JOHANNA
"Grace." mahinang sambit ko sa babaeng nakatayo sa aking harapan. Floral dress ang suot n'ya na hanggang tuhod. Ang kaliwang kamay n'ya ay nakaangat sa akin para makipagkamay, habang ang kanan naman ay nakapatong sa kalakihan nitong t'yan.
Napalunok ako ng ilang beses. Tila bumara ang mga katagang nais kong sabihin. Kahit ang simpleng pagtango ay hindi ko nagawa. Palipat-lipat ang tingin ko kay Andrei at kay Grace.
Handa akong makita at makilala kung sino ang asawa ni Thorin, ngunit hindi ko inaasahan na s'ya-- Si Grace ang matalik kong kaibigan ang naging asawa n'ya.
"Hmmm.. Do we know each other? You looked familiar miss." agaw pansin n'ya sa akin. Napakunot ako ng noo dahil doon. Mukhang hindi n'ya ako kilala.
"Eherm." tikhim n'ya,siguro makuha ang atens'yon ko. Napalunok muna ako ng ilang beses bago kinuha ang kanyang kamay. Malambot iyon. Napapikit ako ng ilang sandali.
Matagal na n'ong huli kaming magkita ni Grace. Nasa huling taon kami ng kolehiyo noon nang mawalan kami ng komunikasyon.
Unang-una. Naipadala s'ya sa Canada. Pangalawa, nag-sama kami ni Thorin ng mga panahong iyon, kaya hindi na kami nagkaroon ng pag-uusap.
Naging malikot ang tingin n'ya sa'kin. Para bang pinag-aaralan nito ang mukha ko.
"Hi--Hindi po ma'am. Katulong po ako dito. Jo--Joan po." nanginginig kong saad. Gusto ko man s'yang yakapin at kamustahin ay hindi ko magawa, dahil sa klase palang ng tingin n'ya, na tila pagtanong ay alam kong may mali sa kanya. Kaya pala ni hindi n'ya ako sinalubong o wala man lang s'yang reaks'yon.
Muli, ngumiti s'ya. 'Yong ngiti na katulad dati. 'Yong ngiti na nakakadala ng saya. 'Yong ngiti ng kaibigan kong kinasabikan kong makita.
"Ohh... I see. Where's Thorin?" matigas nitong Ingles sabay tingin sa taas. Binitawan n'ya na rin ang kamay ko at lumingon kay Andrei.
"A--Aa.. Ma'am.. Nasa taas po." marahan kong sagot. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagbuntong hininga n'ya.
"Hindi n'ya alam na ngayon ang uwi ko." Lumingon s'ya muli sa akin. "Surprise, I guess" tawa n'ya pa.
Pinilit kong maging matatag sa pagitan naming dalawa. Kahit sa loob ko, gusto kong itanong kung bakit hindi n'ya ako kilala. Gusto kong itanong kung paano sila nagkakilala ni Thorin. Anong nangyari sa loob ng halos apat na taon.
"You seem familiar talaga miss." kunot noo n'ya muling saad. Napabuntong hininga pa s'ya. "Are you sure you don't know me?'" turan n'ya.
Tila nalulon ko ang dila ko sa sitwasyong iyon. Hindi lumabas ang letrang p'wede kong sabihin. Nagtatalo ang isip ko kung sasabihin ko bang kilala ko s'ya, magkakilala kami, at dati ay naging matalik kaming magkaibigan.
"Liana." marahang tawag ni Andrei. "Inistress mo si Joan." nakangiti nitong turan.
Napatawa naman nang mahina si Grace at tumabi kay Andrei. Nanigas lang talaga ko sa kinatatayuan ko. Gan'on pala ang pakiramdam kapag nakaharap mo na ang tunay na nagmamay- ari ng taong pinalaya mo. Gan'on pala 'yong pakiramdam na tila manhid ka, pero ramdam mo 'yong pinong sakit.'Yong matinding kirot. Masakit din sa lalamunan ang pagpipigil na umalpas ang hikbi.
"I'm sorry Joan." hinging paumanhin nito. "Baka lang kasi magkakilala tayo. Baka lang kasi may nakakakilala sa'kin pag-uwi ko ng pilipinas." nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang mukha. Napalitan ito ng lungkot. "You see, I lost my memory four years ago."
Nabigla ako sa sinabi n'ya. Ibig bang sabihin.....
"Hon!"
Kumalabog ang puso ko ng mula sa itaas ay marinig ko ang tinig na iyon. Narinig ko rin ang nagmamadaling hakbang, at sa isang iglap lamang ay nasa harap ko na silang dalawa.
Magkayakap.
Ilang beses kong kinastigo ang sarili ko na hindi na dapat ako masaktan. Hindi na dapat ako maapektuhan sa kung anong nangyayari sa harapan ko. Wala akong karapatang maramdaman ang sakit dahil alam kong handa ako dito. Alam ko na dadating ang pagkakataong ito sa aming tatlo.
Pero hindi gan'on kadaling maging maayos. Hindi ganon kadaling tanggapin ang lahat ng nangyayari. Tanggap ko ng hanggang dito na lang kami, wala ng kasunod, wala na kaming pagpapatutuloy, pero bakit parang hindi ko matanggap na ang kaibigan ko ang taong minahal nya noon. Bakit may selos at pait akong nararamdaman. Bakit nasasaktan ako.
"I miss you Hon." rinig kong saad ni Grace. Gusto ko nang tumalikod. Gusto ko nang tumakbo palayo. Gusto kong lumubog nalang bigla.
Umikot ang katawan nila at napaharap sa'kin si Thorin. Kitang-kita ko ang namumuong luha sa kanyang mata. Mahigpit ang yakap n'ya kay Grace. Punong-puno nang pagsusumamo ang mata n'yang tumingin sa'kin. Hindi ko alam kung anong nangyari, dahil kusang tumulo ang luha ko nang sambitin n'ya ang salitang
I'm sorry.
Ilang beses akong napakurap hanggang naramdaman ko nalang na may humatak sa braso ko palayo sa lugar na iyon. Palayo sa eksenang hindi matanggap ng sistema ko.
Tiningnan ko ang nagmamay-ari ng kamay na iyon at nakita ko ang seryosong mukha ni Andrei. Dire-diretso ang lakad namin hanggang marating namin ang likod ng mansyon.
Binitawan n'ya ang kamay ko at sinalubong ng yakap. Hinagod din n'ya ang likod ko at mas lalong siniksik ang mukha ko sa dibdib n'ya.
"Alam kong dapat sa simula palang sinabi na namin sayo ang totoo. I'm sorry kung umabot pa tayo dito." umpisa ni Andrei.
Hindi ko alam kung dapat paba akong magalit kay Andrei, pero pinili kong manahimik. Ayoko na nang paulit-ulit na paghingi ng sorry. Nakakasawa na ang salitang iyon. Napapagod na akong marinig iyon. Ayoko na.
''A--Anong nangyari kay Grace?"
'yon ang lumabas na tanong magmula sa'kin.
Naramdaman ko ang pagbuntong hininga ni Andrei. Naramdaman ko rin ang magaang halik n'ya sa ulo ko.
"You need to listen carefully Joan." turan nito. Tumango-tango naman ako. Kahit alam kong hindi makakabuti ang sasabihin n'ya.
"Two years ago when we found out about Liana. At first, nagulat talaga kami na lihim silang kinasal ni Thorin sa America. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Thorin nung mga panahong iyon. Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak n'ya, wala kaming alam sa plano n'ya. Wala kaming naging koneksyon kay Thorin sa loob ng dalawang taon simula nang umalis ka." napabuntong hininga muli si Andrei na tila kumukuha ng lakas.
"N'ong unang malaman namin ang tungkol kay Liana, akala namin, paraan 'yon ni Thorin para gumanti sayo. Akala namin ginagamit s'ya ni Thorin, pero mali kami. Nakita ko ang pagmamahal ni Thorin kay Liana. Nakita namin y'on. Naging panatag kaming lahat na tuluyan na s'yang nakalimot, pero hindi tuluyang naalis ang galit n'ya sayo"
Ilang minuto ang naging katahimikan sa aming dalawa, hanggang s'ya din ang bumasag n'on.
"Liana has permanent Amnesia, Joan. Naaksidente s'ya four years ago. Kasamang namatay sa plane crush ang mga magulang n'ya. 'Yon ang dahilan kung bakit hindi ka n'ya kilala, kung bakit hindi n'ya maalala si Thorin, kung bakit hindi n'ya kami, tayo matandaan."
Napalayo ako ng bahagya sa kanya. Parang hindi pumapasok sa sistema ko ang bawat katagan sinasabi n'ya.
Si Liana at ang pamilya nya.
Si Thorin.
"They getting married again Johanna..."
Napayuko at nagsimulang pumatak ang mga luha sa dalawa kong mata, bago diretsong tumingin kay Andrei.
"Alam ko.... Kaya pinapalaya ko na s'ya." Akmang tatalikod na ako ng muli syang magsalita...
"Kailan mo ipapalam kay Thorin ang tungkol sa anak n'yo ni Ian?"
Hindi ko alam kung anong sumunod na nangyari. Ang alam ko lang ay nabingi ako ng tuluyan sa lakas ng kabog ng dibdib.
"Hanggang kailan mo balak itago ang totoong dahilan kung bakit mo iniwan si Thorin "
_______________________________
BINABASA MO ANG
The Lust Suffer
عاطفيّةThis is how they suffer. Piniling iwanan ni Johanna si Thorin-- Ang lalaking labis nitong mahal ng malaman nitong nagdadalang tao s'ya. Apat na taon ang lumipas ng muling magtagpo ang kanilang landas-- ngunit ang lalaking kaharap ni Johanna...
