Thorin's Pov
Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni Ian. Ang daming tanong na pumasok sa utak ko pero lahat ng iyon ay nanatiling tanong lamang. Nasa isip ko.
Tumayo ako mula sa kama at nilingon si Johanna sa tabi ko. Mahimbing pa rin ang tulog n'ya. Bakas sa mukha n'ya ang pagod. Bahagyang nakaawang ang kanyang labi, at kahit nakapikit ay makikita ang pamumugto ng kanyang mga mata.
Akmang lalakad na ako palayo ngunit, tila nanigas ang katawan ko, kaya muli akong nahiga at niyakap sya nang mahigpit mula sa likuran. Hinalikan ko ang balikat n'ya, at malaya kong hinaplos ang bawat marka na nasa kanyang likuran. Isa-isa kong dinampian ng halik ang mga iyon.
Kagabi nang makita ko s'ya sa ganoong sitwasyon ay tila sinuntok ako ng realisasyon. Kumudlit ang konsensya ko at tila ba sinampal ako ng isang malaking kasinungalingan. Lumukob sa buong pagkatao ko ang awa, at sa totoo lang bigla akong naguluhan. Naguluhan sa tunay kong nararamdaman. Hindi ko maipaliwanag ang lumatay na sakit. Y'ong pakiramdam na unti-unting lumambot ang bawat pader na ginawa mo sa pagitan n'yo. Y'ong yelong ilang taon kong inalagaan ay tila nalusaw nang makita ko ang nangyari kagabi.
Isa-isang nagbalik sa'kin ang lahat, kung saan at paano kami nagsimula. Kung ilang laban ang pinanalo namin para sa aming dalawa. Kung ilang tao ang bingga ko para sa kanya, at higit sa lahat, bumalik sa ala-ala ko kung paano n'ya ako minahal, at kung paano ko sinuklian ang pagmamahal na iyon.
Hindi ko na dapat maramdaman ang pagkalito, dahil noong una palang alam ko na sa sarili ko, na mahal ko ang asawa ko, pero bakit? Bakit may bahagi padin sakin na isinisigaw ang pangalan n'ya?
Tuluyan na akong napaupo at napasapo sa ulo ko. Ilang ulit kong hinagod ang sarili konv buhok at lumingon kay Johanna.
Her brother.
Muling tumaginting ang sinabi ni ni Ian sakin kagabi. Paanong nagkaroon ng kapatid si Johanna? Is he kidding me? Walang kapatid si Hanna. I know her family, at kahit minsan walang nabanggit ang magulang n'ya tungkol sa kapatid nito.
Umiling akong muli.
I need to know everything. Everything.
Pinal kong desisyon. Kahit anong mangyari, gusto kong malaman ang totoo. Gusto kong matahimik ang bawat himaymay na tanong sa utak ko. Hindi pwedeng magulo ang nararamdaman ko. Hindi pwede. Fuck! I'm married.
Dumiretso ako sa banyo para maligo. Habang nasa ilalim ako ng shower ay muling lumitaw sa balitawtaw ko ang eksena kagabi.
Johanna's pleading. Her tears. The way she shout my name. It's fucking hurts.
Marahas kong inilapat ang dalawang palad sa pader at mabigat na huminga.
Paulit-ulit kong tinanong kung nagkamali nga ba ako.
Mali nga ba ako?
Nang matapos akong maligo ay naabutan ko pa ring natutulog si Johanna. Gan'on pa'rin ang ayos n'ya. Napamaluktot at nakapatalikod sa akin. Gumayak na lamang ako at hindi na s'ya inabalang gisingin pa. Sisiguraduhin kong kapag bumalik ako ay alam ko na ang lahat. Sisiguraduhin kong malinaw.
Nang maiayos ko na ang dapat kong gawin ay bumaba na ako para umalis, ngunit nang nakababa na ako ay nakarinig ako ng tinig na nagpagising ng kuryosidad ko kaya tinungo ko ang kitchen at doon ko naabutan si Anne at iyong Joward na nag uusap. Parehas silang nakapatalikod sa may pinto kaya marahil hindi nila naramdaman ang presensya ko. Hindi ko alam, ngunit tumayo lamang ako dun at mataman silang pinakinggan.
"Pakiramdam ko, sinusumpong si Joan." Ani Anne.
Napakunot ang noo ko.
Sinusumpong?
BINABASA MO ANG
The Lust Suffer
RomanceThis is how they suffer. Piniling iwanan ni Johanna si Thorin-- Ang lalaking labis nitong mahal ng malaman nitong nagdadalang tao s'ya. Apat na taon ang lumipas ng muling magtagpo ang kanilang landas-- ngunit ang lalaking kaharap ni Johanna...
