- warning
Johanna
Ipinaskil ko ang isang masiglang ngiti sa labi bago buksan ang pinto. Sa totoo lang, kahit pisikal at emosyonal akong sinasaktan ni Thorin, ay ayokong makita nyang hindi ko kayang maging pormal sa ganitong pagkakataon.
Gusto kong ipakita sa kanya na kaya ko paring dalhin ang sarili ko kapag nasa normal kaming sitwasyon.
Pagkabukas ko ng pintuan ay laking gulat kong sina Helios at Mckenzie ang nabungaran ko. Literal akong napahawak sa dibdib ko at pakiramdam ko literal ding umawang ang labi ko sa labis na gulat.
"Johanna!" magkapanabay nilang tawag sa akin kasabay ng halos pagbalya ng katawan ko sa sahig sa biglaan nilang pagyakap na animo'y mga bata. Halos hindi pa ako nakakahinga ng biglang may sumigaw ng Group Hug. At doon ko naramdaman ang ilang bisig pa. Hindi ko alam kung sino-sino pa iyon pero, bago pa ako makawala sa mga bisig na iyon ay nakarinig kami ng isang malakas na tikhim na s'yang nagpabitaw sa mga brasong nakayakap sa'kin.
Nagsilayo ang mga ito at doon ko nakita ang mga dating kaibigan. Nakapalibot parin sila sa p'westo ko habang nakangiti. Hindi ko inaasahan na muli ko silang makikita. Si Helios, Mc, Jod, at Nicolo. Ang mga kaibigan ni Thorin na naging kaibigan ko rin--- Noon.
Tumingin ako sa p'westo kung saan ko narinig ang pagtikhim at doon ko nakita ang seryosong mukha ni Thorin.
"Leave her." seryosong saad nito, ngunit tinawanan lang sya ni Mac.
"Masyado ka pa ring seryoso!" wika ni Mc dito na sinabayan ng tawa ng mga barkada nya.
"Alam mo naman pagdating kay Johanna, masyadong territorial 'yan." dugtong pa ni Jod.
"Shut up!" nakakunot noong bulyaw ni Thorin sa kanila.
"Loosen up bro!" natatawang saad ni Helios na tinapik pa ang balikat ni Thorin at nagkanya- kanyang pasok ang mga ito.
Naiwan kaming dalawa ni Thorin sa may pinto. Hindi ako kumibo. Akmang tatalikod na ako ng higitin nito ang braso ko kaya napasubsob ako sa dibdib nya. Sumigid ang panlalaking amoy nito sa ilong ko ngunit binalewala ko na lamang iyon.
Maya-maya'y naramdaman ko ang pagyuko ng ulo nito sa bandang tenga ko na nagbigay kilabot sa buong katawan ko.
"Don't flirt with my friends, you Bitch!" mariin nitong bulong bago ako binitawan at lampasan.
Napabuntong hininga na lang ako at hindi na pinansin ang kanyang sinabi. Sanay naman na akong makarinig na salita mula sa kanya. Unti-unti na nga akong namamanhid sa paulit-ulit na sinasabi n'ya. Na isa lang din naman ang ibig sabihin. Isa akong maruming babae-- na totoo naman.
"Sinasaktan ka n'ya." nagulat ako nang marinig ko ang baritonong tinig na iyon.
Biglang napawi ang lungkot na nararamdaman ko nang masilayan ko ang seryosong mukhang iyon. Napangiti ako at unti-unting humakbang palapit sa lalaking iyon at binigyan s'ya ng isang yakap.
"Rhys." bulong ko. Naramdaman kon ang pagganti n'yang pagyakap sa akin. Humigpit ang hapit n'ya sa bewang ko habang hinahagod nito ang buhok ko.
"Anong nangyari?" nag-aalala nitong tanong. Umiling lang ako sa pagitan ng yakap namin. Nakakapagtakang gusto kong umiyak, pero parang wala talaga.
Inihiwalay n'ya ang katawan ko sa katawan n'ya at hinatak na ako papasok. Hindi na s'ya nagsalita habang hawak ang kamay ko. Inabutan naming nagkakagulo na ang mga barkada n'ya sa living room. May alak na rin doon, at halatang nagsisimula na silang uminom.
Natigil lamang iyon ng makita nila kami. Tinukso-tukso nila kami, ngunit ngiti lang ang sinukli ni Rhys sa mga iyon, hanggang mabasag y'on sa tanong ni Mac.
BINABASA MO ANG
The Lust Suffer
RomanceThis is how they suffer. Piniling iwanan ni Johanna si Thorin-- Ang lalaking labis nitong mahal ng malaman nitong nagdadalang tao s'ya. Apat na taon ang lumipas ng muling magtagpo ang kanilang landas-- ngunit ang lalaking kaharap ni Johanna...
