JOHANNA
Kasalukuyan.
Nanginginig akong napaatras lalo nang makita kong humakbang palapit sa akin si Ian. Hindi ko s'ya kayang harapin. Natatakot ako sa kanya. Galit ako sa kanya. Napopoot ako. Hindi ko kayang tumayo sa harap n'ya na parang walang nangyari, dahil kahit magkamukha sila ni Thorin ay alam na alam ko ang kanilang pagkakaiba. Unang tingin ko pa lang ay alam kong s'ya si Ian.
Napaatras ako lalo ngunit, ang sofa ang tanging naatrasan ko. Gumawa iyon ng munting ingay, ngunit mas lalo lamang akong natakot doon.
" 'W--Wag! " hiyaw ko sa kanya ng akma n'ya akong hahawakan. Napatigil sa ere ang braso n'ya, at nanghihinang napatingin sa akin na makikita ang awa sa buong mukha. Napapailing s'ya na parang hindi makapaniwala sa ikinikilos ko. Nanginginig ang kamay kong humawak sa sofa upang doon kumuha ng lakas. Pilit kong itintago ang pag-iyak, pero talagang sa twing maalala ko ang mukha ni Ian noong oras na iyon ay kumakawala lahat ng emosyon ko.
"Johanna." Tawag n'ya sa pangalan ko ngunit, lalo lamang iyong nagpadagdag sa poot na nararamdaman ko. Ayokong tinatawag n'ya ang pangalan ko. Mas lalo akong natatakot. Pumirmi ang braso nito sa gilid. Napakurap ito ng ilang beses bago bumasak ang tingin sa akin.
"B--Bakit Ian? " hikbi kong tanong sa kanya. Nagpatuloy ang pagluha ko kasabay ng pagbugso ng ibat-ibang emosyon na nakatago sa mahabang panahon. Sa kanyang harapan ngayon, gusto kong itanong at sabihin lahat ng hindi ko nasabi sa napakahabang panahon. Gusto kong manumbat.
"A--Akala ko, A--Akala ko kakampi kita. Pero bakit? " nanghihina kong saad. Unti na akong napaluhod sa kanyang harapan. Ang sakit-sakit paring makita ang taong sumira ng buhay ko. Sapo ang mukha ko habang walang tigil ang pag-iyak. Muling nabuksan ang sugat na nakatago sa puso ko sa mahabang panahon. Iyong sugat na kahit kailan ay tila ba hindi naghihilom. Sugat na dala-dala ko sa mahabang panahon. Sugat na kahit minsan ay hindi gumaling kahit anong gamot ang ipahid at ilagay ay mananatiling sugat parin na ayaw maghilom kahit kaunti.
"N--Nagmakaawa ako sayo, ngunit hindi ka nakinig." mahina ngunit punong-puno nang hinanakit nang bitawan ko ang salitang iyon. Ilang beses akong humikbi para maayos na makapagsalita. Unti-unti rin s'yang yumuko at hinawakan ang braso ko na s'yang dahilan kung bakit umigkas ang kamay ko at pinagpapalo s'ya. Wala akong pakialam kung saan man s'ya tamaan dahil kulang pa iyon sa sakit na nararamdaman ko. Kulang pa iyon. Kulang na kulang ang pisikal na sakit sa nararamdaman ko.
"Bakit Ian? Bakit? Bakit? Bakit?!" naghuhumiyaw kong tanong habang walang tigil akong nagwawala habang pinaghahampas ang katawan n'ya. Hindi s'ya umiiwas bagkus hinawakan n'ya lang ang kamay ko nang mahigpit, pero kahit hawak n'ya na ito ay hindi n'ya parin ako napigilan upang pisikal s'yang masaktan.
"B--Bakit mo ko pinatay Ian?" hikbing tanong ko sa kanya.
"Bakit?" Sigaw ko sa kanya. Unti-unti akong napahagulgol. Tanging ang paghikbi at iyak ko lamang ang pumuno sa silid na iyon. Ngunit, ang sinabi ni Ian ang lalong nagpakagalit sa akin.
"Mahal kita." nanghihinang tugon nito.
Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi nya
"Putang Ina! Pinatay mo ako. Pinatay mo ako Ian. Paulit-ulit mo akong pinatay sa paraan na parang hindi na ako mabubuhay pa. tapos sasabihin mong mahal mo ako? Ano pang kasinungalingan ang gusto mong sabihin sa akin." Hiyaw kong muli.
"Mahal kita." Ulit n'ya muli. "Mahal na mahal kita Hanna." pag susumamo ng tinig n'ya. Unti-unti akong tumigil sa pagwawala at walang emosyong tiningnan ang kanyang mga mata na nababahiran ng lungkot.
Mahal?
Paano n'yang nasasabi ang katagang iyon sa mismong harapan ko?
Paano n'yang naatim bitawan ang salitang iyon?
Paano?
Gustong kong malaman kung bakit? Bakit n'ya sinasabing mahal n'ya ako kung alam namin pareho ang kagaguhang ginawa n'ya. Paano n'yang nasasabi ang salitang mahal kita, kung ako mismo ang magpapatunay na hindi n'ya ako minahal. Sinaktan n'ya lang ako. Paulit-ulit n'yang ginawang emosyonal na sakit ang maramdaman ko.
Umiling-iling ako habang patuloy ang pagluha at pagsikip ng dibdib sa hindi maintindihang takot at galit.
"Mahal kita."
Napapikit ako ng muli nang rumihestro sa akin ang binitawan n'yang salita, at sa muling pagdilat ko sinalubong ko ang mga mata n'yang punong-puno ng pagsusumamo.
Ang lakas ng loob n'yang sabihing mahal nya ako.
Anong karapatan nyang sabihin ang katagang iyon.
Naramdaman ko ang mainit na haplos n'ya sa braso ko. Hinayaan kong manuot ang init na iyon. Hinayaan kong muling mabuksan ang sakit bago ko binatawan ang mga salitang gusto kong isampal sa kanyang mukha.
"Hindi mo ako mahal Ian." diretso at matapang kong wika. "Kahit kailan, hindi mo ako minahal." nakipagtitigan ako sa kanya. Umawang ang kanyang mga labi, ngunit walang tinig na lumabas doon, bagkus yumuko lamang s'ya.
"K--Kung mahal mo ako, H--Hindi mo ako sasaktan." muli akong pumikit, pilit iwinawaksi ang mga ala-alang kaytagal ko ng binalak talikuran, ngunit ngayon,.. Isa-isa itong nagsisibalik, isa-isang gumagawa ng ingay sa magkabilang tenga ko. Isa-Isang nagbibigay sakit sa buong katawan ko.
"Sinira mo ang buhay ko." Mahina ngunit buong pait kong binitawan. Napahikbi ako kasabay ng panginginig ng katawan. Muli kong naramdaman ang hagupit ng takot sa buong sistema ko. "I--Iniwan ko ang taong mahal ko, dahil hindi ko matanggap ang ginawa mo. Nandidiri ako sa sarili ko sa t'wing maalala ko ang kahayupan mo. Gusto kong paulit-ulit buhusan ng tubig ang buo kong katawan para malinisan ang bawat markang gawa mo, pero hindi Ian. " Umiling-iling ako habang nakayuko lang s'ya at mahigpit na hawak ang dalawang braso ko. "Hindi ko makalimutan. Hindi ko makalimutan ang araw na binaboy mo ako." Kumawala ang malakas na hikbi sa lalamunan ko alinsabay ng masakit na pag iyak. "P--Paulit-ulit mo akong binaboy Ian. Paulit-ulit mong itinaktak sa isip ko na hindi ako nababagay sa kapatid mo. Paulit+ulit mong ginawa 'yoon para pandirihan ko ang sarili ko." hinawakan ko ang braso n'ya at marahas itong inalis. Buong p'wersa ko s'yang itinulak para mapalayo sa akin. Hinayaan ko s'yang matumba alinsabay ng panginginig ko sa pagtayo na tila tinakasan ng lakas.
Ayoko ng marinig ang kahit na anong paliwanag n'ya. Ayoko nang maniwala sa kung anong sasabihin n'ya.
Isa lang ang alam ko.
Hindi s'ya maari sa buhay ko.
Akmang hahakbang ako palayo kasabay ng marahas kong pagpunas ng mga luha ay ang pagsasalita n'ya ng punong-puno ng pagsusumamo.
"Masama bang angkinin ang dapat sa akin Johanna?" puno ng lungkot ang mapapakinggan sa tinig na y'on.
Marahas akong lumingon at diretsong tumingin sa kanyang mga mata.
"W--Walang sayo Ian." halos kumabog ang dibdib ko sa malakas na pagkaba.
"Walang kahit na anong sayo." Diretso kong saad. Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang pagrehistro ng lungkot at pait doon, ngunit nabanaag ko rin ang galit sa kanyang mga mata.
"Nagkakamali ka Hanna. Akin ka. Kayo ni Taureil at Taurein. Akin kayo."
_________________________
Hello. May group page tayo makisali na at makisaya.
STOUTHEART STORIES sa Facebook.
BINABASA MO ANG
The Lust Suffer
RomanceThis is how they suffer. Piniling iwanan ni Johanna si Thorin-- Ang lalaking labis nitong mahal ng malaman nitong nagdadalang tao s'ya. Apat na taon ang lumipas ng muling magtagpo ang kanilang landas-- ngunit ang lalaking kaharap ni Johanna...
