Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

FINALE

63.7K 1.2K 343
                                        

Johanna's Pov

"Sa larangan ng pag-ibig, hindi kaduwagan ang sumuko."

Isa sa mga natutunan ko nang mahalin ko si Thorin ay kung paano lumaban. Iyon din ang naging dahilan kaya nais kong mabuhay noon sa bingit ng kamatayan.

Nang muli kaming magkita ay ninais kong makahingi ng kapatawaran sa pagiging duwag, dahil iniwan ko nalang s'ya basta. Tinanggap ko ang lahat ng galit n'ya sa'kin. Nadamay ang anak ko. Pati ako ay naghirap.

Pero ang lahat ng iyon ay nagbago nang matutunan kong bigyang halaga ang sarili ko mismo. Kailangan kong humakbang pasulong at iwanan lahat sa aking likuran. Kailangan kong mahalin ang meron ako at kailangan kong tanggapin ang mga bagay na hindi nararapat sa akin.

Masayang umaga ang sa aki'y muling sumalubong . Nakangiti ang halos lahat ng tao sa pagtitipong iyon. Nakakaramdam ako ng kaba, ngunit sa kaibuturan ng aking puso ay may munting saya. Tama ang naging desisyon ko, ang kasiyahan ko, ay kasiyahan ni Thorin ay kasiyahan naming dalawa.

Naramdaman ko ang yakap ni Anne mula sa aking likuran Napangiti ako at umikot paharap para gantihan ang yakap n'yang iyon.

"Tama ang desisyon mo. Magiging tunay na kayong masaya." maluha- luha n'yang saad.

Isang masayang tawa ang pinakawalan ko bago ko inilayo ang sarili ko sa yakap namin. Niyakap din ako ni Joward mula sa aking likod at tuluyan ng umiyak.

"Ikaw babae ka. Mamimiss kita!" saad n'ya.

Niyakap ko rin s'ya nabg mahigpit at nagtawanan pagkatapos no'n. Masarap pala ang pakiramdam kapag naging totoo ka sa sarili mo. Nakakahinga na ako ng maluwag dahil nilaban ko ang isang bagay na alam ko sa bandang huli ay alam kong hinding-hindi ko pagsisihan.

Alam kong may masasaktan, pero ito na 'to. Hindi ko na hahayaang umabot pa sa puntong parehas kaming magdusa.

Matapos ang ilang dramahan ay lumabas na kami. Sinalubong kami ng magarang ayos ng hardin. Halatang pinaghandaan ang lahat batay sa ayos ng mga mesa. Simple ngunit napaka eleganteng kasalan ang magaganap sa araw na ito. Isang kasal na tunay kong masasaksihan.

Sinalubong ako ng ngiti ng mga barkada ni Thorin. Sabay-sabay nilang isinigaw ang salitang

"Congrats!"

At sabay-sabay rin nila akong niyakap.

"Oii. Teka. Magugusot 'yong damit, magsisimula na ang kasal." ngiting turan ni Mc sabay marahang inayos ang suot kong damit. Hinawakan n'ya pa ang mukha ko.

"Tang na. So deep talaga Johanna!" Turan ni Mc.

Tinabig naman s'ya ni Rhys at sinamaan ng tingin. Hinawakan ni Rhys ang kamay ko at pinakatitigan ng mariin.

"Handa kana ba? Sigurado kana dito Johanna?" magkasunod nitong tanong.

Ngunit bago pa ako makasagot ay inakbayan s'ya ni Andrei at mahinang sinuntok sa braso.

"Gusto mo pa bang baguhin ang desisyon ni Johanna?" nakangising tanong.

"Shut up!" Bulyaw naman ni Rhys dito. "Sinusure ko lang." ungos nito na tinawanan lang ni Andrei.

Natigil lamang iyon ng may sumigaw na umayos na ang lahat. Ang alam ko y'ong ang nag-aayos ng kasal.

Napatingin ako sa paligid. Kahit kakaunti lamang ang bisita ay ramdam na ramdam ko ang kasiyahan at pag-ibig sa paligid. Muli kong inikot ang paningin ko at nakita ang bultong iyon na nakatingin din sa akin at may malaking ngiti sa labi. Nakasuot s'ya ng itim ng tuxedo. Wala na ang tumutubong balbas nito. Ayos na rin ang buhok nito. At sa pagtingin ko sa kabuuan n'ya at tila bumalik ang dating Thorin na minahal ko noon. Ang Thorin na kayang ilaban ang lahat.

The Lust SufferMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon