Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

IKA TATLOMPUNG KABANATA:

87.9K 1.6K 83
                                        

"I told you to leave that Goddamn house. Bullshit! "

Ang sigaw na iyon ang nagbigay dahilan sa akin para magmulat ng mata. Ramdam ko ang pananakit ng sarili kong katawan. Masakit din ang mga braso ko at parang may kung ano na nawala sa akin.

Umikot ang paningin ko, at hindi ako nagkakamaling nasa ospital ako batay sa kabuuan ng silid na purong puti. Sa tabi ko ay may dextrose, katabi ng isang mesa na may nakapatong na mga prutas na nakalagay sa isang basket. Sa paanan ng kama ko kung saan ako nakahiga ay nakatayo si Ian, habang nakapamewang at kunot na kunot ang noo.

Napapikit ako sa rumihestrong sakit ng mapagtanto ko ng lahat. Unti-unting gumalaw ang kamay ko papunta sa aking t'yan. Tahimik akong nanalangin na sanay nandoon pa ang aming anak. Nanalangin ako na sanay maramdaman ko pa s'ya.

"I--Ian" hikbi kong tawag sa kanya. Nang imulat ko ang aking mata, ay kita-kitang kong lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha kasabay ng marahas na pagbuntong hininga. "Y--Yung B--Ba-- Baby ko?" nanginginig ang labi ko. Malakas ang ginagawang pagtibok ng puso ko nang tanungin ko sa kanya iyon.

Lumakad s'ya papunta sa p'westo ko ngunit, nanatili lang s'yang nakatayo at nakamasid sa akin.

"P--Please Ian. Sagutin mo ako. Anong nangyari sa baby ko?" hikbi kong tanong sa kanya. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, pero wala akong lakas para gawin 'yon. Nanghihina ako. Nanghihina ang buong sistema ko.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, dahil nakikita ko ang paglungkot ng mata ni Ian. Nasasaktan ako dahil kahit alam ko na yata ang sagot sa tanong ko, gusto ko paring malaman ang totoo.

"I--Ian." pagsusumamo ko sa kanya.

"Wala na s'ya." tumalikod s'ya sa akin bago yumuko at hinaplos ang kanyang batok.

Nakatitig lang ako sa kanya.

Wala na s'ya...

Wala na s'ya..

Wala na ang anak namin..

Kumawala ang impit na daing ko, matapos kung marinig ang gusto kong sagot. Wala na ang anak ko. Hindi na ako isang ina.

Hindi ko alam kung anong sumunod na nangyari. Ang alam ko lang sobrang sakit ng nararamdaman ko. Sobrang sakit na lalong nagpapahina sa pagtibok ng puso ko.

Hanggang matagpuan ko nalang ang sarili kong nakapayupyop sa dibdib ni Ian.

Tahimik lang s'ya, habang ang masasakit na pagdaing at paghikbi ko ang pumupuno sa silid na iyon.

"K--Kailangan ko si Thorin." naisambit ko bigla.

Hindi s'ya nagsalita, pero humigpit ang yakap n'ya sa'kin.

"Kailangan ko si Thorin, Ian. Gusto kong makasama si Thorin. Wala na kaming anak. Wala na.." Patuloy lang ako sa pag-iyak. Gusto ko mang sisihin si Ian, ay parang mababalewa lang iyon. Kahit sisihin ko s'ya at ang kanyang tatay sa pagkawala ng anak ko ay walang ring magiging k'wenta.

"Bakit nila pinatay y'ong anak ko?" buong pait kong tanong sa kanya. "Bakit Ikaw pa Ian.?" hikbi kong tanong.

"I tried to warn you but, you just shut me out. Tapos ngayon isisi mo sa'kin ang pagkawala ng anak mo? Sumunod ako just to save you. And then what now? You asking me why?" buong pait nitong turan, pero hindi inaalis ang pagkakayakap sa akin.

Nanatili akong tahimik. Humina na rin ang pag-iyak ko. Parang namamanhid ang buong katawan ko.

"Hindi ko hinayang maipalaglag ang anak mo Johanna. Ginawa ko ang lahat mailigtas kalang. Pero nahuli ako. Nakunan ka. I'm sorry." matapos n'yang sabihin y'on ay kumalas s'ya pag kakayakap sakin at tinungo ang pinto.

The Lust SufferMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon