Ang Alamat ng Leche

81 8 0
                                    

Ang Alamat ng Leche

by CallMeBoss

11:11pm

Miko: Kumusta?

Miko: Ano... may nagtatanong kasi.

Seen 11:14pm

Miko: Uy!

Jhing: What

11:15pm

Miko: May gusto kasing magtanong. Ano raw ba 'yong ano... 'yong favorite mong part sa love story natin.

Miko: Kahit alam ko namang ako ang favorite mo.

Miko: Dx

Seen 11:77pm

11:18pm

Miko is typing...

11:19pm

Miko: Ako kasi, ang favorite ko, e 'yong moment na na-accept mo 'yong friend request ko. 'Yong moment na parang tinanggap mo na ako sa buhay mo kahit ang sungit-sungit mo pa rin pagdating sa akin. 'Yong moment na akala ko'y itutulad mo lang ako sa ibang naka-chat mo na iii-snob mo lang at hindi papansinin. Saka ano... sorry sa kakulitan ko, a? Ito kasi ang totoong ako, at ayaw kong magpanggap kapag kausap kita kahit sa chat lang.

Miko: Ngayon lang ako naging masaya na nagkamali ako ng akala \(o^o)/

Seen 11:20pm

Miko: Uy Jhing

Miko: Reply naman d'yan.

Seen 11:25pm

Jhing: Wala akong favorite. Lahat ayaw ko.

Jhing: Pati sa 'yo.

Seen 11:28pm

Miko is typing...

11:30pm

Miko: Hindi ko alam na gan'on lang pala sa 'yo lahat.

Miko: Pasensya na, assuming si Miko, e.

Miko: Magtatago na lang ako sa mga emoticons na 'to > *\(O_O)/* /[o^o]\ \\(^o^)//

Miko: Para kunware, e masaya't okay ako J

Seen 11:50

Jhing: Noon pa man, pangarap ko na ang isang online lovestory. 'Yon bang tipong maghihintay ako ng isang stranger sa facebook at hindi sa omegle na mag-chat sa akin at malaki ang pasasalamat ko kay Rayne kasi nagawa niya 'yon. Masungit ako, oo. Ayaw ko sa 'yo, oo.

11:52

Jhing: Ayaw ko sa 'yo kasi paulit-ulit mong ginugulo ang nanahimik kong mundo. Ayaw ko sa 'yo kasi maya't maya, tresspasing ka sa isipan ko. Ayaw ko sa 'yo kasi nahuhulog ako sa kakulitan mo. Ayaw ko sa 'yo kasi kahit tinitiis kita't sinusungitan, nandiyan ka pa rin para sa akin.

11:55pm

Jhing: Wala akong favorite at lahat ayaw ko dahil ayokong mamili. Masaya silang binabasa tayong dalawa, kung paano tayo maglandian dito kasi nararamdaman din nila 'yong nararamdaman nating dalawa. Tulad ngayon, nagpapakakorni ako dahil sa iisang dahilan.

Jhing: Paborito kong basagin ang sarili kong rules para lang sa 'yo, Miko.

11:56

Jhing: Every night, hindi ko mapigilang maisip na ikaw 'yong hinihintay ko mula noon at hanggang ngayon. And I hate you for making me feel this way.

Jhing: But my heart loves you for making me happy everyday.

Miko: Aww. HashtagKelegmech :">

Seen 11:58

Jhing: Leche!

Miko: Leche :*

Seen 12:00pm

___

23:11. Isang kuwento na isinulat ni Pilosopotasya. Nagustuhan ng nakararami, mapa-professors man, teachers, writers, readers, teens at kung sino-sino pa. Isang kuwento na sumasalamin sa isang online understanding ng Seen Queen na si Jhing Bautista o sa tunay niyang pangalan na Riona Jane Bautista, at ang makulit na si Riko/Miko/Sir Dirham o Melchizedek Jesus Crux.

Maraming humanga, na-inlove, kinilig, umiyak, at natawa. Sari-sari man ang kanilang naging emosyon, iisa lang ang bukambibig nila. Ano 'yon?

Leche! :">

WATTMAG: June 2015 UNVEILING THE NEW GENERATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon