THORIN
Masakit palang malaman ang katotohan galing mismo sa taong nagsinungaling sayo. Masakit na tila isang sugat na bumaon sa buong pagkatao at nagsawak sa mga pinaniniwalaan mo. Gumiba sa pader na binuo ko sa mahabang panahon. Isang pader na akala ko maglalagay sa akin sa kasiyahan, ngunit s'ya palang magtatago at maglilihis sa sakin sa katotohanan.
Gusto kong pagtawanan ang sarili ko. Gusto kong isumbat sa kanya ang katangahang ginawa n'ya sa mahabang panahon. Naniwala s'ya sa isang kasinungalingan. Isang kasinungalingang galing mismo sa mga taong mahal mo. Sa taong pinagkatiwalaan at binigyan mo ng importans'ya.
Sa mga taong binigyan mo ng buong buhay.
Sa mga taong tinatawag mong pamilya.
Rinig ko ang iyak ng aking ina pero hindi ko iyon alintana, dahil pati ako lunod na sa mga luhang naglalandas sa mga mata ko.
Hindi naman kahinaan ang umiyak lalo pa at lalaki ako. Hindi makakababa sa moralidad ko ang aaminin nasasaktan ako. Sobrang nasasaktan ako.
"Bakit Dad? Bakit nagawa mo sa akin iyon? Hindi ba ako naging mabuting anak sayo? " diretso kong tanong.
Lumakas ang pag-iyak ni mommy, pero nabingi na ako sa sarili kong hikbi.
"M--Mom. Tell me. Hindi ba ako naging mabuting anak? Hindi paba sapat lahat ng ginawa ko para sa pamilyang 'to?" buong hinanakit kong tanong. Alam ko namang hindi ako isang perpektong anak sa kanila, pero hindi ako naging masama.
Noong bata ako, lahat ng gusto nila ay ginawa ko, hanggang sa magbinata ay kasama sila sa mga desisyon ko. I love this family so much. Kaya nagpursige akong matanggap nila si Hanna, kahit ang kapalit n'on ay ang magkalayo kami.
Gusto kong makuha ang basbas nila saming dalawa. Gusto kong ipakita na kahit may minamahal na ako ay mananatili ako sa pamilyang ito. Gusto kong ipakita na karapat dapat si Hanna, bilang bahagi ng pamilyang ito.
"T--Thorin, anak." pahikbing tawag ni mama sa akin ngunit nagtaas ako ng dalawang kamay, tanda na 'wag s'yang lumapit.
"Just tell me the truth." matigas kong turan.
Diretso akong nag-angat ng tingin patungo sa sarili kong ama ngunit, nag-sisi akong tingnan ang kanyang emosyon dahil kitang-kita ang pagbalatay na lungkot sa kanyang mata. Kitang-kita kong bumuka ang labi n'ya, at ang unang lumabas doon ay salitang Patawad.
Napaluhod na ako ng tuluyan. Kahit hindi pa nila nasasabi ang totoo ay nanlambot na ako sa isang salitang iyon. Isang salitang tila nagsabi ng buong katotohanan. Isang salitang bumasag sa basag ko ng pagkatao.
"Bakit Dad!? " Buong lakas kong sigaw, bago pakawalan ang isang suntok na tumama sa sahig. Lumakas na rin ang pag-iyak ni mommy at naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap n'ya sa akin at ang paulit-ulit na paghingi ng tawad.
"T--Thorin." tawag ni Daddy sa akin pero patuloy kong sinuntok ang sahig, hindi alintana kung nagdurugo man ang kamao ko o hindi.
"No!" buong lakas kong bulyaw sa kanya. "Paano mo nagawa sakin 'yon? Paano?" Nangingínig kong saad. "You are my father. I' am your son." nanghihina kong dugtong.
"Niloko n'yo ako. Pinaniwala n'yo ako sa isang kasinugalingan na bitbit ko sa apat na taon! Para ano? Para pagtawanan ang sarili ko dahil ang gago ko! Ginago n'yo ako sa mismong harapan ko. Kayo na sarili kong pamilya!" sumbat ko sa kanila. Akmang lalapitan ako ni Dad ng bigla akong tumayo. Napaatras si mommy, pero wala akong pakialam kung nasaktan ko man s'ya o hindi. Isa din s'ya sa nanloko sa'kin. S'ya na sarili kong ina.
Nakatayo na kami parehas. Magkatitigan.
"Anong pakiramdam mo habang nakikita mo akong miserable? Anong pakiramdam na napaikot n'yo ako. Anong pakiramdam na habang paulit-ulit kong pinapatay ang sarili ko ay mukhang tuwang-tuwa kapa dahil nagtagumpay ka sa plano n'yo. " Mariin kong tanong. Napakuyom ako ng kamao.
"Putang ina! Anong pakiramdam na lokohin mo ang sarili mong anak? Anong pakiramdam?" Buong lakas kong sigaw.
"Sabihin mo sa Akin." nanginig ang labi ko nang magbitiw ako ng salita. "Masaya kana ba?"
Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa ni daddy.
Lumuhod s'ya sa harapan ko. S'ya na kinatatakutan ng lahat ay nakaluhod sa paanan ko.
"Hindi ako naging masaya Thorin. Paulit-ulit akong kinokonsens'ya sa nagawa ko. Wala akong sapat na dahilan para ipaliwanag sayo ang lahat. Napakababaw ng dahilan ko para gawin 'yon." Naramdaman ko ang pagyakap ni mama sakin mula sa aking likuran.
"Hindi s'ya ang nararapat sayo. Hindi ko sya matanggap bilang bahagi ng pamilya. Hindi s'ya nababagay para sayo." turan nya na lalong nagpasakit sa dibdib ko. "Sisirain nya lang ang buhay mo." dugtong nya pa.
"Kaya nagawa mong patayin ang sarili mong dugo? Ang sarili kong anak dahil lang hindi s'ya nababagay sakin? fuck it! Sino ang nababagay sa akin? Sino ang nararapat sa pamilyang bulok ang pananaw? Tiningala kita bilang isang ama." Alam kong basag ang tinig ko sa dami ng emosyong nararamdaman ko.
"Patawad anak." tuluyan na s'yang umiyak sa paanan ko,ngunit wala na akong pakialam. "Ilang beses kong pinag-sisihan ang nagawa ko noon. Ilang beses kong hiniling na sana, Sana hindi ko ginawa ko patawarin mo ako."
"Hindi kita kayang patawarin, katulad ng hindi ko magpapatawad sa sarili ko. Habang buhay kong dadalhin ang sakit na nandito sa dibdib ko, katulad ng panghabang buhay na pag-uusig ng konsensya mo sa nagawa mo kay Hanna noon." matalim kong turan sa kanila.
"Simula sa gabing ito. Wala na akong pamilya. Wala na akong ama. Hindi mo na ako anak. Hindi kita mapapatawad."
Iyon lang ang sinabi ko at walang lingon na humakbang palayo, kahit na naririnig ko ang pagtawag sa akin ni mama. Hindi mawawala ang butas sa dibdib ko. Lalo pa iyong madadagdagan. Hindi sapat ang salitang pagpapatawad. Hindi kailanman sasapat ang pagluhod at pagmamakaawa.
Si Johanna.
Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.
Hindi ko alam kung maitatama ko pa ang lahat ng pagkakamali.
Hindi ko alam kung maibabalik ko pa ang lahat.
Hindi ko alam kung may babalikan pa ako o kung may dapat paba akong balikan.
Agad akong pumasok sa sasakyan ko, at paulit-ulit na sinuntok ang manibela.
Paulit-ulit na sinabunutan ang sarili. Tanging imahe ni Johanna ang nakikita ko. Ngunit isang ala- ala ang nag-pabalik sa'kin sa huwisyo.
Ang anak ni Johanna.
Si Taureil.
Kung pinatay ang sarili kong anak..
At kung kapatid n'ya ang sinasabing Eduardo.
Sino ang ama ng anak ni Johanna?
Y'on kaya ang bunga ng pangrarape sa kanya?
O may posibilidad na
Ako.
Anak ko ang batang iyon.
_________
BINABASA MO ANG
The Lust Suffer
RomanceThis is how they suffer. Piniling iwanan ni Johanna si Thorin-- Ang lalaking labis nitong mahal ng malaman nitong nagdadalang tao s'ya. Apat na taon ang lumipas ng muling magtagpo ang kanilang landas-- ngunit ang lalaking kaharap ni Johanna...
