5 Tips in Managing Your Time

78 9 0
                                    

Title: 5 Tips in Managing Your Time

Author: Eyeleleyenj


Time is gold, ika nga nila. Para itong butil ng bigas, bawat butil ay mahalaga, bawat segundong lumilipas ay dapat pinahahalagahan. Ang tao ay may 24 bente kuwatro oras lamang sa isang araw. Kung tutuusin mas marami sa oras natin ang nasasayang dahil hindi natin alam kung saan natin ito itutuon, at kung paano natin ito maggagamit ng ayos. Naghanda ako ng limang bagay na dapat ninyong tandaan para iwas stress sa buhay.


Tip#1. Gumawa ng Weekly Schedule Board.

Bilang mag-aaral, tungkulin nating alamin ang schedules natin. Wala naman sigurong pumapasok na hindi alam ang schedule n'ya sa school, hindi ba? Tip ko: Gumawa ka ng isang Schedule Board para updated ka sa mga gawain mo. Anong ilalagay mo ro'n? S'yempre 'yong kadalsan mong ginagawa lingo-linggo. Halimbawa, Monday Activities: 10 am-12 nn: Global Finance 1pm-3pm: Entrep 3:30pm-8pm: Business meeting 8:30pm-11pm: Home works. Parang gan'yan, pero kailangang kada linggo. Mura lang naman ang illustration board at sticky notes. Idikit mo lang sa gilid ng kama mo o kahit saang malapit sa 'yo para makita mo agad pagkagising mo.

Tip#2: Hello Sticky Notes in my Phone

Sa mga taong palaging abala katulad ko, sinisigurado kong hindi ako nawawalan ng sticky notes sa phone at bag ko. Makakalimutin kasi ako kaya minsan nakakalimutan kong gawin ang mga dapat kong gawin. Kung anong nakasulat sa weekly schedule board ko gano'n rin ang nakasulat sa sticky notes ko sa phone. Minsan sa sobrang dami ng schedules ko sa isang araw hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin kaya sinisiguro kong sa Sunday pa lang ay handa na 'yong schedules ko sa buong linggo.

Tip#3: Para sa mga Working Student

Hindi ako naniniwala na wala kayong time. Marami kayong oras hindi lang marunong mag-manage. Estudyante rin ako, at business woman at the same time. Mahirap pagsabayin 'yon pero nasa isip lang pala ng tao na mahirap gawin ang isang bagay. Maraming nagtatanong sakin kung bakit at paano ko nagagawa. Ano nga raw ba ang sikreto? Nag-aaral habang nagnenegosyo tapos maraming oras para makipag-date sa mga kaibigan at makipag-movie marathon sa pamilya. Wala akong sikreto, I just enjoy my life. Kung saan ako masaya 'yon ang ginagawa ko. Maikli lang 'yong buhay natin para magpaka-stress. I-enjoy mo lang.

Tip#4: Mag-aral kang mabuti

Nakaka-stress ang paulit-ulit na discussions, 'yong tipong na-discuss na tapos idi-discuss ulit. 'Yong walang katapusang homeworks na hindi ko maintindihan kung binabasa nga ba talaga ng mga propesor, at mga minor subjects na ang lakas maka-major. Minsan hindi ko maintindihan kung bakit ko sila kailangang pag-aralan samantalang malayo iyon sa linya na kinukuha ko. Para 'di masayang yung oras ko, kumukuha ako ng notebook at nagsusulat ako ng mga storyang galing sa imahinasyon ko. Minsan nawi-wirduhan ako sa sarili ko, kasi kapag 'di ako nakikinig mas lalong pumapasok sa isip ko 'yong itinuturo ng propesor. Kapag bored na kayo sa klase n'yo isipin nyo na lang kung magka'no ang matrikulang ibinayad ng magulang n'yo para makapagtapos kayo.

Tip#5: Give Yourself A Break

Patong-patong na mga gawain sa paaralan, problema sa pamilya at lovelife, dapat d'yan ay tawanan. 'Wag mong gawing problema ang hindi mo naman problema. It's a waste of time. Bigyan mo ng oras ang sarili mong mag-enjoy. I-enjoy ang buhay.

Life is too short. Kung ang pera kapag nawala ay naibabalik pa, hindi ang oras na nawala. Sana magamit nating mabuti 'yong oras natin dahil naniniwala ako na walang abalang tao na gustong maabot ang mga pangarap n'ya.

WATTMAG: June 2015 UNVEILING THE NEW GENERATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon