Break a leg!

51 7 4
                                    

TITLE: Break a leg!

TOPIC: EP:Tips sa pagme-memorize / review

BY:Kachuuumiiieee

Pasukan na! Parating na sina Quizzes, Seatworks, Homeworks at Examination. Uso na naman ang review, kulang-kulang na notes, mga kailangan saulahin at sandamakmak na reference na mapagkukuhanan mo ng iba pang mga impormasyon.

Ito ang ilan sa mga tips na maibibigay ko sa inyo sa t'wing kayo'y magre-review or magsasaula:

1.) NO TV / MUSIC- Kapag nagre-review or nagsasaula, siguraduhing tahimik ang paligid. Hindi 'yong sobrang ingay dahilan para hindi ka makakapag-concentrate. Siguraduhing wala kang maririnig na music, dahil sigurado akong kapag nakarinig ka ng tugtog ay masasabayan mo ang music sa utak mo. Makakaranas ka ng Last Song Syndrome. Sa halip na ang lessons mo ang manatili sa utak mo ay lyrics na ng kanta ang nakabisado mo. Huwag ding mag-review sa tapat ng TV dahil sa ingay na dulot nito.

2.) NO GADGETS- Kapag nag-aaral, ilayo ang gadgets dahil isa 'yang napakalaking panggulo sa'yo. Sa oras na tumunog ang notification tone ng iyong gadget, hindi mo mapipigilan ang sarili mong usisain ito.

3.) ISOLATE YOURSELF- Para sa akin, ito na yata ang pinakamabisang paraan para makapag-concentrate. Lock yourself up in a room na walang ingay na maririnig kasi sa paraan na 'yan, mas madali kang makakapag-pokus sa pag-aaral.

4.) GUMAWA NG SARILING REVIEWER- Kapag exams na, uso ang pagpapa-photocopy ng notes ng kaklase dahil tinamad kumopya. 'Wag kang maging tamad! Mas epektib ang paggawa ng sarili mong reviewer kasi alam mo mismo kung ano ang isinulat mo roon. And also, according to our teacher, reading your lessons, then writing its summary is more effective when you're studying than just reading it over and over again.

5.) ACRONYMS- Kapag nagsasaulo ka, gumamit ng acronyms para mas madaling matandaan. Kung mahilig ka naman sa music, mas maganda kung kakantahin mo ang isasaulo mo. You're studying, but at the same time, having fun.

6.) REST FOR A WHILE- Magpahinga kung kinakailangan. Walang papasok sa utak mo kung pagod ka na at ipinipilit mo pang mag-aral. Rest for a while, don't stress yourself.

7.) GIVE YOURSELF A BREAK- Ako kasi, kapag nagre-review, hindi ako nawawalan ng chocolate bar o chips sa tabi ko. Whenever I got stressed up by school works, ikakain ko na lang siya. Naging stress reliever ko ang mga ito kaya isa ang mga 'to sa mga pasasalamatan ko 'pag nakapagtapos ako. Try it sometimes. Maglagay ka ng pagkain sa tabi mo at kapag 'di na kaya i-sink in lahat ng utak mo ang mga inaaral mo, kumain ka at magmuni-muni sandali.

8.) MAGHILAMOS O UMINOM NG MALAMIG NA TUBIG- My teacher told us na kapag inaantok na, kulang na ng oxygen ang katawan natin. Well, para ma-refresh tayo, ito ang pinakamabisang gawin. Nagawa ko na 'to and I can say that it's really effective. Nakakawala talaga siya ng antok!

9.) MATULOG NANG MAAGA AT GUMISING NANG MAAGA- As much as possible, gumising nang maaga para makapag-review. Kung hindi na talaga kayang i-digest ng utak mo ang lahat ng binabasa, itulog mo 'yan, pero siguraduhing gumising ka nang maaga para may oras ka pang mag-aral.

10.) HUWAG SAYANGIN ANG ORAS- Time is gold. Treasure every minute. Ang pag-aaksaya ng oras ay dahilan para masira ang time management mo.

'Yan ang mga bagay na maari mong gawin kapag nag-aaral ka na. Ikaw? Ano ba ang istilo mo? Kaya mo bang i-apply ang istilo ko? Well, break a leg!

WATTMAG: June 2015 UNVEILING THE NEW GENERATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon