ANDREI
Mataman ko lang pinagmamasdan ang pag-uusap ni Joan at ni Rhys. Mula sa p'westo ko sa may sala ay natatanaw ko sila sa may tapat ng hagdanan. Hindi ko alam, ngunit masaya ako sa ibinibigay na ngiti ni Rhys habang kinakausap s'ya ni Joan. It may sounds gay, but who cares? That's my fucking Bestfriend!
Natatandaan ko pa noon n'ong una naming nakita si Joan. Isa yata 'yon sa mga hindi malilimutang sandali ni Rhys, kahit pa nga ang napansin ni Joan sa katagalan ay si Thorin. Hindi lingid sa akin na noong nakita ito ng kaibigan ko ay alam kong nagustuhan s'ya ni Rhys, ngunit nang mapansin nitong kay Thorin ito nahuhulog ay hindi na ito gumawa pa ng hakbang. Ayan tuloy kahit alam kong masakit para sa kaibigan kong makitang masaya ang babaeng gusto n'ya sa kaibigan namin, he just smiled. Naging boyguard pa kami ni Joan n'on dahil maraming galit sa kanya dahil naging sila ni Thorin.
Kaming dalawa ni Rhys ang palaging hinihingan ng pabor ni Thorin kapag kailangan n'yang pumunta ng ibang bansa. Magmula kasi ng malaman ng walang hiyang tatay ni Thorin ang tungkol sa kanila ni Joan, madami itong ginawa para lang magkalayo ang dalawa.
Tumingin ako kay Joan, at kitang-kita ko ang paglambong ng kanyang ngiti. Sobrang bilib ako sa kanya, na nakaya n'ya lahat para kay Thorin. Sobrang bilib ko, na napalaki n'ya ang kanyang anak mag-isa. Bilib ako dahil sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanya, ay nakuha n'ya pa ring maging masaya at magpatawad.
Pero mapaglaro nga siguro ang tadhana. Na kahit may tiwalang mahal nila ang isa't-isa, marami paring tutol para sila'y magsama. Napabuntong hininga ako.
"Kung kaya lang naming sabihin ang lahat ng walang masasaktan, ginawa na namin Joan. Patawarin mo kami, hindi lang buhay ng pamilya namin ang nakataya dito, pati ang buhay ng anak mo." mahina kong kausap. Tama. Alam ng ama ni Thorin kung nasan si Joan. Alam n'ya rin kung nasaan ang anak nito.
Hindi ko naman sinasadyang malaman iyon, matapos mabili ni Thorin ang Hacienda na pakana rin pala ng tatay ni Thorin, hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng tatay n'ya at ng isa pang lalaki, na kung hindi ako nagkakamali ay ang taong pinagkakatiwalaan ng pamilya nila noong araw na ihahatid ko ang mga papeles kay Thorin.
Napabuntong-hininga ako at napapikit.
Dalawang araw matapos umalis noon ni Thorin papuntang America, nakatanggap si Rhys ng tawag mula kay Joan. Kasalukuyan kami noong nasa bar ni Helios to get laid. Pero nang matanggap ni Rhys ang tawag galing kay Johanna ay agad kaming nagtungo sa condo ni Thorin only to found out, Joan, lying on their bed, while tears spreading in her eyes.
Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Rhys noong gabing iyon. Iyong pag-aalala na higit pa sa isang kaibigan.
That night, Joan confirmed us that she's six weeks pregnant, pero walang alam si Thorin doon dahil hindi ito nasabi ni Johanna bago ito umalis, hindi rin namin s'ya makontak na s'yang nakakapagtaka.
Day's passed. Maselan ang lagay ni Joan, kaya parang si Rhys ang tumayong asawa nito sa panahong iyon. Kitang-kita ko ang saya ni Rhys noon. Kitang-kita ko ang pag-asa sa kanya, pero sa t'wing isasara n'ya na ang pintuan ni Joan para umuwi kami, nand'on 'yong pag-luha n'ya. Nasasaktan s'ya sa paraan na s'ya lang ang nakakaramdam.
Hanggang dumating ang araw na iyon. 'Yong araw kung saan parehas kaming muntikan mamatay.
"R--Rhys, T--Tulungan mo ako, Gusto ng papa ni Thorin ipalaglag yung anak ko."
Muli, nabalisa kami sa tawag na 'yon ni Joan, kaya agad kaming nagtungo sa condo n'ya.
Doon, naabutan namin ang tatay ni Thorin. May kasama itong doctor. May nakahawak na dalawang tao sa braso nito. Umiiyak si Joan.
Hindi kami nag-aksaya ng sandali, sinugod namin 'yong dalawang nakahawak kay Joan, nakatingin lang ang tatay ni Thorin, nakangisi. Nang mapatumba namin 'yong dalawa, pumalakpak si Mr. Dela Fuente.
Hingal na hingal kami ngunit tanging tawa lang ang pinakawalan n'ya. Maya-maya'y bumukas ang pintuan at lumabas ang ilang kalalakihan. Wala na kaming nagawa, kahit bugbog ang katawan ay lumaban kami, ngunit sa huli, nakuha nila si Joan.
Matapos noon, ay wala na kaming nabalitaan sa kanya. Hindi kami nakakibo kay Thorin dahil hawak ni Dela Fuente ang buhay ng Pamilya namin.
Umalis ng bansa si Rhys, at magmula noon, hindi na kami nag-usap.
"Andrei, anong gusto mong meryenda?" nagulat pa ako nang magsalita si Joan.
Nasa harapan ko na pala s'ya. Si Rhys ay nasa likuran nito at malamlam ang mga mata. Hindi ko sila napansin. Siguro ay malalim na naman akong mag-isip kaya hindi ko na naramdaman ang presensya nila.
"Kahit ano." maikli kong sagot. Tumalikod si Joan at naiwan kami ni Rhys. Tumingin lang s'ya sa akin at sabay kaming naupo.
"Mahal n'ya pa rin." nanghihina nitong turan. "Hindi ko s'ya maintindihan kung bakit kahit nasasaktan s'ya, hindi n'ya pa rin kayang iwanan si Thorin." iling nito. Tumingin s'ya pataas at nakita ko ang malalim nitong pag buntong hininga.
"Gusto n'ya lang punan ang akala n'yang kasalanan." maikli kong turan. Tinapik ko ang balikat n'ya at ngumisi.
"Wala akong alam na kasalanan n'ya Andrei. Sabihin na natin ang totoo kay Thorin." maya-maya'y wika nito. Walang pag-aalinlangan ang tinig nito.
Napatawa ako ng mahina. Kung sana'y ganoon kadali 'yon. Pero kilala ko ang walang hiyang tatay ni Thorin, bago pa maprotektahan ni Thorin ang mag-ina, malamang nakabaon na sa noo nito ang bala ng baril. Ganoong klase ng halimaw ang ama nila. Walang sinasanto, masunod lang nais nito.
"Alam mong hindi p'wede Rhys, alam mo kung ano ang nakataya dito. Buhay ng anak ni Joan." Matiim kong sagot.
"Ayoko ng nasasaktan si Joan." Muli itong wika, bago umiling at pumikit ng mariin.
"Proprotektahan natin s'ya, kagaya ng dati Rhys." wika ko.
"Kagaya ng dati." Mahina kong bulong bago tumingala sa kalangitan.
___________________________________
THORIN
Nang marinig ko ang tawag ni Daddy ay inis akong tumayo at sinundan ang paglabas n'ya. Nakatingin lang ng masama si Ian, bago ko malakas na isinarado ang pinto, na dahilan para mapatingin ang ilang empleyado.
Naglakad kami hanggang marating namin ang dulong silid ng floor na iyon. Pumasok kami ni daddy na hindi nagsasalita. Pinaupo n'ya ako at pinamewangan na kunot ang noo.
"Masaya ka, sa ginagawa mo?" diretso n'yang tanong kaya napaangat ako ng tingin at ngumisi. Sumandal pa ako na tila walang nangyaring bugbugan sa amin ni Ian. Tumingin ako ng diretso sa kanya. Nitong mga nakaraang taon ay hindi na ako nakaramdam ng takot sa kanya. Parang wala na sa akin kung tumingin s'ya ng matalim o sumigaw ng malakas.
''Kaunti palang. Pero mukhang hahadlang na naman kayo." balewalang sagot ko rito. Umiling ako at umayos ng upo.
"Clean your mess Thorin. Your wife is about to go home." pinal nitong wika, bago tumalikod.
Napatiim bagang ako.
Liana.
BINABASA MO ANG
The Lust Suffer
RomanceThis is how they suffer. Piniling iwanan ni Johanna si Thorin-- Ang lalaking labis nitong mahal ng malaman nitong nagdadalang tao s'ya. Apat na taon ang lumipas ng muling magtagpo ang kanilang landas-- ngunit ang lalaking kaharap ni Johanna...
