Johanna's Pov
Napahinga ako ng malalim kasabay nang pagdama ko sa malamig na hangin na umihip sa paligid. Kulay kahel na ang kalangitan tanda na papalubog na ang haring araw.
Pinagmasdan ko ang paligid at napangiti nalang ako ng tipid nang maala-ala kong, ang Haciendang ito ang naging kanlungan ko sa mahabang panahon.
Kasaluyukan akong nasa hardin. Nakatayo at nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib. Tatlong araw na ang nakakalipas nang umalis si Thorin. Hindi pa rin s'ya bumabalik. Kahit nag- aalala ako ay isinantabi ko iyon, dahil alam okey lang s'ya. Hindi n'ya pababayaan ang sarili n'ya.
N'ong isang araw ay nakausap ko na si Taurein at natutuwa akong maayos ang kalagayan n'ya, kahit wala pang heart donor na natatagpuan ay panatag narin ako dahil alam kong mabuti ang lagay n'ya.
Masaya ang anak ko. May ikinuk'wento s'yang lalaki sa akin na nakilala n'ya sa ospital, at pakiramdam ko naging malapit ang anak ko sa kanya. Marahil isa iyong nurse na tumitingin sa kanya.
"Joan."
Napalingon ako sa tawag ni Anne sakin. Nakangiti s'ya at tinabihan ako mula sa pagkakatayo. Humalukipkip din s'ya at tumingin sa kalangitan.
"Okey kana?" marahang tanong n'ya.
Sinuklian ko ang ngiti sabay ng pagtango. N'ong gabing sinumpong ako, ay pinilit nila akong magpatingin. Natatakot daw kasi silang tuluyan akong mabaliw na tinawanan ko lang.
Sa tagal na panahong taglay ko ang PTSD o Post traumatic Stress Disorder. Karaniwan na sa akin ang magkaroon ng episode lalo na kung may magtritrigger sa akin n'on. Iyon ang naging epekto sa'kin ng trahedya. Maari akong mabaliw, pero pasalamat ako dahil may mga taong nand'yan para sa'kin. Naging okey naman ang naging resulta ng check-up. Kailangan ko lang ng pahinga at malayo sa stress, kaya siguro may mabuting naidulot din sa akin ang hindi pag-uwi ni Thorin.
Pero sa tatlong araw na iyon. Maraming bagay ang napagtanto ko, na nagpabago sa pananaw ko bilang isang ina at bilang isang babae.
"Papasok na ako." muling saad ni Anne, nang masigurong okey na nga ako. Tiningnan ko ang papalayong hakbang n'ya at muling tumingala sa kalangitan alinsabay nang pagtulo ng luha sa dalawang mata.
Ang luhang iyon ay hindi dala ng kalungkutan. Ang luhang iyon ay pagtanggap.
Sa halos magtatatlong buwan na pananatili ko sa buhay ni Thorin ay nalunod ako sa kagustuhang makahingi ng tawad sa pang- iiwan ko sa kanya noon. Nalunod ako sa pag-aakalang tama ang ginagawa ko para mabuhay ang anak ko kasabay ng pagtatawad n'ya sakin.
Nakalimutan ko ang sarili ko. Sarili ko na hindi ko dapat hinahayaan saktan ng kung sino.
Ang sarili ko na dapat pinoprotektahan ko dahil isa akong ina. May anak ako na umaasa sa'kin. May buhay ako na tanging nakalaan para lang sa aking anak at kung hindi para lang kanino.
Babae ako na dapat irespeto, kahit dumaan ang buhay ko sa madilim na pangyayari.
Napahawak ako sa dibdib at dinama ang malakas na pagkabog galing doon.
Sa totoo lang hindi nakakapagod magmahal. May pagkakataon lang talaga na kahit sobra mong mahal ang isang tao, magugulat kana lang minsan na sumuko ka na dahil kahit anong gawin mo, hindi mangyayari ang nais mong mangyari.
Katulad ng pagmamahal ko kay Thorin. Sobrang mahal ko s'ya sa puntong gusto ko ulit s'yang angkinin kahit alam kong hindi maari.
Hindi na kami p'wede dahil may sarili na s'yang pamilya.
Nagkaroon s'ya ng pagkakataong magmahal nang mawala ako sa buhay n'ya. Nabigyan s'ya ng prebilihiyong lumakad pasulong at ipagpatuloy ang buhay at nagpapasalamat ako d'on, na kahit alam kong naging miserable s'ya sa pang-iiwan ko, may isang taong hinanda ang sarili para mahalin s'ya. May isang babaeng binigyan s'ya ng prebilihiyong makabuo ng isang pamilya.
Siguro nga may mga taong dadaan lang sa buhay natin para imulat tayo sa realidad ng buhay. Dadaan sila para turuan tayo at matuto.
Tadhana nga sigurong makilala at makasama ko si Thorin. Pero hindi ibig sabihin n'on ay kami hanggang dulo. Nakilala lang namin at minahal ang isa't-isa para matuto sa realidad ng pag- ibig.
Na hindi lahat ng mamahalin mo ngayon ay mamahalin mo pa'din bukas o sa mga susunod na araw. Mamahalin mo s'ya ngayon, oo. Pero, hindi ibig sabihin n'on kayo na hanggang sa huli.
Napangiti ako. Iyong isang totoong ngiti, dahil ngayon naibigay ko na sa sarili kong ang dapat kong ibigay sa sarili ko noon pa.
Kapatawaran.
Alam kong sobrang bilis ng tatlong araw para doon. Pero naniniwala ako na wala sa tagal ng oras o panahon para ibigay ang pagpapatawad na dapat binigay ko na noon. Nangyayari y'on kapag buo mo nang tinanggap ang mga pangyayari na nanakit sayo.
Alam ko na'din sa sarili ko na dapat wala akong ihingi ng tawad sa kanila. Dapat pa nga akong magalit, pero isasawalang bahala ko na iyon.
Bahala na ang Diyos sa kanila.
Buo na rin ang desisyon ko. Wala nang makakabawi pa doon.
Papalayain ko na si Thorin, at magsisimula akong muli kasama ang binuo kong pamilya. Ang anak ko, ang pamilya ni Anding.
Ngumiti ako sa langit at nag usal ng munting panalangin.
_______________________________
Ian's Pov
Nandito akong muli sa Cabanatuan at mula sa malayo ay masaya at malaya kong pinagmamasdan ang anak kong nakangiti habang nakatingala sa isang ospital.
Simula nang matuntun ko kung saan namamalagi ang anak ko ay naging routine ko na s'yang pagmasdan. Sinubukan ko na ding lumapit sa kanya, at hindi akong nabigo na kahit sa maikling panahon ay napalapit ang loob n'ya sakin. Ngunit hindi pa ako nagpakilala. Hinahayaan ko muna ang sitwasyon. Gusto ko munang gumaling ang anak ko. Gusto ko munang makuha ang pagpapatawad ng kanyang ina.
Napangiti ako ng ngumiti s'ya kay Anding na kasalukuyang akay s'ya papasok. Sa t'wing makikita ko ang anak ko ay hindi ko maiwasang maiyak. Gusto kong pasalamatan si Johanna sa pagluluwal ng isang bagay na habang buhay kong ipagpapasalamat sa taas.
Ipinapapasalamat ko rin ang pagbibigay n'ya ng prebilihiyong dalhin ng mga anak namin ang Apelyidong Dela Fuente at ang pangalang sunod sa pangalan ko.
Thorian Alesandro Dela Fuente
Taurein Alessandro and
Taureil Alessandra Dela Fuente.
Nabalik lang ako sa realidad nang maramdaman ko pag vibrate ng cp ko sa bulsa.
Agad ko iyong sinagot at napatiim bagang ako nang marinig ko ang sinabi sa kabilang linya.
"Boss hawak na namin sila." usal ng kausap ko.
Tila nagdilim ang paningin ko at mahigpit na kumuyom ang kamay na nakahawak sa cp ko. Napangiti rin ako na ang ibig sabihin ay handa akong pumatay.
Muli kong tiningnan ang anak ko bago putulin ang tawag.
Sumakay ako sa sasakyan at mabilis na pinaharurot ito.
Nanginginig ang kamao ko. Nalakas rin ang kabog ng dibdib ko.
Hindi kailanman makakalimot ang isang ama.
Gaganti ako sa pumatay sa sarili kong anak.
Papatay ako para sa babaeng mahal ko.
Kukuhanin ko ang hustisya para kay Taureil at kay Johanna.
_______________
s t o u t h e a r t
BINABASA MO ANG
The Lust Suffer
RomanceThis is how they suffer. Piniling iwanan ni Johanna si Thorin-- Ang lalaking labis nitong mahal ng malaman nitong nagdadalang tao s'ya. Apat na taon ang lumipas ng muling magtagpo ang kanilang landas-- ngunit ang lalaking kaharap ni Johanna...
