TITLE: If it's meant to be, it will be
TOPIC: EP: Wanted: Ka-sparks
BY:Kachuuumiiieee
One of the most awaited part of this incoming school year is the so-called "Ka-sparks". Isa kasi sa inabangan ng mga kabataan ay ang pagkakaroon ng ka-sparks na akala nila ay makikita nila ngayong darating na pasukan.
Ano nga ba ang sinasabing ka-sparks? Ito ba 'yong kuryente? 'Yong sa mga paputok? 'Yong sa mga fireworks? Ano nga ba ang sparks na sinasabi nila? It's about their love life.
Have you ever visited different Facebook pages of different schools, such as UST Files, FEU Files, OLFU Files and many more? Hindi mo naman siguro nalagpasan ang mga taong naghahanap ng kanilang "Ka-sparks" daw, hindi ba?
Una sa lahat, hindi ka pumapasok sa paaralan para maghanap ng ka-sparks mo. Pumapasok ka sa paaralan para matuto, mapalawak, at madagdagan ang iyong kaalaman. Siguro parte na rin ng pag-aaral ang pagkakaroon ng love life, pero tandaan mo, hindi rito naka-sentro ang buong taon ng iyong pag-aaral.
Pangalawa, huwag mong sayangin ang ginagastos ng 'yong mga magulang sa pag-aaral mo. Ginagastusan nila ang pag-aaral mo at hindi ang love life mo.
Pangatlo, enjoy being single! Huwag kang magmadali. Darating din ang oras mo sa pagmamahal. It takes time. Don't rush it. When it's right, you'll know. If it's supposed to happen, it will. Don't worry, you'll be okay. If it's meant to be, it will be. Hinay-hinay lang!
Pang-apat, ang iyong true love ay darating. Hindi 'yan isang bagay na hinahanap sa eskuwelahan. Malay mo, hindi pala kayo sa paaralan magkakakilala ng 'the one' mo? Malay mo officemates kayo. Malay mo makilala mo siya sa mall. Baka nga mala-Wattpad ang eksena n'yong dalawa na may patapon-tapon ng coffee sa damit o magkakabungguan tapos malalagalg ang mga gamit mo. Mga gano'ng eksena! Haha!
Don't rush things! Sabi nga nila, 'Perfection takes time'. Sa ngayon, focus on your goals (hindi relationship goals) and your priorities. Ilagay muna sa isang tabi ang mga hindi naman masyadong mahalagang mga bagay. Huwag aksayahin ang pagkakataong makapag-aral dahil hindi lahat ng tao, nabibigyan ng ganiyang oportunidad. Learn to set your priorities. Makikita mo rin naman ang ka-sparks mo.... someday.
BINABASA MO ANG
WATTMAG: June 2015 UNVEILING THE NEW GENERATION
RandomWattMag_Ph June 2015: Unveiling the New Generation