UNA

1.7K 32 7
                                    

Carina's POV

Tumugtog ang musika hudyat na maglalakad na si Mama napakaganda niya sa suot niyang Wedding gown. Isa ako sa mga abay sa Kasal nila ni Tito Apollo habang kapareha ko naman si Tito Argus ang Bunsong Kapatid ni Tito Apollo na tingin ko ay pinaglihi sa sama ng loob.

Agad akong humawak sa braso nito ng kami na ang maglalakad kaso nag-alangan ako ng sulyapan ako ni Tito Argus salubong ang mga kilay nito kaya sa manggas na lang ng suot niyang Tuxedo ako kumapit. Parang ang bagal ng bawat hakbang namin.

"Kahit pa Kasal na si Kuya sa malandi mong Ina wala pa rin kayong makukuha sa mga ari-arian namin tandaan mo yan." bulong ni Tito Argus habang nagmamartya kami papuntang Altar.

Hindi ko ito sinagot sa halip ay pinilit ko na lamang ngumiti isa pa ayokong masira ang Araw ni Mama kapag nagalit na naman sa akin si Tito Argus na halos araw araw akong binubulyawan sa Bahay.

Tahimik naming narating ang dulo ng nilalakaran namin papuntang Altar saka ako humiwalay sa kanya para magtungo sa upuan na nakalaan sa mga Babaeng Abay habang si Tito Argus naman ay ay nagtungo sa upuan na nakalaan para sa mga Lalakeng Abay. Napigil ko ang hininga ko ng magtama ang mga mata namin ni Tito Argus parang nagbabadya na naman siya lage siyang ganon kung makatingin kapag sinusumpong siya ng init ng ulo niya. Nag-iwas ako ng tingin saka ako huminga ng malalim bakit naman siya magagalit sa akin? Kahit kailan topak talaga siya.

Bumaling ako sa likod ko ng si Mama na ang sunod na maglalakad, simple lang si Mama sa suot niyang gown pero likas sa kanya ang pagiging maganda kaya nagtataka ako kung bakit pa siya ipinagpalit ni Papa sa iba.

Simula ng lumuwas ng Maynila si Papa hindi na ito bumalik pa nabalitaan na lang namin na ikinasal na ito sa ibang Babae nakita ko kung paano gumuho ang Mundo ni Mama at kung paano ito naghirap para lang maitaguyod akong mag-isa kahit pa binabastos siya ng mga tao wala lang sa kanya dahil ang mahalaga wala daw siyang tinatapakang tao, tanda ko pa na lagi akong pinagkakatuwaan ng mga Kaklase ko dahil sa trabaho ni Mama, alam kong nagbenta ng Aliw si Mama pero hindi ko siya masisisi kahit minsan hindi ko siya ikinahiya alam kong ako ang dahilan kung bakit lahat kinakaya niya.

Kumaway sa akin si Mama nang malapit na siya sa Altar kaya sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko sa wakas hindi na siya mamaliitin pa ng mga taong nakapalibot sa kanya dahil hindi na siya Kabet o Bayaran dahil ngayong araw lehitimong may Bahay na siya ni Tito Apollo. Isa sa mga Costumer ni Mama si Tito Apollo kaya alam kong aalagaan niya si Mama. Mabait si Tito Apollo kabaliktaran siya ni Tito Argus na laging galit na kulang na lang ay manapak ng tao.

Tumapat na si Mama sa kinatatayuan ni Tito Apollo nakita ko ang tuwa sa mga mata ni Tito, sana makahanap din ako ng Lalakeng matatanggap ako kung sino ako at kung saan ako nagmula.

Kinuha na ni Tito Apollo ang kamay ni Mama saka sila sabay na humakbang patungong Altar. Nagsimula ng magsermon ang Pari. Sige ang iyak ko habang nakikinig kaya minabuti ko na lamang ang lumabas muna saglit ng Simbahan para makalanghap man lang ng sariwang hangin. Darating ang Araw na magkakaroon nang sariling Pamilya sina Mama at Tito Apollo habang ako eto maiiwan akong mag-isa.

Napasandal ako sa kongkretong halige ng Simbahan na nakaharap sa malaking Hardin. Lumanghap ako ng sariwang hangin saka ko iyon ibinuga naputol ang pagbuga ko ng biglang may nagsalita.

"Anong drama na naman 'to, Carina?". yamot na tanong nito.

"Tito Argus?" gulat kong sambit. Nakahalukipkip ito habang nakatayo at titig na titig sa akin.

Tumaas ang isang kilay nito. "Bakit may inaasahan ka pa bang iba?" ngumisi ito ng nakakainsulto. "Wag mong sabihing sinusundan mo na ang yapak ng magaling mong Ina. Bakit may nakilala ka nang bang target mo na mayamang Lalake gaya ng ginawa ng Mama mo sa Kuya ko!"

Napaatras ako sa lakas ng boses nito nilingon ko ang paligid namin baka may tao sa paligid nakakahiya naman kung dito pa niya ako bubulyawan. Nagpahid na ako ng mga luha ko saka ako tumalikod nang biglang kabigin ni Tito Argus ang kanang braso ko dahilan para mapaharap ako sa kanya at masubsob sa matigas nitong dibdib ang mukha ko.

"Subukan mo lang maglandi at sinisigurado kong malalagot ka sa akin." diniin pa nito ang pagkakakapit sa braso ko. "Nakuha mo ba ang sinabi ko Carina!" nagtatangis pa ang mga bagang nito.

Aligaga akong tumango-tango sa takot ko marahas kong binawi ang braso ko mula sa mala-bakal nitong kamay kaso kahit anong gawin ko hindi ako makawala man lang.

Bahagyang tumawa si Tito Argus saka yumuko na halos gapulgada na lang ang layo ng mukha nito sa mukha ko. "Madaming mga Lalake dito na naghahanap ng mga P*ta kaya bilang Tito mo nag-aalala lang ako kasi baka ma-i-take home ka nila nakakahiya naman diba dahil maya-maya lang eh Montreal na ang Mama mo. Kaya umayos ka sa mga kilos mo. Gets." gigil na gigil nitong paalala sa akin.

Muling tumulo ang mga luha ko. "H-hindi naman po ako gaya ng iniisip nyo Tito Argus, oo ginawa nga yon ni Mama pero may dahilan po siya. S-saka bakit po ba galit na galit kayo sa akin hindi ko naman po kayo ina-ano ah. Bitiwan niyo na po ako nasasaktan na po ako eh!"

Lalong dumilim ang mukha ni Tito Argus kitang kita ko ang paggalaw ng mga pangga nito bago ako pakawalan.
Nagmamadali akong naglakad palayo sa kanya saka ako muling pumasok sa loob ng Simbahan pero hindi na ako bumalik sa puwesto ko sa unahan ng Altar. Umupo na lamang ako sa dulong bahagi ng Simbahan konte lang naman ang mga tao dahil pribadong Kasalanan ito kaya walang pwedeng makiusyoso lang ng basta basta mga malalapit ng Kaibigan lang nila Tito Apollo ang bisita.

"Pwedeng umupo?"

Nilingon ko ito. Nakatayo ito sa bandang gilid ko sa pagkakatantsya ko parang ka-edaran siya ni Tito Argus. Umurong naman ako para maka-upo ito sa tabi ko kahit na ang dami namang bakanteng pwedeng maupuan. Muli kong itinuon ang pansin ko kina Mama at Tito Apollo malapit na palang matapos ang Kasal sakto dahil gutom na din ako.

"Glenn nga pala. Ikaw?" muling tanong ng Lalake kaya nilingon ko uli ito na sana hindi ko na lang ginawa dahil nasa gilid lang ng kina-uupuan ko si Tito Argus at salubong na naman ang kilay nito. Ano bang problema niya?

Hindi ako sumagot. Tumayo na lamang ako saka ako naghanap ng ibang mauupuan baka totohanin ni Tito Argus yung banta niya kanina. Buti naman at hindi sumunod yung Lalake.

Nagpalakpakan ang lahat ng maisuot na nila Mama at Tito Apollo ang sing-sing saka sila nag-kiss. Sunod-sunod din ang palakpak ko hindi na maduming Babae ang tingin nila sa Mama ko mula ngayon kaya talagang Masaya ako para sa kanya.

----------------------------------------

Salamat po sa Suporta 😊

Captiva Decus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon