Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Special Chapter

71.2K 1.4K 762
                                        

Bawal ma shock :)

Thorin's Pov

It's my wedding. I can't believe that I'm having this kind of celebrates despite of the heartache I'm feeling right now.

Hindi ako makapaniwala na itutuloy ko ang kasal ko,kahit alam kong hindi ako tunay na masaya, matapos kong malaman ang lahat. Matapos ipamukha sa'kin na ako ang nagkamali at hindi ang babaeng mahal ko. Matapos isampal sa'kin na ang pamilya ko--Ang sarili kong pamilya ang pumatay sa sarili kong anak.

Napapikit ako at matalim na tinitigan ang repleksyon sa salamin. Ibang tao ang nakikita ko sa salaming iyon. Puno ito ng galit at poot.

Pinili ni Johanna na iwanan ako at ipaubaya sa taong nagmamahal sa'kin. Kung alam n'ya lang kung anong p'wede kong gawin. Kung alam n'ya lang na p'wede kong iwanan ang pamilya ko para sa kanya. Kung alam n'ya lang na gagawin ko ang lahat para manatili kaming buo-- ngunit sa huli, nanaig ang kabutihan sa puso ng babaeng mahal ko. Alam na alam n'ya na ang kanyang gagawin. Bibitawan n'ya ako, kahit alam kong may pag-asa kaming dalawa.

Nasaktan ako. Inaamin kong sobra akong nasaktan ng ipaubaya n'ya ako. Sobrang sakit na parang umoo nalang ako na matuloy ang kasal para lang ipakitang ok na ako. Na ayos na ako. Na aayusin ko ang buhay ko para sa kanya.

Lumabas na ako na nakangiti. Sinalubong ko nang halik si Liana nang makasalubong ko s'ya sa hallway.
Niyakap ko s'ya ng sobrang higpit. Napahinga ako sa kanyang balikat. Naramdaman ko ang pagyakap n'ya sa'kin.

Nang bumitaw ako, ay ginagap ko ang kanyang pisngi. Ikinulong ko ang kanyang mukha sa palad ko.

"I love you Liana" Mariin kong wika. "Always remember that I love you" Napangiti ako ng ngumiti s'ya. Bumaba ang kamay ko sa kalakihang n'yang t'yan. "This little monster is mine" ngiti kong saad bago s'ya siniil ng halik.

Nauna akong bumaba sa kanya. Pinuntahan ko si Johanna na pinalilibutan ng mga kaibigan ko. Inilang hakbang ko ang pagitan naming dalawa. Niyakap ko s'ya nang mahigpit. Sobrang higpit.

Hindi na kami nakapag-usap dahil may humila na sa akin dahil magsisimula na ang kasal.

Nakita ko si Ian, at sinalubong s'ya ng yakap. He's the only family I have now. Tinapik naman n'ya ang likod ko.

"H'wag ka ng malungkot. Kasal mo ngayon." Bulong ni Ian sa'kin. Bumitaw s'ya sa yakap naming dalawa.

" Binitiwan ako ni Johanna, pero parang natuwa pa ako." Sagot ko sa kanya.

Binitiwan na ako ng tuluyan ni Ian at ginulo pa ang buhok ko.

"Congrats!" Masayang turan nito, bago umayos ng tayo.

Nagsimula ang kasal. Nang lumabas si Liana, ay lalong kumabog ang dibdib. Napakaganda ng asawa ko. Idagdag pa, na dinadala nito ang anak ko.

Nagsimula s'yang maglakad. Nakatitig lang ako sa kanya. Nakikita ko ang saya sa mga matang iyon. At habang tinitigan ko si Liana ay bumabalik lahat ng pinagsamahan naming dalawa sa America. Lahat ng masasayang ala-ala na magkasama kami ay parang flashback sa harapan ko.

Napahinga ako nabg malalim ng abutin ko ang kanyang kamay. Nagsimula ang kasal.

Masigabong palakpakan ang sumalubong sa'min ng halikan ko si Liana sa labi. Tanda na mag-asawa na kami.

Matapos ang seremonya ay nakihalubilo na kami ni Liana sa mga bisita. Nagtagal kami sa p'westo ng mga kaibigan ko, hanggang dumating si Johanna.

"Dito kana maupo" mariing saad ni Ian, na ikinakunot ng noo. Pinagmasdan ko si Johanna na lumakad, ngunit umagaw pansin sa'kin ang matinis na tinig na iyon.

"Nanay!" Sigaw ng bata. Nang tumambad sa'kin ang batang lalaki, ay parang gumuho ang lahat ng meron ako. Humigpit ang pagkakakuyom ng mga palad ko.

Nakikita ko ang itsura ko sa batang iyon, ngunit... Si Ian ang nakikita ko. Nilingon ko ang kapatid ko, at kitang-kita ko ang naiiyak n'yang mga mata habang nakatingin kay Johanna at sa batang yakap nito.

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Biglang pumasok sa isipan ko lahat.

Nalaglag ang anak namin ni Johanna.
Na rape si Johanna.

Nakikita ko ang bunga ng rape na 'yon. At ang nakikita ko ay ang mukha ng kapatid ko.

Napapikit ako nang mariin.

"Ahm... Anak ko, si Taurein" saad ni Johanna.

Napadilat ako, at sumalubong sa'kin ang titig ni Johanna kaya ang ginawa ko ay itinaas ko ang hawak kong kopita na may alak.

Nang lumakad s'ya papunta sa likod ng kapatid ko ay parang Hindi na ako humihinga.

"Si I--Ian ang ama." garalgal nitong saad. Parang natahimik ang paligid. Hinintay kong magsalita si Ian. Naghihintay ako ng sasabihin n'ya.

Bigla akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Nakita ko rin ang pagtayo ni Ian, at pag-abot nito ng bata kay Johanna. Hinarap ko ang kapatid ko. Pinigil ko ang sarili ko, at niyakap ko si Ian.

"Y--You fucking take care of them, Kuya" saad ko.

Napahigpit ang yakap n'ya sa'kin. Naramdaman ko ang paghugot nang malalim na paghinga ni Ian at tuluyan na itong napa-iyak.

"I will" sagot ko nito.

Kumalas ako sa yakap namin at pinagmasdan ko ang paglayo nila.

Fuck. Akala ng kapatid ko gan'on lang 'yon.

No. I will get the woman I love.
Nagsisimula pa lang ako.
Hindi ako papayag na dito kami magtatapos.

Niyakap ko si Liana.

Liana will be my key, to get her.

--------------------

Let's have a twist and turns

TH E E N D

The Lust SufferMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon