THORIN
Nanginginig pa rin ang katawan ni Johanna habang yakap ko nang mahigpit. Nakakapit sa s'ya sa leeg ko na tila takot na takot. Nakasubsob ang ulo n'ya sa dibdib ko habang patuloy parin ang paghikbi at pagtawag sa pangalan ko para humingi ng tulong.
Lalong nanikip ang dibdib ko ng muli s'yang magsalita.
"T--Thorin...Tulong." Punong-puno iyon ng pagsusamamo at puno ng sakit. Lalo ko s'yang niyakap ng mahigpit dahil pakiramdam ko sasabog ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko na sumasabay sa malalakas n'yang paghikbi. Wala akong ideya kung anong nangyayari sa kanya, ngunit isa lang ang alam ko. Nasasaktan ako sa paraan na nasasaktan s'ya.
Lahat ng galit na baon ko ay unti- unti napalitan ng awa. Ang pader na ginawa ko sa mismong sarili ko ay natibag. Gusto kong magwala. Gusto kong magtanong!
Anong nangyari?
Ano ang tunay na nangyari?
Pinikit ko ang mata ko ngunit, nang humaplos ang palad ko sa likod ni Johanna ay kumawala ang pinong hikbi sa labi ko. Sobrang sakit. Sobrang sakit naman. Parang hindi ko kakayaning maging matatag sa kalagayan n'ya ngayon. Pigil ang aking paghinga nang dahan-dahan kong imulat ang mata ko. Nilukuban ng takot ang buong sistema kong muling tingnan ang kanyang likod. Hindi ko kaya.
Parang piniga ang buong pagkatao ko nang bumalik lahat ng ginawa ko sa kanya. Pinasakitan ko s'ya. Niloko ko s'ya. Inakusahan ko s'ya, ngunit kailanman hindi ako nagtanong.
Pinili kong intindihin 'yong sakit sa dibdib ko dahil lang hindi ko s'ya magawang patawarin. Pero sa nakikita ko ngayon, halos gusto kong patayin ang sarili ko. Gustong lumuhod sa harapan n'ya at paulit-ulit na humingi ng tawad. Paano kong nagawa ang lahat ng iyon ng hindi ko napapansing sobra ko na s'yang nasasaktan. Bakit hindi ko naisip na naghirap s'ya? Bakit ba sumuko ako kaagad? Bakit ba isinuko ko ang laban?
Naramdaman ko ang mahigpit na kapit ni Johanna sa braso ko kaya iniangat ko ang tingin ko patungo sa kanya. Walang emosyon ang kanyang matang nakatingin sakin habang patuloy ang pag agos ng kanyang luha.
"H--Hindi ko na kaya." impit n'yang hikbi.
Natigilan ako, at kaagad na ginagap ng dalawang palad ko ang kanyang mukha.
"P--Please don't say that." pumiyok ang tinig ko nang sambitin ko ang katagang iyon. Hindi pa s'ya pwedeng sumuko. Hindi pa ngayon! Kailangan s'ya ng anak nya. "J--Just don't give up now. I--I wont hurt you. Please baby." tuluyan ng nabasag ang boses ko habang mabigat ang paghinga.
Tumingin lang s'ya sakin. Hinawakan n'ya ang braso ko.
"S--Sorry." hikbi nya. "S--Sorry na."
Hinapit ko na s'ya palapit at malumanay na hinagod ang kanyang ulo. Paulit-ulit nya paring binabanggit ang salitang sorry, pero wala na akong makapang sasabihin. Punong- puno ng tanong ang utak ko. Masakit na masakit ang dibdib ko. Hindi na ako makapagsalita, dahil panay nalang ang paghikbi ko. Hindi ko na kayang magsalita pa.
Maya-maya pa, unti-unting humina ang paghikbi ni Johanna, hanggang sa tuluyan itong mawala. Dahan-dahan ko s'yang sinilip at napagtanto kong normal na ang kanyang paghinga, at mababakas na rin ang kapayapaan sa kanyang pikit na mata.
Binuhat ko na s'ya at inilapag sa ibabaw ng kama. Sinigurado ko ding nakalapat ang ulo nito sa unan. Hinaplos ko rin ang kanyang mukha, at muli may luha na namang pumatak sa mata ko. "I'm Sorry baby." bulong ko rito, bago kinintalan ng halik ang kanyang noo, ngunit bago pa man ako makalayo sa kanya ay narinig ko na naman ang nanginginig nyang tinig.
"H'wag!" impit na daing nito. Imbes na lumayo ay kaagad ko s'yang tinabihan at niyakap ng sobrang higpit.
Ipinikit ko ang dalawa kong mata, ngunit rumehistro sa balintawtaw ko ang itsura ng kanyang likod.
BINABASA MO ANG
The Lust Suffer
RomanceThis is how they suffer. Piniling iwanan ni Johanna si Thorin-- Ang lalaking labis nitong mahal ng malaman nitong nagdadalang tao s'ya. Apat na taon ang lumipas ng muling magtagpo ang kanilang landas-- ngunit ang lalaking kaharap ni Johanna...
