Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

IKA DALAWAMPUT ANIM NA KABANATA:

89.8K 1.8K 252
                                        

JOHANNA

Alas-nuebe na ng gabi. 'Yan ang na nakasaad sa malaking orasan sa may sala. Kaninang alas sinco ng hapon umalis sina Rhys, matapos ang ilang kamustahan na nangyari sa amin.

Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang sinasabi n'yang iwan ko nalang si Thorin at s'ya nalang ang tutulong sa akin. P'wede naman akong umoo kung nagkataon, pero kagaya ng palagi kong iniisip, hindi ko na muling iiwan si Thorin. Ayokong ulitin ang pag-iwan ko sa kanya dati. Ayoko ring silang magkasirang magkaibigan. Ayoko ng madamay pa ulit si Rhys at Andrei kapag nakipaglapit akong muli sa kanila. Ayoko ng maulit ang pangyayaring, sa harapan ko mismo, muntik na silang mamatay.

Mataman lang akong naghihintay sa may sala. P'renteng nakaupo, habang iniisip ko ang magiging reaksyon ni Thorin kung sakaling magkita sila. Hindi ko alam kung matatanggap n'ya. Wala akong ideya kung paano n'ya maiintidihan kung bakit ko inilihim ang tungkol sa mga anak ko.

Naramdaman ko ang paglundo ng sofang kinauupuan ko kaya kaagad akong dumilat para tingnan kung sino ang umupo.

"Hinihintay mo si Sir?" tanong ni Anne.

Tumango lang ako habang bumuntong hininga namang sumandal sya sa sofa.

"Magkakilala kayo dati pa no?" nakangiti nyang tanong na hindi ako nililingon.

Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko sa kanya ang totoo, pero sa bandang huli, napangiti ako at nasabi kong, handa ko na itong ikwento sa kanya.

"College kami n'ong makilala ko sila Sir." wika ko dito kaya napalingon na s'ya sa akin na nanlalaki ang mga mata.

"I knew it!" biglang hiyaw nito na bahagya pang hinampas ang braso ko.

"So may nakaraan nga kayo ni Sir Alexus?" ngiting tanong nito.

"Dati pa 'yon Anne." turan ko dito na hindi naitago ang paghihinayang. Umiwas ako nang tingin nang mapansin kong umaayos ng upo si Anne at hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"Napansin ko noong unang dating ng amo natin, takot na takot ka. Para bang nakagawa ka ng isang malaking kasalanan sa amo natin dahil sa nakitang pangingilid ng luha mo noong unang araw ni Sir dito" turan nito na bahagya akong nilingon.

"Habang tinititigan ko so sir noon, nakikita ko ang anak mong si Taurein." Dugtong nito na nagbigay kaba sa akin. Alam ko naman na n'ong una pa, nabanggit na iyon ni Anne, na kahawig nga ng anak ko si Thorin, pero nabalewa naman iyon dahil kay manang Edith.

"Paano mo naman nasabi 'yon? " nag-aalinlangan kong tanong.

"Parehas ang kulay ng mga mata nila Joan." Seryoso ang tinig nito, malayo sa Anne na nakilala ko. ''Matagal na namin napansin 'yon ni Joward. Ayaw kalang namin tanungin sa bagay na iyon dahil ayaw naming makialam. " muli lumingon s'ya sa akin na malamlam na ang mga mata.

"Narinig kong nagsisigawan kayo ni Sir noong nakakaraang linggo. Hindi ko sadyang marinig ang ilang salita na binitiwan ni Sir." huminga pa ito at seryosong tumingin sa akin. "Bakit ayaw mong sabihin na buhay ang anak n'yo at hindi mo naman talaga pinalaglag? " diretso at walang gatol nitong tanong. Nahigit ko ang aking paghinga. Hindi ako nakahuma. Naumid ang dila ko para magsalita. Hindi gan'on kadaling sabihin ang mga bagay lalo't tungkol sa anak ko.

"Dela Fuente ang mga anak mo Joan. 'Wag mong ipagkait sa kanilang makilala ang kanilang ama." Hinawakan nito ang braso ko.

"Alam kong marami ka nang napagdaanan. Bigyan mo naman ng happy ending ang kwento ng buhay mo." nakangiti n'ya ng turan ngunit, mababanaag ang lungkot sa mga mata.

"Kahit gusto kong malaman n'ya ang totoo tungkol sa mga anak ko ay hindi maari Anne." wika ko rito sa malungkot na tinig. "Kaya ko nga s'ya iniwan n'on para protektahan ang buhay ng mga anak ko. Para protektahan ang buhay ko, at para maayos ang buhay n'ya." nangilid ang luha ko sa muling pagbubukas ng kabanatang iyon sa buhay ko. Sa buhay namin.

Ayoko na iyong balikan pa. Ayoko nang maalala dahil unti-unti akong binabaliw ng pangyayaring iyon. Baliw na hirap makalimot dahl nakamarka sa buo kong katawan ang ala-alang iyon.

"Naiintindihan kita kung ayaw mong sabihin sa kanya ang lahat ng dahilan. Mapait ang naging nakaraan mo Joan, alam namin 'yan. " Pagkasabi ni Anne ng mga iyon ay niyakap n'ya ako nang mahigpit. Ngayon lang kami nagkaroon ng ganitong pag-uusap ni Anne. Kahit na minsan ay parang isip bata s'ya, alam ko ngayong gabi, mayroong punto lahat ng sinabi n'ya sa'kin.

Marami na akong napagdaanan noon dahil sa pamilya n'ya. Siguro nga, kailangan ko nang tuldukan ang nangyari sa nakaraan, kailangan ko nang harapin iyon para makuha ko na ang katahimikan para sa sarili ko at para sa anak ko.

Naniniwala akong maiintindihan ni Thorin ang mga naging dahilan ko noon. Nagtitiwala ako sa mga binitawan n'yang salita bago s'ya umalis. Mahal ko s'ya at ipaglalaban ko na iyon ngayon.

"Alam mo bang naging isang ina na ako dati?" tanong nito nang bumitaw s'ya sa yakap namin. Nagulat ako sa sinabi ni Anne. Hindi kaagad ako nagsalita.

May anak si Anne?

"T--Teka? paanong?" naguguluhan kong tanong.

"Matagal na panahon na iyon Joan." Nakangiti s'ya ngunit nakikita ko pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.

Halos tatlong taon kong nakasama si Anne, ngunit ngayon ko lamang napag alaman ang tungkol dito.

"Kaya ako napadpad dito, ay katulad ng dahilan mo. Ang magtago at lumayo." umiwas s'ya ng tingin at huminga ng malalim.

"Ngunit parehas tayo, hindi natin matatakasan ang nakaraan."dugtong n'ya.

''A-Anong ibig mong sabihin?'' nagtataka kong tanong.

"Nakita ko s'ya Joan."napangiti s'ya. Malayong-malayo ang Anne na nakilala ko noon sa Anne na kaharap ko ngayon.

"At naiintindihan ko na ngayon, na tama ang desisyon kong iwan s'ya, dahil hindi s'ya magiging masaya pag ako ang kasama n'ya. " Tumakas ang mga luha sa kanyang mga mata na hindi n'ya na naitago.

"Pero ang hindi ko maintindihan, kung bakit hindi ako nagalit. Hindi ako nagalit sa kanya kahit na sinaktan n'ya ako." humikbi s'ya bago tumalikod at nagsimulang humakbang palayo. Bago pa man ako makahuma. Nalunod na ang mga katanungan ko sa malakas na tunog ng makina. Lumingon si Anne sa akin.

"Tell him Joan." iyon lamang ang kanyang sinabi, bago nagtatakbo palayo.

Napapitlag ako nang marinig ko ang pag-igkas ng seradura ng pinto. Nakatayo lang ako at nakatitig sa pagpasok ni Thorin. Alam kong si Thorin ang dadating dahil wala namang ibang pupunta dito kung hindi s'ya lamang. Naghihintay akong bumukas iyon. Handa na akong sabihin sa kanya ang lahat. Lahat ng nangyari sa akin. Lahat ng lihim. Lahat ng kailangan n'yang malaman.

Dahan-dahan bumukas ang pintong iyon. Kumakabog ng malakas ang dibdib ko ng mga sandaling iyon. Nakangiti ako kahit punong-puno ako ng kaba. Kaba na hindi ko maipaliwanag kung saan nanggagali, saan magtatapos.

Dahan-dahan ang pintuan iyon ay bumukas, kagaya nang malakas na pagkalabog ng dibdib ko. Ngunit lahat ng lakas ng loob ko ay unti-unting nawala ng iluwa noong ang lalaking kahit kailan ay hindi ko nalilimutan.

Nakatayo lamang s'ya sa pintuan at madilim na nakatingin sa akin. Napaatras ako at nagsimulang magtubig ang dalawang mata. Napahawak ako sa sariling bibig upang pigilan ang pag hikbi. Tila ba huminto ang pag usad ng oras. Naging dahan-dahan ang pagkilos ng paligid.

Nanginginig ang dalawang tuhod ko kaya napahawak ako sa sandalan ng sofa upang kumuha ng lakas. Nakatayo lang kami parehas. Ang mga matang iyon ay tila pinag-aaralan ang kabuuan ko.

Unti-unti s'yang humakbang palapit, kaya't lalong napuno ang ng kaba at takot ang buo kong pagkatao.

"W--Wag" naginginig kong turan. Napahinto ang gagawin n'ya sanang paghakbang at tila maiiyak na tumingin sa akin.

"W--Wag mo akong lalapitan Ian."

______________________________________________

The Lust SufferMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon