Topic: Estudyante Problems: Paano mag-text nang patago habang may klase? Paano na rin makaiwas sa confiscation?
Title: Ninja-moves
Author:emtimony
Tingin sa harap. Labas ng phone galing sa bulsa. Itago sa ilalim ng desk. Mag-text.
Kaso boom! Bistado ka ni Sir. Lumapit siya sa 'yo at kinuha ang phone mo. Kompiskado at sa susunod na taon mo na raw makukuha. Aray ko po!
Luma na kasi ang galawang 'yan. Hayaan mong turuan kita.
Sa paaralan kasi namin, bawal na bawal ang pagdadala ng phone. At dahil masyado kaming naghahanap ng thrill at adventure, nilabag namin ang rule na iyon. Rules are meant to be broken nga, 'di ba?
Nakakapag-text ako habang may klase sa pamamagitan lang ng notebook o kaya libro. Ipapatong ko lang doon ang phone ko at s'yempre, hindi dapat magpahalata at dapat ay kunwaring pokus na pokus sa guro. Sa pinakalikod kasi ako nakaupo. Minsan, nilalagay ko rin sa loob ng clear book ko. Hindi ba't transparent ang plastic na iyon? Ilagay mo lang doon sa loob tapos mag-text ka na. Hindi talaga halata iyon, promise. Kapag lumapit ang guro, isara mo lang sabay lagay sa loob ng bag.
Ang mga kaklase ko namang nasa first row, wala talagang ligtas maliban na lang kung hindi nakatingin si Sir.
Pero kung wala ka naman sa first or last row, may solusyon pa rin. Madalas ko rin itong gawain.
Isabit mo ang bag mo sa upuan ng nasa harap mo. Buksan mo tapos ilagay mo roon ang phone mo. Medyo lumapit ka rin pala sa upuan niya para kunwarei sasandal ka lang.
Tapos iyon nga, mag-text ka na. H'wag na h'wag kang pahalata. Kapag nakaramdam ang guro mo, magkunwari kang may hinahanap lang sa loob ng bag mo. Ang gandang alibi.
Hindi naman tanga ang mga teacher at guidance councilor namin kaya may mga surprise confiscation na ginaganap sa school.
Mabuti na lang at nasa third floor ang room namin kaya may oras pa para magtago ng phone. Nasasagap kasi namin sa mga estudyante sa lower levels kapag may surprise confiscation.
Tinatago ko ang smart phone ko sa medyas ko kasi lagi akong naka-highsock. Oo, nagha-highsock talaga para laging handa sa taguan. Ang mga kaklase ko naman ay ite-tape sa ilalim ng upuan o kaya desk, itatago sa kurtina, sa loob ng underwear at kung saan-saan pa.
Kaya sa huli, walang makikitang phone sa loob ng bag namin. Haha!
Ikaw ba? May mga paraan ka ba para makapag-text habang may klase at makapagtago ng phone para iwas confiscation?
--
BINABASA MO ANG
WATTMAG: June 2015 UNVEILING THE NEW GENERATION
RandomWattMag_Ph June 2015: Unveiling the New Generation