Chapter 31

16 1 0
                                    

A/N: I'll try updating again from now on. I missed my ZandReia couple. Also, I missed my readers, hehe. It's been a while, my lovies.💖


_

____________
Chapter 31

"This is where I graduated," itinuro ko sa kaniya ang gate ng university. "Oh? Grand Alumni?"

Kinuha ko ang phone at pinicturan ang tarpaulin na nakasabit sa wall. Sinend ko iyon sa gc kung saan ang members ay BLAZE. Group chat na ako lang ang hindi member at nag-iisang babae pa sa group chat na iyon.

Reia: Grand Alumni ng Univ? You guys didn't tell me!

"This is a private university."

Ngumiti ako. "Dito ako in-enrol ni Papa kasi Professor siya dito. Dito rin nag graduate si Kuya Dustin."

"Yeah, I know," wala sa sariling sambit niya. "And you studied here because they're here."

Nag beep ang phone ko kaya tiningnan ko muna iyon. May message na ang mga loko at online pa silang lahat. Hanep yan.

Zael: replied to you: I was going to tell you but you saw it first.

Lye: replied to you: Sorii po. Nalimutan lang.

Brent: replied to you: You're not invited. Sino ka ba?

Arden: replied to you: Pupunta ka pa pala? Wag na, Reia.

Etric: what the hell is happening? @Reia, seems like you've been forgotten.

Napataas ang kilay ko sa reply nila lalo na nina Brent at Arden. Napansin yata ni Zandriel ang matalim kong tingin sa phone kaya sinilip niya na rin iyon.

"Why? What's wrong?"

"The hell is wrong with these two?"

I typed a reply for all of them.

Reia: Wow 😲... I'm speechless, haha. Sige. Ganyanan pala haa. Okayyyy! 👍

Inis kong in-off ang data. Huminga muna ako ng malalim para kalmahin ang sarili.

Wag na wag silang magpakita sa akin. Kapag nakita ko ang mga iyon, talagang makakatikim sila sa akin. How dare they?!

But anyway, who cares?

"I wanna attend this celebration. Sa friday pala 'to? Pwede kaya magdala ng excess baggage?" Sabi ko at nag side glance sa kaniya. Kumunot naman ang kaniyang noo.

"Excess baggage, huh?"

Tumawa ako. Hinawakan ko siya sa braso saka hinila papasok sa university. Bukas naman kasi at mukhang nagpeprepare na sila for the upcoming event ng university. Binati ko ang guard na nagbabantay at nakakatawa lang dahil siya rin iyong guard na laging kadaldalan ni Lye at Brent sa tuwing wala silang klase at patambay tambay lang sa tabi tabi.

"Reia, hija. Naku, parang kailan lang noong nag-aasaran kayo ni Lyeone rito. Ngayon may kaniya kaniya na kayong trabaho," sabi nito.

"Oo nga po e. Nga pala, pwede naman po kaming pumasok di ba?" sabay tingin ko sa building ng Information Technology Department sa hindi kalayuan.

"Ay, syempre. Teka, baka gusto mo akong ipakilala sa kasama mo?" may pang aasar sa ngiti nito.

Nilingon ko naman ang katabi ko at nakitang binabasa nito ang nakadikit sa pader. Naramdaman niya yata ang tingin ko kaya nilingon niya ako.

"Uhm, Manong Guard, si Zandriel po," sabay hila ko ng marahan sa manggas niya. "Zan, si Manong Luis."

"Nice to meet you po," bati ni Zandriel.

As Time Goes By (Series Of Scenery #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon