Chapter 19

29 2 0
                                    

"Saan niyo pala balak mag OJT?" Tanong ng isang kaklase ko pagkatapos ng class.

"Depende," ang sagot ng iba.

Bumaling sa akin si Zael na kasabayan namin sa paglalakad. Tinapunan ko siya ng nagtatanong na tingin dahil mukhang may gusto siyang sabihin kaya lang ay hindi niya alam kung saan magsisimula.

"Magtanong ka na," sabi ko nalang, deretso ang tingin.

Tumikhim siya. "Saan ka mag OJT?"

Napaisip naman ako saglit. Meron na akong naisip, actually.

"SAA," simpleng sabi ko at nauna na sa paglalakad. Sinabayan naman niya ako.

"Star Asia Airlines? Cool. Doon ka na rin mag work kung ganon?"

Tumango ako. "Yup!"

Nagpaalam na ako sa kaniya at nauna nang umalis. It was our lunch break and I decided to eat somewhere outside para maiba. Puro nalang kasi canteen, minsan nakakasawa na. Sa field na ako dumaan dahil hindi naman ganoon kainit. Hindi pa ako nakakarating sa gitna ay may tumawag na sa akin.

"Riri!"

Napapikit ako at bahagyang natawa bago nilingon si Papa na papalapit na sa akin. Wala itong dalang kahit ako maliban sa susi ng kaniyang kotse na pinaglalaruan niya.

"Yes po?"

"Saan ka kakain? Sabay ka na kay Papa," sabi niya na nagpangiti sa akin.

Tumango nalang ako bago nagpatianod sa hila niya.

"Saan? Sa kinainan niyo ni Mama?" Nakangising sambit ko, nang aasar.

Pabiro niya akong sinamaan ng tingin. "Hindi na. Ikaw na mag decide."

Ako nga ang nagdesisyon kung saan kakain. On the way na rin daw si Ate para makasabay sa amin. Ganito ang ganap namin minsan. Kapag magkakasabay ang lunch naming tatlo ay sabay kaming kumakain, kapag naman hindi ay syempre hindi rin kami magkakasama pero magugulat ka nalang na may naghatid na sayo ng snacks or drinks. Kaya naman talaga nalaman ng lahat na anak kami ni Papa dahil sa mga trip niya sa buhay.

Lumipas ang mga buwan at malapit na naman ang bakasyon. Next na pasukan ay senior na ako. Graduating na rin pala ang tatlong myembro ng sikat na banda. Dalawa na lang ang matitira dito sa school.

"Grabe! Iiwan niyo na ako? Hindi niyo na ako mahal? Ang sakit niyo naman! Sinasaktan niyo na ang damdamin ko," pagdadrama ni Lye.

Napadaan ako sa tambayan nila nang marinig ko iyon galing sa kaniya. Nakangiwi akong lumingon sa pwesto nila. Nakita ni Brent ang reaksiyon ko na agad niyang tinawanan. Napalingon din tuloy sila sa akin. Ngumiti ako bago tumalikod para umalis pero napabalik ako sa kinatatayuan ko nang biglang may humila sa damit ko. Inis ko namang pinalo si Lyeone.

"Ano ba! Bwesit 'to," gigil na bulong ko.

Hinila ako ni Lye papunta sa tambayan nila, umangal pa ako pero dahil si Lyeone iyan, ang makulit na myembro ng BLAZE, wala akong nagawa kundi ang magpahila nalang. Nagkamustahan sila doon na ikinatawa ko. Seriously? They're acting like they haven't seen each other for a while. Mga baliw nga naman.

Paalis na ako no'ng may natanaw si Etric at agad na ininguso kay Arden. Sinundan ko iyon ng tingin at nakita ang isang babae na kasama ng pinsan ni Lyeone. Tinapunan ko nang makahulugang tingin si Zael na nakangisi.

"Ganda, 'no? Iyan 'yong sophomore ni Arden," sabi ni Etric.

Napatango ako. "She's pretty."

"She is," mahinang sabi ni Arden pero narinig namin. Ibang klaseng sense of hearing iyan.

As Time Goes By (Series Of Scenery #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon