Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

IKA-SAMPUNG YUGTO:

87.5K 1.7K 329
                                        

Johanna's Pov

Nakakasuka pala ang paulit-ulit na masaktan. Nakakaliyo ang paulit-ulit na iyakan. Nakakamatay ang bawat hagupit ng katotohan, at higit sa lahat nakakapagod makinig sa paulit- ulit na paghingi ng tawad.

Nakakasawa ang ganitong senaryo kung saan nakikita ko na naman s'yang nasasaktan dahil sa akin. Nakaluhod na tila bata na naagawan ng candy at muling nanghihingi ng isa pa. Parang nawalang bata at walang mapuntahan kaya sakin s'ya nakayakap. Napabuntong hininga ako kasabay ng pagyukod para pumantay sa kanya. Ginagap ko rin ang kanyang mukha na puno ngayon ng luha.

Naamoy ko rin ang alak sa kanyang hininga. Ngayon ko rin napagmasdan ang pangingitim ng ilalim ng mata nito. Tumubo na rin ang bigote at balbas nitong hindi naman nakabawas sa kanyang kag'wapuhan bagkus nakadagdag lang iyong ng panlalaking dating ni Thorin.

Naguluhan akong bigla sa ikinilos at pagluhod n'ya. Parang mayroon sa aking sumuntok ng napakasakit na diretsong tumama sa dibdib ko. May kung anong bahagi sa sistema ko ang gustong aluhin ang pag-iyak n'ya. Hindi awa ang nararamdaman ko, kung hindi pagmamahal, at ayokong nakikitang nasasaktan s'ya dahil sa akin. Hindi dapat.

Agad n'yang ginagap ang kamay ko at hinila bigla. Sumubsob s'ya sa dibdib ko at doon patuloy na umiyak. Ramdam ko ang sakit sa bawat hikbi at hagulgol n'ya. Hindi ko maiwasang maluha. Napalitan na awa ang nararamdaman ko. Naawa ako sa kalagayan n'ya na hindi ko alam kung bakit.

"I'm sorry baby. Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung iniwan kita. Sorry kung sumuko ako bigla. God! I'm sorry!" humigpit ang yakap n'ya sa'kin. Paulit-ulit lang syang humingi ng tawad. Hindi ako kumibo. Hindi dahil sa nagmamatigas ako. Sa totoo lang, anumang oras ay maari akong bumigay.

Mahal ko pa rin si Thorin. Ang pagmamahal ko sa kanya ay hindi na kailanman magbabago. Naging bahagi s'ya ng buhay ko. Pero ang sa amin ay matagal ng tapos. Sarado na ang panahon para sa aming dalawa. Mayroon ng nagmamay-ari sa kanya ngayon at hindi ako y'on.

Isang realisasyon rin ang tuluyang nagmulat sa'kin. Kailangan ko na s'yang palayain dahil y'on ang tama. Y'on ang makakabuti para sa'kin. Sa anak ko. At sa pamilya n'ya.

"T--Thorin" marahan kong tawag sa kanya.

Umiling-iling s'ya. "Don't. Just don't. I won't let go baby. Ayoko." matigas n'yang turan. Napabuntong hininga ako at sinuklian ang mahigpit n'yang yakap hanggang kumalma s'ya.

Nang mahimasmasan ay inakay ko s'ya paakyat sa taas. Doon sa k'warto n'ya. Wala s'yang imik na nakasunod lang sa'kin. Hawak n'ya ang kamay ko. Ramdam ko doon ang panginginig at panlalamig.

Nang makarating kami sa k'warto n'ya ay hinatak n'ya ako. Pinaupo n'ya ako sa kama. Muli s'yang lumuhod sa harap ko. Isinubsob n'ya ang kanyang mukha sa mga hita ko at muli na namang umiyak.

"I-- I knew everything. Si--Sinabi nila Rhys ang totoo. God! I hate my father, baby." tuloy-tuloy na saad nito. Humigpit rin ang yakap n'ya sa bewang ko. "Ang tanga ko." puno ng sakit na turan n'ya. Ang sasabihin ko sana sa kanya ay nabitin lang sa ere. Damang-dama ko ang pinong kirot sa binitawan n'yang salita kasabay ng impit na hikbi nito.

Ngayon ko lang nakitang ganito si Thorin. Ngayon ko lang s'ya nakitang tila nagsusumamo na pakinggan ko ang lahat ng hinanakit n'ya.

"I believed them and I'm sorry. Masakit pala. Ang sakit palang malaman ang totoo. Ang sakit pala ng katotohanan. Na habang sinasaktan kita, hindi ko naisip ang lahat ng napagdaanan mo noon. Ang dali kitang sinuko. Ang dali kitang nabitawan ng hindi ko inalam ang totoo. I was so mad at that time. Akala ko niloko mo ako. Akala ko iniwan mo talaga ako. Akala ko pinatay mo ang anak natin. Ang dami kong akala, pero hindi pala totoo 'yon. Patawarin mo ako. Patawad." Tuloy-tuloy nitong paliwanag. Nakikinig lang ako at pilit na hindi tinatanggap ang sakit, pero hindi. Masakit talaga.

Tila namanhid ang buong pakiramdam ko. Tuloy-tuloy ang paghingi n'ya ng tawad, ngunit nabingi ako sa lakas ng pagkalabog ng dibdib ko.

Alam n'ya na ang totoo.

Sigaw ng utak ko. Iyon ba ang dahilan kung bakit ang tagal n'yang bumalik?

Hinanap at natagpuan n'ya na ang totoo?

Nanginginig ang kamay kong hinaplos ang braso n'ya na ngayon ay patuloy parin hawak ang mga kamay ko. Patuloy rin ang pag-alpas ng luha ko. Patuloy pa rin ang kanyang pag-iyak.

"T--Thorin." nanginginig kong tawag sa kanya. Ayoko ng tinutungo ng pag uusap namin. May laman ang binibitawan n'yang salita.

"I can love you better now baby. I'll change. I'll fight for us now, just don't let go. H'wag mo akong bitawan." nagsusumamo n'yang wika.

"Pero Tho-" naputol ang gusto ko sanang sabihin nang umangat ang ulo n'ya at ipinatong ang noo n'ya sa noo ko.

"Di--Diba... Diba mahal mo pa rin ako. Diba? Mahal mo pa rin ako. Please Johanna. 'Wag mo akong iwan. Nagsisi naman na ako. Kung-- kung gusto mo hindi ko na itutuloy ang kasal. Iiwan ko s'ya. Please.... Sobrang mahal kita. Mahal pa rin kita." kitang- kita ko ang bumalatay na sakit at pagsusumamo sa bawat katagang binibitawan n'ya. Nararamdaman ko rin ang kamay n'yang nanginginig na nakahawak sa magkabilang pisngi ko.

Napapikit ako ng mariin. Ito na to.

"M--Mahal pa rin kita Thorin. Kaya nga naghintay ako hanggang sa mapatawad mo ako diba? Tinanggap ko lahat. Pero hindi na tayo p'wede. May sarili ka ng buhay. May sarili ka ng pamilya kaya...." Naputol ang sasabihin ko dahil parang hindi ko kayang sabihin, habang nakatingin sa mata n'ya na puno ng pasusumamo, pero ito ang tama. Ito ang makakabuti sa kanya.

Tama ng ako lang ang nasaktan. Ayoko ng may madamay pang iba.

"Palalayain na kita Thorin.." parehas kaming humagulgol ng iyak. Mas masakit pala ang magparaya lalo pa't sobrang mahal mo ang isang tao.

Humugot s'ya nang malalim na paghinga kasabay ng pag hikbi.

"Iiwan mo na naman ako." mapait na turan nito na lalong nagpasikip sa dibdib ko. Niyakap ko s'ya nang sobrang higpit. Sobrang higpit na ayoko nang bumitaw.

Mga hikbi ang pumuno sa k'wartong iyon. Nanatili kami sa ganoong posisyon. Walang nagsasalita. Hanggang bitawan ko ang kamay n'ya. Kumalas ako sa yakap namin.

Walang lingong likod nang tahakin ko ang pintuan palabas. Wala akong narinig magmula sa kanya.

Nanghihina pa'rin akong humakbang palabas.

Hanggang dito nalang talaga kami.

Tinatahak ko ang hagdan pababa. Malabo ang paningin ko dahil sa luha. Alam kong mugto na ang mata ko kakaiyak. Parang 'di na yata matatapos.

Nang maabot ko ang dulo ay saktong bumukas ang pinto sa sala.

Nanigas ako mula sa kinatatayuan ko nang mula sa pintuan ay iniluwa noon ang isang napakagandang babae.

Halatang-halata ang umbok nitong t'yan. May maaliwalas na ngiti sa kanyang mukha.

Iyong mukhang iyon.

Sa gilid noon ay nandoon si Andrei. Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mukha.

"Where's Thorin?" sambit n'ong babae na tila naguguluhan. Tumingin s'ya sa akin at bigla na lamang ulit tumawa.

"I'm Liana. His wife."

Isang salita lang ang namutawi sa labi ko.

"Grace."

Kilala ko sya. Kilalang-kilala ko ang babaeng iyon dahil s'ya ang kaibigan ko.

Si Grace.

__________________________

S T O U T H E A R T

The Lust SufferMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon