Estudyante Problems: Temptations
By Eyuuhx
"Ayusin mo ang pag-aaral mo, Anak. Iyan lang ang mapapamana naming ng tatay mo." Madalas nating madinig iyan sa ating nanay. Lagi niyang sasabihin na ang edukasyon lamang ang pamanang maari nilang ibigay ni tatay. Isang pamana na walang katumbas na kahit ano.
Ang edukasyon ay isang biyaya para sa atin. Ang pagpasok ng eskuwela ay isang karangalan na dapat nating alagaan. Ang pagiging edukado ay isang malaking parte ng ating mga buhay. Ang edukasyon ay biyayang ibinigay ng Diyos at ng ating mga magulang. Huwag nating hayaang mawala ito na parang bula dahil lang sa mga tukso sa ating paligid.
Ano nga ba ang tukso? Ito ba ang mga bagay na gumagambala sa ating pag-aaral? O 'di kaya'y ang nararamdaman natin kung may nais talaga tayong makamit na isang bagay? Is this something you love so much and you can't even wait to touch it? Or you can't stop doing something? Oo, 'yan ay tukso. Temptation is the biggest enemy of your life; it might tear us apart without even realizing it. How will we avoid the enemy? How will we kill it?
Ayon sa mga obserbasyon, may limang (5) tuksong nararanasan nating mga kabataan sa kapanahunan ngayon. Karamihan sa mga ito ay elementarya pa lamang ay damang-dama na natin. Gaya na lamang ng paglalaro nang walang humpay hanggang magmukha tayong dugyot. Kahit na pinipigilan na tayo ni nanay at sinasabihan na tapusin na ating homeworks.
Magsimula tayo sa naunang tukso sa ating listahan na halos lahat yata sa atin ay imposibleng hindi ito maranasan-love life & peers.
Sabi nila pag-inlove ka, iba iyong pakiramdam. Wala ka raw pakialam sa nangyayari sa mundo mo. Totoo 'yon, sa sobrang in love natin ay nakakalimuan na nating gumawa ng homeworks, o 'di kaya'y project, lalong lalo na ang mag-review. Ngunit may iba namang estudyanteng ginagamit ang pag-ibig bilang inspirasyon, wala ngang masama ro'n 'wag lang sanang gawing sentro ng buhay nila ang mga nobyo o nobya nila.
At ang mga kaibigan nating mahal na mahal natin na akala natin ay ginto na sila. Takot tayong mapalayo sa kanila. Takot na ma-out of place hanggang umaabot sa puntong gagawin natin lahat ng ginagawa nila. Akala natin ay tama na iyong ginagawa natin kasama sila, pero napasama na pala tayo.
Pangalawa-Internet.
As we enter the 20th Century, we also entered the world of new technology or modern technology. Nandiyan ang mga larong DOTA, The Sims, GTA San Andreas, at kung ano pa.
Pangatlo- pocketbooks/fictional books/Wattpad.
Kung may DOTA ang karamihan sa lalaki, mayro'n namang libro ang karamihan sa ating kabataang babae. Mahilig magpantasya ang mga babae-we thought everything written on a book was true enough and it may happen in reality; we fell in love with every word written on it and later on, we'll break up with our school works.
Pang-apat -celebrity.
Mapa-lokal man o International. Nowadays, ang pagkakaroon ng idols ay isang malaking parte ng pagbibinata at pagdadalaga. Babae man, lalaki, o di kaya pa-Girl at pa-Boy, we all have our own idols. Ginagawa natin ang lahat para masuportahan natin sila. Dadating 'yong puntong hindi ka kakain para lang makapag-ipon o 'di kaya'y liliban sa klase para lang makita sila. Well, ika nga nila, mahalin mo muna ang sarili bago ang iba.
Pang-huli-hobbies.
Sa sobrang pagkahumaling natin sa hobbies ay minsan masyado natin itong napagtutuunan ng pansin. Halos buong atensyon natin ay nakalaan dito. Yes, it helps us but we it won't give us the satisfaction of life.
To avoid all these temptations;
1. Dapat alam natin kung kailan tayo sumosobra na, at kung may nakakaligtaan na tayo. May mga panahon kasi na akala nating tama talaga tayo pero ayon pala'y mali na tayo.
2. Plan ahead. I-organize natin 'yong mga gagawin natin. Bigyan natin ang oras ang bawat isa; oras sa pag-aaral, pagga-gadgets, pag-lakwatsa.
3. Iwasan din natin ang masyadong mahumaling sa tukso. Sa sobrang humaling natin sa mga 'to, we tend to forget the other things around us.
4. Find some peaceful place kung saan tayo pwede makapag-pokus, kung saan hindi ka matutukso.
5. And lastly, beresponsible enough to balance your priorities.
Those are only simple keys to give the greatest gift for yourself, and for your parents. Some keys are hidden under your heart and those keys would help you to escape the temptations.
"No evil dooms us hopelessly except the evil we love, and desire to continue in, and make no effort to escape from."
― George Eliot, Daniel Deronda
BINABASA MO ANG
WATTMAG: June 2015 UNVEILING THE NEW GENERATION
RandomWattMag_Ph June 2015: Unveiling the New Generation