Johanna's Pov
Ilang araw naba ang lumipas? Hindi ko na mabilang. Ilang oras na ang nagdaan? Hindi ko alam.
Para akong robot na sunod lang nang sunod sa paligid ko. Para akong tubig na sumasabay lang sa pag-agos.
Limang araw sakto. Limang araw na pinipilit kong maging maayos sa lahat ng tao sa loob at labas ng Mansyon. Pinipilit ngumiti kahit na ang sakit at ang hirap tanggapin ng sitwasyon.
Limang araw na punong-puno ng pagpapanggap sa pagitan namin ni Grace. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagkaron ng lakas ng loob para magpakilala. Parang ayoko. Hindi ko kaya. Tama na sa akin na kilala n'ya ako. Magkakilala kami bilang amo ko s'ya. Sa limang araw na iyon ay hindi na kami nagka- usap ni Thorin. Hanggang tingin nalang ang tanging nagagawa ko.
Tingin magmula sa malayo.
Ang sabi ko, kailangan ko ng tanggapin ang desisyon na ginawa ko. Kailangan, dahil y'on ang tama. Buo na at hindi na mababago, pero bakit? Nagtatanong parin ako ng bakit? Bakit hanggang ngayon masakit.
"Don't stare at them."
Napaigtad pa ako nang maramdam ko ang pagpatong ng brasong iyon sa balikat ko. Nilingon ko ang nagmamay-ari n'un at nakita ko ang nakangiting mukha ni Rhys.
Mas lalo n'ya akong idinikit sa katawan n'ya kasabay ng isang malalim na paghinga.
Tama. Noong dumating si Grace dito ay isa-isa na rin silang nagdatingan. Inaamin kong natuwa ako dahil kumpleto kami kagaya noong nasa college pa. Parang y'ong dati lang na tila mga bata at nag aasaran.
Close sila kay Grace, habang ako? Ako mismo ang umiiwas sa kanila, na tila naintindihan naman nila kung kaya't sa mga araw na nandito sila ay hindi nila ako ginulo, p'wera nalang kay Rhys at kay Andrei na panay ang lapit sa'kin.
Napangiti ako ng mapait. May bahagi ng puso ko ang humihiyaw na sana ako y'on. Na Sana ako y'ong kayakap ni Thorin habang inaayos ang detalye ng kasal na magaganap bukas.
Kahapon dumating ang tumayong magulang ni Grace na sina Mr. and Mrs. Enriquez. Ito na ang kinilalang magulang ni Grace ng maaksidente ito at nawalan ng memorya. Madali namang natanggap ng huli ang naging sitwasyon nito sa tulong ng mag-asawa. Itinuring nilang tunay na anak si Grace at binigyan ng bagong katauhan sa pangalang Liana Camille Enriquez.
"Kaya ka nasasaktan kasi tumitingin kapa e." nakangising turan ni Rhys na inirapan ko lang. Simula ng dumating s'ya ay hindi nya na ako tinigilang asarin.
Ikinuwento n'ya pa sa akin ang nangyari ng limang araw na hindi umuwi si Thorin dito sa Mansyon. Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ni Thorin at ama nito nang malaman ang nangyari sakin noon. Naisugod pa ang mama nito dahil inatake sa puso. Napag-alaman ko rin na nagkaroon din ng pagtatalo sa pagitan nilang magkakaibigan, at nagpapasalamat akong naging maayos naman sila.
"Sa tingin mo ba masaya si Thorin?" wala sa loob na tanong ko.
Kasalukuyan kasi kaming nasa kusina habang sa p'westo namin ni Rhys ay tanaw na tanaw namin ang masasaya nilang kwentuhan.
Kitang-kita ko ang masayang mukha ni Grace, habang mula sa likod nito ay nakayakap si Thorin, habang ang mga braso nito ay nakapatong sa umbok na t'yan ni Grace.
Isang masayang pamilya. Y'an ang nakikita ko.
" Iyong totoo?" seryosong tanong ni Rhys.
Tumango-tango ako bilang pagsagot sabay baling ng tingin sa p'westo nila Thorin.
Kumalabog ng husto ang puso ko ng magtama ang paningin naming dalawa. Nawala rin ang ngiti na nakapaskil sa labi n'ya at napalitan ng sakit ang emosyon na nasa kanyang mga mata.
Pakiramdam ko. Kami lang tao sa paligid ng mga sandaling iyon. Pakiramdam ko sa tinging iyon nakasalalay ang mangyayari bukas. Pakiramdam ko sa tinging iyon nauulit ang pagsusumamo n'yang 'wag ko s'yang iwan at parehas kaming lumaban.
"Hindi s'ya masaya." Diretsong sagot ni Rhys. Nahigit ko ang paghinga ko dahil doon. Napabaling bigla ang tingin ko sa kanya at sinalubong ako ng seryoso n'yang mukha.
"P--Paano mo nasabi?" naluluha kong tanong. Hindi ko inaasahan ang sagot ni Rhys. Napalunok ako ng ilang beses dahil tíla may bumara sa lalamunan ko. Napabaling ulit ako ng tingin kay Grace at Thorin at muli, sinalubong ako ng tingin ni Thorin.
Nangilid na ang luha ko ng muli akong tumingin kay Rhys. "Hi--Hindi magandang biro yan Rhys. Bawiin mo y'ong sinabi mo. Masaya s'ya kay Grace. Mahal n'ya si Grace." sunod-sunod kong wika. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Parang bumabaliktad ang lahat ng desisyon ko.
"Tarantado 'yan pero mahal kapa rin n'yan Joan. Maari ngang mahal n'ya si Grace, pero higit parin ang pagmamahal n'ya sayo." kumawala ako sa akbay nya. Sumikip bigla ang dibdib ko. Hindi maaring gan'on nalang.
"Hindi ko sinasabi sayo ang mga to para bumalik ka kay Thorin. Sa totoo lang, ayoko ng bumalik kapa sa kanya. Minsan iniisip kong angkinin kana lang, pero sa t'wing susubukan ko, alam ko namang parehas lang tayong masasaktan." tumingin si Rhys sakin. "May pagkakataon ka nang iwanan si Thorin, pero nanatili ka pa rin dito. Mahal mo talaga s'ya no?" Ngumiti s'ya sa akin ng makahulugan.
"Kaunti nalang, babalik kana sa kanya hindi ba? pero alam kong may pumipigil. Natatakot kang hindi matanggap ni Thorin ang totoo tungkol sa anak mo. Natatakot kang masaktan. Natatakot kang saktan ang matalik mong kaibigan." dire- diretso n'yang saad.
Tuluyan ng tumulo ang pinipigilan kong pagluha. Ayoko ng marinig ang lahat ng sasabihin nya dahil lahat ng iyon ay totoo. Sa t'wing makikita ko kasi si Thorin ay nakakalimutan kong muli ang sarili ko at para bang handa na naman akong masaktan. Mahal ko pa'din talaga s'ya.
"Pero sa dami ng nangyari sa pagitan n'yong dalawa... Maari pa nga ba?" diretso s'yang tumingin sakin. "Maari pa nga ba kayong dalawa Joan?" kitang-kita ko ang pag angat ng kanyang dibdib. "Hindi ko 'to sinasabi para saktan ka. Ito ang realidad Johanna. May pamilya na si Thorin. Kaibigan mo ang pakakasalan n'ya. Pero kung talagang mahal mo pa s'ya at kaya mong lumaban, hindi kita pipigilan." bago s'ya tumalikod ay kinintalan nya pa ako ng halik sa noo.
Bumigat ang bawat pag sagap ko ng hangin. Ang bigat+bigat ng dibdib ko. Mabigat akong humakbang palayo hanggang makalabas ako sa mansyon na iyon na sa likod bahay dumaan.
Napahawak ako sa pader. Pakiramdam ko babagsak ako kapag wala akong kakapitan. Bakit ba ang sakit-sakit ng mga sinabi nito.
Bakit masakit ang totoo?
Maari pa nga ba kami? P'wede pa nga ba?
Parehas na kaming nasaktan. Nasaktan ko s'ya. Nasaktan n'ya ako. May masasaktan kami.
Isa lang ang punto nito. Kailangang may mag-palaya.
Pero pinalaya ko na s'ya hindi ba?
Unti-unti akong napaluhod. Umalpas na'rin ang hikbi ko.
"Johanna."
Nahigit ko ang paghinga ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.
Si Thorin
Naramdaman ko ang pagyakap n'ya mula sa likod ko. Naramdaman ko rin ang mainit na likidong iyon sa balikat ko na masasabi kong luha.
"Mahal na mahal parin kita. Alam kong nagkamali ako. Alam kong nasaktan kita." saad n'ya. Hinawakan ko na ang brasong nakapalupot sa katawan ko. Inihilig ko na'rin ang sarili ko sa dibdib nya at d'on patuloy na umiyak.
"Sabihin mo lang na mahal mo ako. Sabihin mo lang na lalaban ka. Iiwan ko lahat para sayo Johanna. Iiwan ko lahat. Sabihin mo lang. Please Johanna."
Umiyak kami parehas.
Niyakap ko na rin s'ya at binigyan ng halik.
Ito na ang totoo.
Sa halik na ito magsisimula ang lahat.
___________________________________
BINABASA MO ANG
The Lust Suffer
RomanceThis is how they suffer. Piniling iwanan ni Johanna si Thorin-- Ang lalaking labis nitong mahal ng malaman nitong nagdadalang tao s'ya. Apat na taon ang lumipas ng muling magtagpo ang kanilang landas-- ngunit ang lalaking kaharap ni Johanna...
