FilipiKNOWS: Grammar 101

108 14 2
                                    

FilipiKNOWS: Grammar 101

Nalilito ka pa ba sa paggamit ng mga tamang salita,bantas, diin, tono, haba at antala sa ilalim ng sarili mong wika? Ito ang dalawang bagay na dapat mong isaalang-alang, pag-aralan, at pag-tuunan ng pansin!

|| NG vs. NANG ||

NG Notes:

1.) Ang NG ay ginagamit kapag ang sinusundang salita ay PANGNGALAN o NOUN at PANG-URI o ADJECTIVE. Adjectives describe nouns and pronouns.

2.) Ginagamit ang NG kapag ito ay sumasagot sa tanong na ANO, SAAN.

3.) NG - Sumusunod sa mga pang-uring pamilang.

Mga halimbawa:

1.) Nagbabasa NG (libro) si Che-Che. (pangngalan)

2.) Naglalaro NG (mamahaling) na laruan si Toto. (pang-uri)

3.) Kumain ako NG (tatlong) itlog kahapon. (pamilang)

NANG Notes:

1.) Ang NANG ay ginagamit kapag ang sinusundang salita ay PANDIWA o VERB at PANG-ABAY o ADVERB. Adverbs describe verbs.

2.) Ginagamit din ito bilang unang salita ng pangungusap.

3.) NANG, sumasagot sa tanong na PAANO, KAILAN, GAANO.

4.) Ginagamit sa inuulit na salita.

5.) Kapalit ng pinagsamang "na at ang", "na at na", "na at ng".

6.) Panghalili din ang NANG sa NOONG.

7.) Ang NANG ay kasingkahulugan din ng UPANG at PARA.

8.) Katumbas ng 'so that' o 'in order' sa english.

Examples:

1.) Kumain siya NANG (mabilis). (pang-abay)

2.) Siya ang kumanta NANG (kumanta). (inuulit na salita at pandiwa)

3.) NANG isilang ka sa mundong ito. (nasa unahang parte ng pangungusap)

4.) Madalas kaming nagbabahay-bahayan NANG kami ay bata pa.(sinasagot ang tanong na KAILAN at panghalili sa NOONG)

|| R vs. D ||

Kung ang huling salita ay PATINIG o VOWEL (a, e, i, o, u) o hindi naman kaya'y w / y, dapat kang gumamit ng R.

Ex. Ak(o) rin ay nanalo.

Kung ang huli namang salita ay KATINIG o CONSONANT, gumamit ka ng D.

Ex. Si Lilit(h) din ay walong taong gulang na.

Kung nalilito ka pa, magkakaroon pa tayo ng iba't ibang lesson sa mga susunod na isyu. Abangan!

WATTMAG: June 2015 UNVEILING THE NEW GENERATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon