It's All Because of You

54 7 0
                                    

It's All Because of You

by CallMeBoss

'Kriminal ka! Dapat kang mamatay!'

Hindi ko masikmura ang mga sinasabi nila sa akin. Hindi ko masikmura kung paano nila ako tratuhin, kung paano nila ako husgahan at kung paano nila ako tingnan.

Hindi ko magagawa ang ibinibintang nila, alam ng Diyos 'yon. Marangal akong tao. Kinailangan ko ng pera kaya nakipag-sapalaran ako't pumunta sa ibang bansa, pero bakit ganito ang inabot ko? Magandang kapalaran ang kailangan ko, pero bakit ganito ang aking sinapit? Rehas, malulupit na mga salita, kawalan ng pag-asa, pangungulila... bakit nangyayari sa akin lahat ng ito?

Si nanay, ang pamilya ko, ang mga anak ko... paano na sila?

Gustong gusto ko nang bumitiw. Gustong gusto ko nang sumuko ngunit hindi maaari. Ayaw ko silang iwan. Ayaw ko pang mamatay. Pero anong gagawin ko? Maya-maya lang, itatapat na ako sa mga lalaking may hawak ng baril. Pauulanan ako ng mga bala, kasama ng iba pang kriminal na may kapareho kong sintensiya.

Drug trafficking?

Ang kaluluwa ko'y hindi pa nabubulok para pumayag ako sa bagay na 'yon. Biktima rin ako rito. Pero bakit kung tratuhin nila ako, parang mas masahol pa ako sa hayop? Kasalanan ko raw 'to, kasalanan ko lahat, dahil sa akin, nakatakda akong maglaho't mamatay... pero bakit?

Ano bang kasalanan ko sa Diyos?

Ano bang pagkukulang ako?

Ano bang nagawa ko?

"Anak... 'wag na 'wag kang mawawalan ng pag-asa. Hahanap tayo ng paraan! Hindi ka puwedeng mamatay. Mahal na mahal kita, Anak."

Bilib ako sa nanay ko, mula noon, hanggang sa oras na nakatakda na akong bitayin, hindi niya ako iniwan. Ang suwerte ko dahil siya ang ibinigay na ina sa akin ng panginoon. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala siya sa aking tabi. Hindi ko alam kung kakayanin ko lahat ng masasakit na salitang ibinabato sa akin kung wala siya.

Oras ko na... ano bang gagawin ko kapag oras ko na?

Ang gusto ko lang ay ang makasama ang pamilya ko, ang makita silang ngumiti kahit mawawala na ako't ayaw kong may luhang papatak sa kanilang mga mata. Ayaw ko...ayaw kong iiyak sila nang dahil lang sa akin.

Pinunasan ko ang luhang lumalandas sa aking pisngi kasabay ng nakabibinging alingawngaw na kumuha ng aking atensyon, "The last-minute reprieve comes after a woman handed herself into Philippines' police. The Filipino woman, Mary Jane Veloso had her execution delayed. Veloso, be a witness to bring down the drug ring."

Ang anunsiyong 'yon ang bumago sa ikot ng aking mundo. Sa isang iglap lang, dininig ng Diyos ang mga panalangin ko, kahit sa kahuli-hulihang sandali.

WATTMAG: June 2015 UNVEILING THE NEW GENERATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon