Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

IKA DALAWAMPUT PITONG KABANATA:

95.3K 1.7K 92
                                        

JOHANNA

The truth behind those secrets..

"Buntis ako." Iyan ang balitang sumalubong sa akin dalawang araw matapos umalis ni Thorin patungong America. Nakatitig lang ako sa pregnancy test kit na hawak ko ngayon na may dalawang pulang guhit sa gitna. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako na natatakot sa mga posibleng dahilan.

Masaya, dahil binigyan kami ni Lord ng isang blessing na s'yang ipagpapasalamat namin habang buhay. Biniyayaan n'ya na kami ng isang supling na magbubuklod sa amin bilang isang pamilya.

Natatakot, sa kadahilanang hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng ama ni Thorin kapag nalaman n'ya ang kalagayan ko.

Alam ko naman, noong una pa lamang ay labis na ang pag ayaw sa'kin ng kanyang pamilya dahil, isa lamang akong mahirap. Tama, tutol na tutol ang pamilya ni Thorin sa akin dahil hindi ako nababagay sa mundo kung ang galaw nila ay kakaiba sa mundong ginagalawan ko.

Ayaw nila sa akin dahil magiging hadlang raw ako sa mga pangarap ng kanyang anak. Pero mahal ako ni Thorin kaya, kahit tutol na tutol ang kanyang pamilya samin ay parehas kaming lumaban. Ipinakita ko sa kanila na kahit ganito ang buhay na ginagalawan ko, kaya kong iangat ang aking sarili, hindi dahil gusto kong mapasama sa kanilang angkan, kundi gusto kong patunayan, na hindi pera ang habol ko sa kanilang pamilya, at upang patunayan na mahal ko ang kanilang anak.

Ngunit magmula noon, napansin kong imbes na si Ian ang ipadala sa ibang bansa para ayusin ang ilang businesses ng Dela Fuente dahil mas gamay ng kakambal ni Thorin ang mga iyon, ay mismong s'ya ang ipinapadala ng kanyang ama doon.

Halos mawalan na ng oras ang pagsasama namin noon, dahil puro, Thorin, Thorin, Thorin ang bukam-bibig ng tatay n'ya. Idagdag pa ang pressure naming dalawa sa pag-aaral kaya kung minsan hindi naming maiwasang hindi mag away na nauuwi lagi sa pag-iyak naming dalawa, ngunit kahit gan'on ay hindi ko sinukuan ang relasyon namin.

Niyakap ko ang pregnancy test kasabay ng pagtulo ng luha ko. Hindi ko alam kung dahil ito sa pag lilihi, o kung namimiss ko ba si Thorin o kung ewan ko ba. Basta ang alam ko gusto kong umiyak.

Noong nakaraang linggo pa akong may hinalang buntis ako, pero hindi ko na sinabi kay Thorin ang bagay na iyon, gusto ko kasi s'yang isurprise pag-uwi n'ya galing America, isa pa ayokong hindi s'ya matuloy, nagbabakasakali kasi akong baka 'yon na ang way para tuluyang matanggap ako ng pamilya n'ya.

Dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko ng gabing iyon ay umiiyak akong tinawagan si Rhys, sila kasi ni Andrei ang nagsilbing bodyguard ko sa tuwing aalis si Thorin papuntang ibang bansa. Sila ang nakakasama ko sa eskwelahan, hanggang sa condo kung saan ako tumira. Nang mamatay sa isang aksidente sila mama at paa, isang taon na ang nakakaraan.

"R--Rhys." Hikbi kong wika rito nang sagutin n'ya ang tawag ko.

Ramdam ko ang pag-aalala sa tinig nya, kaya bago ko pa masabi ang gusto kong sabihin naunahan n'ya na akong

"Papunta na kami d'yan." 'yon lang at binabaan n'ya na ako ng tawag.

Imbes na matuwa ay lalo akong naiyak. "Damn hormones." banggit ko, kaya naabutan ako nila Rhys sa ganoon sitwasyon. Abot-abot ang pag-aalala nilang dalawa kaya naman doon na sila nagpalipas ng gabi. Laking tuwa naman nila nang sabihin kong buntis ako, napayakap pa nga si Rhya sa akin n'on na para bang s'ya ang tatay habang pinagtatawanan s'ya ni Andrei.

Kinabukasan, silang dalawa pa silang sumama sa akin na magpacheck uo at doon namin nalaman na six weeks na ang nasa sinapupunan ko, 'yon nga lang kailangan kong magdoble ingat dahil maselan at mahina ang kapit ng bata kaya naman halos hindi na umaalis ang dalawa sa tabi ko n'ong panahong kailangan ko ng karamay.

The Lust SufferMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon