birthday ko rin. Talaga namang masakit na pangyayari sa aking life ang ganito.

Hindi ko man lang nakasama si Zandriel sa debut ko kasi biglaan din iyong nangyari. Hindi ko nga alam kung aware ba siyang birthday ko next week after graduation? Siguro hindi. Hayss.

"Akala ko talaga taga Cebu ka. Dumaguete pala?" Pag-o-open ni Captain Sean ng topic nang mapag usapan ang tungkol sa leave ko.

Natawa ako. "I was born in Dumaguete. Doon ako since elementary until grade seven. Lumipat kaming Kabankalan noong grade eight ako."

"And then noong nag college lang siya sa Cebu," pagsali ni Pat sa usapan.

Napailing lang naman ako sa kaniya.

Nang magland sa Pilipinas ang eroplano ay dumiretso ako sa condo para magpalit. Since hindi naman ganoon ka pagod ay nagdesisyon akong puntahan si Chesa sa bar kung nasaan sila ngayon ni Devin dahil birthday daw ng ka work ni bestfriend. Syempre may kasama na siyang excess baggage. Jeez!

As Time Goes By (Series Of Scenery #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon