"Sige na! Sample lang e."
Hindi na matigil si Dem sa pangungulit kay Julian about sa bisaya thing na iyon. Gusto niyang marinig si Julian na mabisaya. Ewan ko ba sa kaniya kung ano makukuha niya diyan.
"Tumigil ka nga. Kulit mo!" Reklamo ng isa at tinulak palayo ang mukha ng kaibigan.
Ngumuso naman ito. "Ikaw, Reia? Tutal balak mo ring mag Cebu."
Umiling ako sa kaniya. "Shut up na, Dem."
"Sige na, Reia!"
"Gosh, you're so kulit! So nakakairita," sabi ko at umirap sa kaniya. Tumawa ang mga nakarinig sa sinabi ko at nasabihan pa akong conyo.
Nang dumating ang teacher ay nagsibalikan na sila sa kani kanilang pwesto. Buti na nga lang dumating na e para naman tumigil na itong si Dem na mukhang Demon. Emss.
MABILIS lumipas ang mga araw. Today is saturday where I have a meeting with Shin. Geez, parang ang sosyal ng meeting. Sige, ano, meet up nalang. Isasama ko si Chesa kasi 'di ba kaming dalawa ang kakausap para ma gets namin pareho. Sana nga ma gets.
Kasalukuyan akong nag-aayos ng tumunog ang cellphone ko. May chat galing kay Shin.
Shinnia Herrera:
Hi girl! Nasabi ni Zandriel sakin na you were asking about simulation and today is our meet up? Right? Just meet me at Azalea.
I typed a reply.
Ako:
Okay po. Mga what time po?
Shinnia:
Just around eight or nine. Basta this morning. See you, Reia.
Ako:
Sige po. See you
Pagkatapos namin magpalitan ng mensahe ay sinend ko kay Chesa ang screenshot ng chat. Nagreply naman siya na susunod siya. Magkita nalang daw kami doon. Speaking of, Azalea's Cup is my favorite café kung may pera lang ako. Nakabili na ako doon one time, noong kasama ko si Devin.
Pagkarating ko sa meeting place ay saka naman dumating si Chesa. Pumasok na kami at nakita ko agad si Shin sa isang gilid near the book shelves of the café. She's with someone. Nang makita ako ay agad niyang itinaas ang kamay at ngumiti sa akin.
"Reia, here!" Lumapit kami sa pwesto nila. "You're with a friend. Hi!"
"Hello po, hihi," pinigilan ko ang tawa ko sa paraan ng pagbati ni Chesa. Lumapit ito sa akin para bumulong. "Rei, bakit ang gaganda? Artista ba sila? Nakakahiyang tumabi."
"Wag kang maingay, ano ba?" Bulong ko rin.
"Anyway," nilingon ni Shin ang babaeng kasama niya at pinandilatan. "This is Icy, a friend of mine."
Ngumiti ako at nag 'Hi' sa babae pero tumango lang siya. Napakurap ako sa inasta niya at napatingin kay Shin nang bigla siyang tumawa.
"Don't mind her. Take a seat, girls," iminuwestra nito ang upuan sa harap nila noong Icy.
Nang makaupo ay doon ko nakita ang suot nilang dalawa. They are wearing different uniforms but their department was written in their shirts. Iyong Icy ay Civil Engineering, si Shin naman ay Architecture. Pareho silang sa Senfri College nag aaral. The most expensive school here in this City.
"Uh, sure ba kayong ABM kayo dati?" Tanong ko.
Napatawa naman si Shin. "Yeah. Why?"
Napatingin ako sa uniform nila pareho, doon sa part kung saan nakalagay ang department ng dalawa. "Engineering and Architecture? Sa STEM kasi 'yon e."
BINABASA MO ANG
As Time Goes By (Series Of Scenery #1)
RomanceSabi nila, kapag daw nasa fifteen below ang edad mo ay crush lang ang lahat, paghanga lang kumbaga. Pero kay Reia bakit parang hindi? She fell in love at the young age but she did not really know kung ilang taon niya talaga naramdaman iyon. Nalaman...