How to deal with shyness?

57 8 0
                                    

Topic: Estudyante Problems: Paano alisin ang hiya?

Title: How to deal with shyness?

Written by: shekinahnahnahXD

Mayro'ng iba-'t ibang klase ng tao. May maingay, madaldal at feeling close. Mayro'n din namang mahinhin, tahimik at mahiyain.

Pero sa panahon ngayon ang mga feeling close ang kadalasang napapansin.

Bakit nga ba may mga mahiyain?

Maraming factors ang nakakaapekto sa pagiging mahiyain ng isang tao. Isa na rito ay ang pagpasok niya sa bagong lipunan na iba sa kinagisnan niya.

Gaya nating mga estudyante!

Ilang araw na lang ay pasukan na. Paniguradong excited na ang lahat pero 'di rin maiiwasang kabahan lalo na ang mga fresh graduate ng highschool at sasabak na sa buhay kolehiyo. Isama na rin natin ang mga transferee.

Sa unang araw, 'di natin maiiwasang mahiya. Normal lang 'yon, lalo na kung freshman ka o transferee. But you know what? You can deal with shyness with two things- practice and mindset.

Halimbawa na lang sa pagpapakilala mo sa harap ng buong klase, alisin mo sa isipan mo ang hiya. Dahil kamag-anak ni hiya si negative thoughts. Be confident, relax, clear your mind, be optimistic, dahil kapag hindi mo ginawa 'yon, sa halip na maitawid mo nang matiwasay ang unang araw mo ay maaaring maging kahiya-hiya lamang ang araw na 'yon.

Speak smart. Impress them not just with your physical appearance but the way you speak. Make your mark! Be bold enough to face them. Sila ang makakasama mo buong taon kaya bakit ka pa mahihiya sa kanila?

Okay na mindset mo at motivated ka na? Mag-isip ka naman nang magandang sasabihin at i-praktis mo. At kapag ikaw na ang magpapakilala, huminga nang malalim bago pumunta sa harapan. Stand smart and introduce yourself with a smile.

Pero minsan kahit anong ensayo ang gawin natin, 'di pa rin maiiwasan na magkamali at magkanda-balubaluktot ang dila, kapag nangyari 'yon, just take it lightly at kung kaya ay sumegway ka.

Kapag nagawa mo ang nasa itaas? Paniguradong mairaraos mo ang iyong unang araw with flying colors!

Ang hiya ay nasa isip lang. Kailangan lang nating itatak sa ating isipan na kaya nating gawin ang nagagawa ng iba.

Good luck on your first day!

WATTMAG: June 2015 UNVEILING THE NEW GENERATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon