JOHANNA
Ilang beses akong napangiwi at nagpigil nang hikbi habang nakatingin ako ng diretso kay Thorin na nasa harapan ko. Ilang beses akong napalunok, dahil parang nagbabara ang tanong na gustong kumawala sa bibig ko.
Ayokong maniwala kay Ian. Pero, gusto kong malaman ang katotohanan, galing mismo kay Thorin. Gusto kong malaman kung totoo iyon o hindi.
"Thorin." Muli kong pagtawag sa kanya. Umangat ang kamay ko at lumapat ito sa kanyang braso. Bumagsak ang tingin n'ya sa kamay ko. Nanatili itong nakapahinga doon. Hinayaan n'ya lang akong nakahawak sa kanya. Napakurap ako at hindi hinayaang bumagsak ang mga luha.
"M--May asawa kana ba?" Impit kong tanong. Pinipilit kong magpakatatag ngunit lahat nang iyon ay nabalewala nang mapalitan ang seryosong ekspresyon ni Thorin ng isang ngiti.
Dahan-dahang kumalas ang pagkakahawak ko sa braso ni Thorin. Dahan-dahan akong napahakbang at napasapo ng bibig. Nanginginig ang buong katawan ko habang unti-unti para akong kandila na nauupos dahil nasusunog ako unti-unti ng apoy. Halo-halong kaba at takot ang nararamdaman ko habang nakatingin ako sa nakangiti n'yang mga labi. Nakakabaliw iyon. Parang ilang sandali lang ay bibigay ako at lalagapak sa sahig. Parang ang pagkakangiti ni Thorin ang sumagot sa tanong ko. Wala mang salitang lumabas magmula doon ay sapat na ang kanyang ngiti para malaman ang totoo.
Napasandal ako sa nakalapat na pinto nang humakbang s'ya palapit sa akin. Nakangiti pa rin s'ya na parang nasisiyahan sa takot kong ekspresyon. Nakakatakot iyon, pero nangingibabaw ang sakit. Kahit siguro hindi ko hintayin ang sagot ay alam ko na base sa pagkakangiti ng kanyang mamula-mulang labi. Inilapat n'ya ang dalawang kamay sa pagitan ng ulo ko, habang nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ako makagalaw na tila itinuod lang sa kinatatayuan ko. Lumapit ang ulo n'ya, at idinampi ang kanyang malamig na labi sa aking noo.
"I am Married Johanna." nakangiti nitong sagot.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Na sa sobrang lamig ay pinahinto nito ang pagtibok ng aking puso. Na sa sobrang lamig nito ay tila namanhid ang katawan at utak ko. Na sa sobrang lamig ay para akong naubusan ng hininga.
Napapikit ako nang mariin kasabay ng pagtulo ng mga luha. Hindi ako makapaniwala na naloko ako. Nagago ako. Nasaktan ako. Nasasaktan na naman ako. Bakit nga ba hindi ko naisip na maari ngang may pamilya na si Thorin. Bakit nga ba hindi ko naisip na maaring ganti n'ya sa akin 'to. Hindi ko naisip ang mga iyon dahil akala ko-- akala ko na maari pa. Umaasa ako na p'wede pa. Na mayroon pa sa aming
Mali ako.
Natalo na naman ako sa laro nila. Pero ngayon, sa laro ng taong mahal ko. Sa taong sobra kong mahal.
Napahikbi ako dahil hindi ko kayang labanan ang sakit na nararamdaman ko. Alam kong tanga, kung ituring ang kagaya ko. Mahina. Talunan. Pero sino nga bang hindi naging tanga sa larangan ng pag ibig? Sinong hindi naging mahina n'ong nagmahal? At sino ang hindi natalo ng sumugal?
"Masakit ba?" nakakaloko nitong tanong. Kulang ang salitang masakit sa nararamdaman ko. Kulang ang pitong letrang iyon.
Naramdaman ko ang paglandas ng daliri n'ya sa pisngi ko.
"Mahina ka pa'din Johanna. Madali ka pa'ding lokohin. Konting pakitang tao lang sayo, bumibigay kana kaagad. Napakadali mong saktan." dahan-dahan iyong pumasok at sumira sa sistema ko.
"T--Tama na Thorin." nanghihina kong turan sa kanya. "T--Tama na. T--Tumigil kana. Parang awa mo na." Pakiusap sa kanya. Naramdaman ko ang unti-unting pagbagsak ng katawan ko sa sahig. Napaluhod ako. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko dahil hindi ko kayang makita ang Thorin na kaharap ko ngayon. Mas lalo akong masasaktan kung makikita ko ang mukha n'ya. Ang mukhang minahal ko. Iyong mukhang minamahal ko pa rin. Nanatili lang akong nakapikit habang umiiyak, nagbabakasakaling hindi totoo ang lahat ngunit, lahat nang iyon ay nawala nang marinig ko ang malakas n'yang pagtawa.
"Nagsisimula palang ako, pero umaayaw kana? How rude of you Johanna." nakakabaliw nitong wika. Hindi ko iyon pinansin nanatiling pikit ang dalawang mata ko.
"Open your eyes Johanna. Open your fucking eyes and look at me." mariin nitong saad. Naramdaman ko nalang ang pag ipit ng kanyang kamay sa pisngi ko at marahas na piniga at itiningala mula sa pagkakayuko.Napilitang akong magmulat ng mata, kahit nanlalabo iyon dala ng luhang walang humpay sa pagtulo. Sinalubong ko ang nag aapoy n'yang tingin, ngunit mas naiyak ako, dahil kalakip noon ang sobrang lungkot.
"Tingnan mong mabuti ang ginawa mo sa akin Johanna. Tingnan mong mabuti kung paano mong pinatay ang lalaking nagmahal sayo. " mariin nitong saad.
Gustong-Gusto kong hamplusin ang mukhang iyon kahit nasasaktan n'ya ako.
Habang tinitigan ko ang nag- aapoy n'yang ekspresyon ay lalo akong nasasaktan dahil tama ang sinabi n'ya. Kaharap ko ang labis kong sinaktan. Kaharap ko ang dating nagmahal sa akin. Ang taong minamahal ako ng labis.
Nasasaktan rin ako sa katotohanang, hindi na kami maari. Na hanggang pangarap ko nalang muli ang kaming dalawa. Marahas n'yang binitawan ang pisngi ko na tumama pa sa saradong pinto, ngunit hindi ko na iyon ininda.
Mas masakit ang emosyonal na sugat na s'yang tila nagnanaknak sa dibdib ko. Hindi man pisikal ang sakit na iyon, ay pinanghinaan pa rin ako.
"Hindi ka p'wedeng umayaw o iwan ako Johanna. Hawak ko ang anak mo, kaya kahit anong pa-awa mo, o kahit anong iyak ang gawin mo, hindi ka makakatakas sa akin." madiin nyang wika, bago alo tinalikuran at humakbang palayo.
Umupo s'ya sa dulo ng kama at tula tumingin sa kawalan.
Mas lalo akong nasaktan sa realidad na pareho kaming biktima ng pag ibig. Nang pagkakataon at maling panahon. Biktima kami ng sarili n'yang pamilya. Pareho kaming nasasaktan sa katotohanan. Nasasaktan ako dahil alam ko, na kapag sinabi ko sa kanya ang katotohanan, hindi lang ako at ang anak ko ang masisira, pati s'ya at ang pamilya n'ya.
Sobrang mahal ko s'ya sa tipong ang sakit sakit na.
"Kasal na ako, at mahal ko ang asawa ko Johanna. Mahal ko s'ya, higit sa pagmamahal na ibinigay ko sayo noon. Sobra sa sapat Johanna. At kaya ko sinasabi sayo 'to, hindi para lalo kang pasakitan. Gusto kong malaman mo ang dapat mong kalagyan. Akin ka Johanna, dito sa loob ng pamamahay ko. Sa ibabaw ng kama. Hindi ka hihindi. Hindi ka aayaw, dahil kung hindi ikaw mismo ang magtutuldok sa buhay ng anak mo."
Nanatili akong tahimik.
Naalala ko si Ian.
Tama s'ya.
Sasaktan lang ako ng taong sobra kong mahal.
Na kahit ipagsisikan ko ang sarili ko ay wala akong paglalagyan.
Basura lang ako. Isang parausan.
Lahat ng masasakit na salitang binitawan n'ya at tinanggap ko, kahit na nga unti-unti itong pumapatay at nagpapahinto sa pagtibok ng puso ko.
Para sa anak ko.
Kahit na nga ba sobra akong masaktan, na sa t'wing gagalawin n'ya ang katawan ko, maiisip kong isa akong kabit.
Para sa ikatatahimik ng sistema n'ya sa pagpatay ng sarili naming anak.
"G--Gagawin ko ang gusto mo.B--Basta, 'wag mo lang gagalawin ang anak ko. Parang awa mo na." pakiusap ko rito.
Narinig ko ang malakas nyang pagtawa, sabay sabing 'Nakakaawa.'
Tumayo s'ya mula sa kama at humakbang palapit sa'kin. Tumayo s'ya sa harapan ko habang inaalis ang suot ng pantalon.
"Let's sealed it. Give me a blow." nakangisi nitong saad. Habang ako?
Namanhid na yata ang buo kong katawan.
Sa sobrang sakit.
Na hanggang dito nalang.
___________________________
BINABASA MO ANG
The Lust Suffer
RomanceThis is how they suffer. Piniling iwanan ni Johanna si Thorin-- Ang lalaking labis nitong mahal ng malaman nitong nagdadalang tao s'ya. Apat na taon ang lumipas ng muling magtagpo ang kanilang landas-- ngunit ang lalaking kaharap ni Johanna...
