IAN
Nasa harapan ko ngayon ang taong pumatay at nanakit kay Johanna. Nasa mismong bodega kami ngayon. Ang lugar kung saan nila ginawa ang karumal-dumal na ginawa nila sa babaeng mahal ko.
Nakaupo ako paharap sa kanila. Sa kaliwang bahagi ko ay may lamesita. Nakapatong roon ang mga pakete ng sigarilyo. Ang iba ay may sindi at nakapatong sa ashtray. May napatong din doong kutsilyo. Kung para saan? Para y'on sa tatlong lalaking, punong- puno ng dugo ang katawan ngayon, dala ng sobrang pagkabugbog ng mga tauhan ko.
Nakatali ang katawan ng mga ito sa bakal na naroroon at hinihintay ko na lamang magising.
Noong malaman ko ang nangyari kay Johanna at sa anak namin ay nagsimula ko silang ipahanap at tuntunin. Sad'ya lang madulas ang tatlong ito kaya nahirapan ang mga tauhan ko.
Dalawa sa kanila ang dumukot at nagpahirap kay Johanna. Ang ikatlo ay ang kasamang bumaril sa anak ko. Sa munting anghel ko.
Nalaman ko din na patay na talaga ang mismong nangrape kay Johanna ng hindi sinasadyang mabaril ito ng huli. Natuwa ako ng malaman iyon. Kung tutuusin kulang pa iyon. Kulang na makuha ko ang buhay nila.
Inabot ko ang sigarilyo at humihithit mula doon. Hindi ako takot pumatay. Handa akong pumatay para sa babaeng mahal ko.
Si Johanna.
Una ko s'yang nakita sa unang araw ng pasukan. Ibang pakiramdam agad ang naramdaman ko nang magtama ang paningin naming noong araw na iyon. Ibang klase ang ginawang pag-pitik ng dibdib ko sa unang silay sa kanyang mukha. Iyon yata ang tinatawag na Love at first sight. Na hindi ko pinaniniwalaan.
Noong panahong iyon ay Girlfriend ko si Alyiana na nag-aaral sa Wesbern University, kaya naman nand'on ako nang umagang iyon para ihatid s'ya. Ngunit, iyon ang naging dahilan para mahulog ako sa iba. Kay Johanna, na sa unang sulyap ay hindi ko na nakalimutan.
Magkaiba ang pinapasukan namin ni Thorin dahil iniiwasan kong pagkumparahin kaming dalawa na madalas na mangyari kapag nasa isang lugar kami. Ayoko ng gan'on. Gusto kong magkaroon ng sariling pagkakakilanlan. Gusto kong makikilala bilang ako. Bilang IAN.
Naging madalas ang pagpunta ko noon sa sa eskwelahan para lang pagmasdan s'ya mula sa malayo. Nakakatawang isipin na sa unang pagkakataon, nabahag ang lahat ng tapang ko pagdating sa babae dahil kay Johanna. Natakot akong lapitan s'ya, lalo pa at naging madalas ang pagsasama nila ni Thorin. Ang kapatid ko.
Totoo palang maari kang magmahal mula sa malayo. Iyong tinatanaw mo lang s'ya. Iyong naririnig mo lang 'yong tawa n'ya. 'Yong kakaunting oras na masulyapan ay tama na sa akin.
Hanggang isang umaga. Naabutan ko s'yang sinasaktan ng mga kaklase n'ya. Nahuli ako ng dating. Binigyan ko s'ya ng panyo, kahit gusto ko s'yang yakapin at patahanin ay pinilit kong humakbang palayo, at hindi binigyang pagkakataong masilayan n'ya ang aking mukha.
Hanggang malaman kong sila na ng kapatid ko. Nasaktan ako, dahil hinayaan ko lang na maging sila.
Natalo ako ng hindi lumalaban.
Nang magkita kami sa mansyon namin ay kitang-kita ko sa mata n'ya ang gulat. Lihim akong napangiti at gusto ko sanang sabihin.
I'm that man Babe.
Naging ilag s'ya sakin at palagi ko naman s'yang sinusungitan. Kung mapapalapit ako sa kanya ay lalong gugulo ang sitwasyon. Mahal n'ya ang kapatid ko. Mahal s'ya ng kapatid ko, at nagparaya ako sa kanilang dalawa.
Hindi lingid sa akin ang pag-ayaw ng ama namin kay Johanna. Ilang beses nilang pinagtalunan ni Thorin iyon, habang ako ay tahimik lang na binabantayan ang kilos ni Johanna, sa t'wing aalis si Thorin. Mula sa malayo ay lagi akong nakabantay sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Lust Suffer
RomanceThis is how they suffer. Piniling iwanan ni Johanna si Thorin-- Ang lalaking labis nitong mahal ng malaman nitong nagdadalang tao s'ya. Apat na taon ang lumipas ng muling magtagpo ang kanilang landas-- ngunit ang lalaking kaharap ni Johanna...
