Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

IKA-LIMANG YUGTO:

86.9K 1.8K 179
                                        

WARNING: PRIVATE CHAPTER.

(PARA PO MALIWANAG. ITO PO 'YONG NANGYARI NOONG UMALIS SI JOHANNA SA CONDO NI THORIN. YONG NASA PROLOGUE)

"W--Wag! Tama na po. Tama na.. Taman naaaaaaaa!" kahit anong gawing piglas at paghiyaw ko ay hindi natinag ang tatlong lalaki na nakahawak sa akin. Nakapadapa ako sa sahig, wala akong saplot. Ang isang lalaking maitim na matangkad ay hawak ang dalawang paa ko habang ang matabang lalaki naman ay hawak ng mahigpit ang dalawang kamay ko sa ibabaw ng ulo ko. Habang ang isang lalaki na may malaking katawan ay humuhithit ng sigarilyo at..

"Ahhhhhhhhhhhh!" muli akong impit na humiyaw ng tumama ang may sinding sigarilyo sa likuran ko. Diniinan n'ya pa iyon, kaya ramdam na ramdam ko ang hapdi at sakit. Halos panawan na ako ng ulirat ng paulit-ulit nilang ginagawa iyon sa akin. Napakasakit. Kahit ilang beses akong magmaakawa ay tila bingi sila sa pakiusap ko.

Tanging tawa nila ang pumuno sa bodegang iyon na hindi ko alam kung saan. Hinang-hina ang katawan ko. Ni hindi ko kayang ibangon ang sarili ko mula sa pagkakadapa. Impit akong umiyak at nanalangin na sana makaya namin ng anak ko ang hunos na pinagdadaanan namin ngayon.

"Iayos mo yan bata!" hiyaw ng lalaking may malaking katawan. Mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong tumayo ang isa pang payat na lalaki. Bantulot itong lumapit sa'kin, kaya kinabahan ako, at lalong lumakas ang pag- iyak.

"Wa--Wag po. Wa--Wag po. Uuwi na po ako. Tama na po." impit kong pakiusap rito.

Napabuntong hininga ang lalaki, bago umupo sa tabi ko. Unti-unti n'ya akong iniangat at binuhat, hindi alintana ang kahubdan ko.

"Hindi kita sasaktan." Marahan nitong sagot bago ako inilapag sa may papag. Patalikod n'ya akong inihiga, paharap sa maduming dingding.

Dala marahil ng pagod at sakit ay hindi na ako kumibo. Nanatili akong nakahiga patagilid, dahil ramdam mo pa ang mainit at makirot na sugat sa likod. Ginawa nila akong ashtray.

Maya-maya, naramdaman ko ang paglapat ng malamig na bagay sa likod ko, kaya napapiksi ako ng maramdaman ko ang pagkirot. Lalo akong napaiyak.

"Tatagan mo ang loob mo." madiin nitong saad, habang patuloy nitong pinupunasan ang mga paso ng sigarilyo.

Pumikit ako ng mariin. Kanina lang ay nagpaalam ako kay Thorin na iiwanan s'ya. Kanina lang sinabi kong hindi ko na s'ya mahal. Kanina lang ay kitang-kita ko pa ang pagbalatay ng sakit sa kanyang mukha at pagmamakaawang w'ag ko s'yang iwan. Pero heto ako ngayon, ang emosyonal na sakit na pinadama ko kay Thorin ay pisikal kong nararamdaman ngayon.

Hindi ko kilala ang mga taong dumukot sa akin. Nang lumabas ako sa condo ni Thorin ng gabing iyon ay bigla nalang may nagtakip ng ilong ko na may halong nakakahilong amoy, kaya't bago pa ako nakahingi ng tulong ay nawalan ako ng malay.

Nagising lang ako sa paso ng sigarilyo sa may likuran ko, at 'yon, nagtuloy-tuloy na sila.

"Pa--Pauwiin n'yo na po ako. Tu-Tulungan mo ako. Bu--Buntis ako." tuluyan na akong napahagulgol nang maalala kong may buhay na pumipintig sa sinapupunan ko. Iyong buhay na kahit isang pagkakamali kaya nabuo ay hinding-hindi ko pag sisihan. Hindi ko pinagsisihan.

Lumipas ang hindi ko mabilang na araw. Ganoon parin ang scenario. Hindi man nila ako binubugbog, sinasaktan nila ako ng pisikal. Hindi lang paso ng sigarilyo ang natamo ko pati talim ng kutsilyo. Inukitan pa nila ang likod para hindi ko malimutan ang impyernong kinalagyan ko.

Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan ni Thorin, nagbabakasakaling marinig n'ya ako, nagbabakasakaling maligtas n'ya ako sa mga demonyong may hawak sa'kin, ngunit wala. Walang Thorin na nag-ahon sana sa akin sa putikan.

The Lust SufferMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon